⭐️Chapter 23: You're Not Enough⭐️

1.1K 29 1
                                    

"Daddy! Why don't you believe me? Kuya Terrence will just heart you, AGAIN!"

"Kylie, walang ginagawa ang kuya Terrence m--"

"Meron po! He's doing all those stuffs just to win you back! No, I mean just to win your MONEY back! His girlfriend is suffering cancer, he wants money, so he's doing this just to get some money from you then leave you!! Dad, I know everything about him!"

"How come you're so sure?"

"You still don't believe me, dad? One more thing, he's hurting me too! When you're gone, he's becoming evil!! Dad believe me, he'll just cheat on you for another time when you're going to gove him an another chance!"

"Anak, if you're saying this just to push your kuya Terrence away from me then, lying is bad. H-he doesn't have his.. Girlfriend,"

"Then don't, dad!! I'm saying these things that is the TRUTH about him. I'm saying this for your own good!"

~~~~~~~~~~~~~~~~

VICE's POV

Matapos yung naging bangayan naming mag-ama kanina. Bigla nalang nagkulong sa kwarto si Kylie. Hinayaan ko muna siyang ma-refresh ang isipan niya.

Napag-isip isip ko rin kung totoo o maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya kanina. I think it's inpossible. Wala namang nababalita sakin may girlfriend si Terrence, na may cancer din. Naguguluhan talaga ako, kung bakit hindi ko magawang mailayo si Terrence sa pamamahay ko. Hindi ko rin naman alam kung pano ko pababalikin si Karylle sa buhay ko. Nasaan na ba siya? Ang tagal naman siguro ng isang buwang bakasyon.

Lutang na lutang na ang isip ko sa kaiisip sa bundok bundok kong mga problema. Hindi ko na alam kung saan ko pupulutin 'tong magiging solusyon ko eh. Naiistress na ako. Parang gusto ko nang sumuko.

Walang nagtatagal saking relasyon, laging nauuwi sa hiwalayan. Nakakasawa. May FOREVER ba talaga? Tss, asa ka pa Vice.

K, bumalik ka na please. Sana naman nandito ka nalang sa tabi ko. Hindi ko keri eh, mahal ka talaga ni Bakla. Sorry, sorry talaga..

.
GENERAL POV
.
NASAAN NA NGA BA TALAGA SI KARYLLE?
.
.

Samantala...

"Hala, Angela. Dahan-dahan ka lang dyan. Pag ikaw nadapa naku lagot ka nanaman kay Sister niyan. Ang dami mo ng sugat oh," saway ni Karylle sa batang enjoy na enjoy sa pakikipag-habulan sa kapwa niya bata.

"Ay, sorry po ate K! Mas natutuwa po kasi akong maglaro sa tuwing nandito kayo eh." Ngiti ang iginawang sa kanya ni Karylle kasabay ng paghaplos nito sa buhok ng bata.

"Sige na, laro ka na dun pero wag masyadong tatakbo ah. Pagpapawisan ka."

Kasalukuyang nasa Child Haus si Karylle at binibisita ang mga batang nakatira roon. Halos araw araw na siyang nandito at nakikipaglaro sa mga batang itinuturi niyang pamilya. Masaya rin siyang nakikipagkwentuhan sa mga madreng nanduon at nakaka-iwas siya sa stress kahit papaano at nakakaligtaan ang mga masasakit niyang naranasan nang hindi pa siya umaalis sa puder ng bakla niyang kasintahan.

"Ate K! Ang pogi ko po ba?" Sabi ng isang batang babae kay Karylle na naka-loose shirt.

"Hahaha! You're so silly, Kathy. Hindi ka pogi... Maganda ka." Ngiting banggit ni Karylle. "Hay, Kylie. I miss you." Usal nito sa sarili.

"Ay ako naman Teh K! Mas kabog ang beauty ko kaya!" Singit ni Jay na isang kembot na bata sa orphanage.

"Gosh, Vice..." Bulong niya sa sarili at medyo napahagikgik.

Hindi man halata sa itsura ni Karylle ang pagka-lungkot ngunit parang libo libong karayom ang nakatusok sa puso niya sa tuwing maalala ang nakitang panloloko sa kanya ng kasintahan. Hindi parin siya kakapaniwala na makakapanlalaki pa si Vice kung gayong alam niyang matibay ang relasyon nila.

Nagkulang sa pagtitiwala si Karylle at agad agad na sumuko. Hindi niya pinakinggan ang ni-isa sa mga explanasyon ni Vice kaya mabilisan siyang nagleave sa trabaho upang makapag-lay low.

