⭐️Chapter2: SKK⭐️

2.7K 57 1
                                    

From: SKK ((Sakang, Kulot, Kurba))

"Pogi! Wakey wakey, maaga ka ng magising para di ka na mapagalitan ni Direk!! Uso din kasi mag-alarm ano po? Ayaw lang kita mapagalitan ni direk.. Concerned friend lang.. And, good morning too!"

Maagang maaga ay may nag-text na agad sa phone ni Vice na MePhone 20. At dahil maingay naman at kakaiba ang ringtone ni Vice na kantang Alone ni Anne. Napagtyagaan niya lang itong gawing ringtone dahil wa-epek talaga sa kanya ang ibang kanta na pwedeng pampagising sa kanya, tanging kay Anne lang talaga.

Napangiti nalang siya ng bahagya ng mabasa ang text ni Karylle. Bihira kasi magtext ang kaibigan niya tuwing umaga, tanging mga bunganga lang ng bakla ang sumasalubong sa umaga niya.. Di na siya nagpa-tumpik tumpik pa at tumayo na ng higaan para makabangon at makapag-handa na. 8:30 palang naman kaya marami pa siyang oras para makapag-ayos at kumain.

To: SKK ((Sakang, Kulot, Kurba))

"Eto na nga po eh. Ikaw rin agahan mo ang pag-ayos dahil mahirap plantsahin 'yang kulot mong buhok! Haha, charot lang kurba.. Salamat sa pag-gising! Ingat sa pagpunta sa ABS, love you teh!"

Reply ni Vice kay Karylle, normal lang sa kanilang magkakaibigan na mag-I Love you-han dahil lahat naman sila ay GIRLS. Walang malisya kahit hindi naman trulaloong girl si bakla kasi magkakaibigan naman talaga sila. Lalo na pagdating kina Anne at Karylle. Mahilig makisalamuha si Vice sa mga babae dahil he's one of them ika nga.

Pagkatapos magsipilyo at maghilamos ni Vice ay nagtungo na siya sa baba upang kumain. Naka-handa na ang almusal niyang inihanda ng kaniyang yaya. Kumain na siya agad dahil gutom narin siya at pagod sa pagkakatulog. Mag-isa lang siya lagi kumakain pwera nalang kung nasa bahay niya ang Team Vice o ilan sa mga bakla. Wala rin siyang boylet, pero hindi naman siya naghahanap. Ika nga niya, kaya niya namang mabuhay na maging bakla kahit walang lalaki. Naka-ilan rin siya before pero walang tumagal. Naiintindihan naman niya at pilit na iniintindi ang mga rason ng bawat maging boyfriend niya. Alam niya namang bakla siya pero lahat naman umiibig.

Naghanda na siya para umalis pagkatapos niyang maligo. Simple lang ang kanyang suot at kala mo totoong lalake talaga, denim pants, Fred Perry shirt, aviator shades at Jordan shoes na kakabili palang niya. Wala kasi siya sa mood upang magpa-garbo ng damit.

Habang nagmamaneho si Bakla, di niya rin maiwasan ang paglingon lingon kung saan saan. Kung ano anong bagong boutique ang itinayo sa QC at kung ano ano pa. Paliko na sana siya ng may matanaw na sasakyan na tila pamilyar at naka-tigil sa isang tabi na parang nasiraan.

SKK 214

Yan ang plaka ng sasakyan mula sa pagkakatanaw niya. Red plate pa nga. Ninamnam pa niya ang utak niya upang maisip o maalala kung kanino ba 'yun. Wala kasi siyang memorize na plate number ng mga sasakyan ng mga kaibigan niya dahil wala naman siyang paki rito sa plaka.

'SKK? Hmp, SKK, parang sakang, kulot, kurba lang yun ah.' Natatawang sinabi ni Vice sa isip habang naka-red light pa naman. 'Kurba?!' Napag-alaman niya na kay Karylle nga ang sasakyan ng maalala. Agad uli siyang lumingon at nakita ang problemadong itsura ni Karylle na nakatingin sa baba kung saan inaayos ng driver niya ang gulong ng sasakyan. Agad namang bumusina si Bakla pero parang walang narinig si Kulot kaya bumaba nalang agad siya para puntahan ito.

"Kulot!" Sigaw ni Vice ng papalapit kay Karylle. Malayo layo kasi ang agwat kung saan muna ipi-nark ni Vice pansamantala ang kanyang sasakyan. Lumapit siya sa kaibigan at sinuri kung ano bang nangyari sa sasakyan nito. Mabait naman si Vice at nakaisip ng idea.

"Sabay ka nalang sakin, tsk. Mamaya pa 'yan matatapos. Male-late ka pa ikaw ngayon ang pagagalitan. Halika na kurba." Aya ni Viceral kay K. Bahagya naman sumilip si Karylle sa gulong ng kotse niya upang tignan kung malala ba ito.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now