⭐️Chapter28: Peter?!.⭐️

1.4K 28 1
                                    


Doon na nga natulog si Vice sa condo ni Karylle dahil narin sa pagpupumilit ng dalaga. Dumating siya sa condo ni Karylle ng may dalang pagkain mula sa Jollybug para narin sa makakain nila ni Karylle.

Pareho silang kumain habang nagkukwentuhan pa kaso kapansin pansin rin ang pagkain ni Karylle ng madami. Halos pati burger ni Vice ay kinagatan niya narin dahil sa gutom. Gutom nga ba? Napapailing iling nalang si Vice at naku-cutean sa fiancé niyang parang bata kung kumilos sa mga nagdaang araw.

Nang matutulog na sana sila...

"Hep hep hep!" Pagpipigil ni Karylle sa maligalig at excited na excited nang matulog na si Vice. Napakunot nanaman siya ng noo dahil atat na atat na talaga siyang matulog.

"Ano nanaman K? Kakakain lang natin baka gutom ka nanaman. Babe, inaantok na ko oh, alas dose na." Reklamo ni Vice at humilata sa malambot na kama ni Karylle.

"Eew! Get off my bed! I don't like your smell, Vice! Baka mahawa ang cover ng kama ko! 'Dun ka sa sofa nga, eesh." Pagmamaldita ng dalaga at pilit na itinayo si Vice.

"Nagbibiro ka ba K? Tinawag mo ako dito para matulog tayo tapos sa sofa lang pala ako matutulog? You don't do that to me! Dahil jan, hindi kita bibigyan ng Wil Time Jacket! You're so insominays!" Pabirong sabat ng bakla saka kumuha ng kumot at unan. "Sige ka, mamimiss mo ko." Paawa na sinabi nito at lumabas na ng kwarto ni Karylle.

3:01 AM

"Viceeee!" Nagising nalang ang diwa ni Vice dahil sa sigaw ni Karylle. Alam niyang may iuutos nanaman ito kaya napapungas pungas nalang siya at bumangon kahit dalawang oras palang siyang natutulog.

"Yes, kumander?" Matamlay na sinabi nito dahil inaantok pa.

"Sleep with me," nanlaki muli ang mata ni Vice sa kawirdohan talaga ni Karylle. Hindi na siya tumanggi dahil inaantok na talaga siya at konti nalang ay babagsak na siya sa sahig.

Pinulupot ni Karylle ang braso sa bewang ng fiance at ginawang unan ang dibdib nito habang si Vice ay sarap na sarap sa pagkakahiga at nakayakap rin kay Karylle. Hinimas himas nalang ni Vice ang ulo ni Karylle gamit ang isang kamay para makatulog na ito agad.

6:30 AM

"Uuggh, uuurrgh.." Umagang umaga ay napabangon agad si Vice sa narinig. Hindi man niya narinig na sumigaw si Karylle pero nakarinig naman siya ng sumusuka kaya napatakbo agad siya sa CR kung nasaan si K.

"K-Karylle.. Ayos ka lang ba? B-bakit anong nangyari? May masakit ba sayo? Bat ka nagsusuka? Ayan ka kasi kain ka ng kai--"

"Uuurghh No I'm al-urrrghhh." Hindi siya makapagsalita dahil hindi siya matigil sa pagsusuka. Hinimas naman ni Vice ang likod ng fiance dahil sa pag-aalala kung ano ba ang nangyayari dito.

"T-teka lang K, kukuha ako ng tubig. Sandali lang, wag mo munang isuka yang bituka mo." Nagpapanic na sinabi ni Vice at napatakbo sa kitchen para kumuha ng baso ng tubig.

Nang bumalik siya ay medyo hindi na nagsusuka si Karylle at hinahabol nalang ang hininga niya. Inabot ni bakla ang tubig saka hinimas ang likod ng dalaga. Hindi niya alam kung anong nangyayari dito dahil ngayon lang naman siya nakaranas ng ganitong pangyayari.

"Th-thank you." Mahinang pasasalamat ni Karylle at iniabot kay Vice ang baso. Inakay naman siya ng fiance niya papunta sa kama para makahiga ito at makapagpahinga.

"Ano bang nangyari K? Bakit ka sumuka ng biglaan?" Nag-aalalang tanong ni Vice habang pinupunasan ang noo ni K ng bimpo.

"Hindi ko alam eh, nahilo nalang ako bigla pagka-bangon ko then I almost vomit at the bed.. Ewan ko," naguguluhang explanation ng dalaga.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now