Hindi niya maikakaila na araw araw din niyang naaalala si Vice at araw araw niya rin itong namimiss. May kirot mang galit pero may pagmamahal parin kahit papaano. Mag-iisang linggo na kasing nagbakasyon si Karylle sa bahay ng kanyang lolo kung saan walang nakakaalam. Ni sa kanyang Mama ZsaZsa ay hindi niya ito pinaalam dahil baka magtanong tanong dito si Vice st baka matunton pa siya.
.
.
.
Sa kabila....

Pauwi na ngayon si Vice galing trabaho, of course galing sa ABS at katatapos lang ng noontime variety show na pinagho-hostan niya. Ok, showtime for short.

Pagod, stress, haggard, lahat yan sabay sabay inatake ang katawan ni Bakla nang matapos ang trabaho niya sa showtime. Hindi na siya nag-alintanang umuwi dahil sa sobrang pagod kaya hindi na siya rumampa ngayong araw at gawin ang lagi niyang ginagawa na magpakalunod sa alak at isigaw ang pangalan ni Karylle sa buong bar.

Samantala.....

"Hoy ano ba, hanggang kailan ka ba magpapabebe?! Sawang sawa na talaga ako kasusuyo sayo!" Daing ni Terrence kay Kylie at binagsak ang walis.

"Hindi nga ako nagpapabebe, ang kulit." Sagot ng bata at umirap bago itutok muli ang atensyon sa phone niya dahil nagwa-wattpad nanaman siya.

"Ha?! Lumalala na talaga yang kasutilan mo!"

"Hindi nga ako sutil, ang kulit." Muli nitong sagot.

"Walanjo, sumasagot ka ha, porket alam mong may tagapagtanggol ka!! Hoy tandaan mo bata kang sutil ka, hindi ako ang makulit. Hindi araw araw pwede kang ipagtanggol niyang tatay mong bakla kasi kahit anong gawin mo, AMPON KA LANG!!!" Pagmamalupit nito at nanlilisik ang mga mata.

"Hindi ako ampon! Kulit! Then if you're sick of me, then get out of here and leave my daddy!" Sabat ng bata at napatayo sa sofa.

"AH, SIGE SAGOT PA MORE! WALANGYA KA," Dahil sa inis ni Terrence, hindi na siya nakatiis at unti unting nilapitan ang bata at ambang pagbubuhatan ng kamay pero...

"T-Terrence?" Napukaw naman ang atensyon ng dalawa sa may pinto kung nasaan ang bagong dating na si Vice na kunot-noong naabutan ang situwasyon ng dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Terrence at kaagad na ibinaba ang kamay saka inilagay sa bulsa.

"V-Vice, mukhang napa-aga ka ata ng uw--"

"FUCK, TERRENCE? Are you hurting my daughter? Tama ba yung mga narinig ko? TELL ME, TERRENCE." Seryosong sambit ni Vice sa namamawis na si Terrence.

Tumakbo naman ang bata palapit sa kanyang ama at kaagad na yumakap sa bewang nito saka hinimas ni Vice ang ulo nito.

"H-hindi- ah.. Ano kasi.."

"See?! Hindi pa kita tinatanggap uli alam ko na ang gagawin mo sakin, at sa anak ko! Terrence, get out. Sapat na dahilan na to para paalisin kita. You're not enough. Hayop ka." Seryoso nitong sinabi at tinuro ang daan palabas ng kanyang pamamahay.

"Teka lang Vice! Hindi ko sinasaktan ang anak mo. In fact ako pa ang sinasagot sagot niya, tama ba yun? Alam mong mas matanda ako pero inaalila niya ako!" Daing nito kaya tumingin si Vice sa anak.

"Isang malaking X ng red bolpen wit ko kering mag revenge sa boylet na nagjombag sa heart ng aking papa." Pabaklang sagot ng anak ni Vice na si Kylie. "Hindi ako naghihiganti kasi po alam kong karma na ang bahala sayo. Too bad kung twice ng pagjombag mo sa heartlaloo ng madir ko ang mangyari sayo." Sabay irap nito kay Terrence.

"Terrence, get out. Please! Bago pa ako maubusan ng pasensya sayo."

"Pero Vi--.."

"GET OUT!!" Ugat ugat na sigaw ni Vice kaya napilitan si TR na makalabas ng pamamahay ni Vice. Huminga ito ng malalim bago lumuhod para makapantay ang anak. "Sorry, Kylie. I didn't believe you before. Babawi ako, and my promise, I'll win your mom K back." Sinserong sambit nito at niyakap ang bata.
.
.
.
.
.
.
.
.
TO BE CONTINUED.

A/N: n

SORREEH! Sobrang tagal ba? Na-adik kasi si Author sa CLASH OF CLANS eh, wit ko maiwan. Haha, .. Sorry masyadong maikli... Babawi rin ako,, hehe....

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now