2-12 || The Minion is BACK--la

1.2K 35 0
                                    

"Mama, iwan ko muna 'tong kambal sa inyo. Susunduin namin sila mamaya, may importante lang raw na sasabihin si Vice eh. Walang magbabantay sa dalawa." Sabi ni Karylle sa ina nang ihatid sina Ana at Jose sa bahay nito.

"Sure, anak. Alam mo namang miss na miss ko na 'tong mga apo ko. Next time si Peter and Kylie naman ha? May inihanda pa naman akong game room sa taas." Masiglang sinabi ni Zsa Zsa habang pinagmamasdan ang nagkukulitang sina Ana at Zia.

"Oo nga ate! Dalhin mo sila minsan dito. Nakakamiss si repapips." Singit ni Coco na kabababa lang mula sa itaas at halatang bagong ligo lang dahil basang basa ang mga buhok nito.

"Haha, yes I will. Sige ma, baka hinahanap na ako ni Vice. I'll be going to showtime pa din mamaya eh. Bye babies!" Paalam ni Karylle bago bumeso sa ina at halikan ang dalawang anak. Nagpaalam narin siya sa dalawang kapatid upang tumuloy na para makipag-usap sa asawa.

Nagmaneho na siya ng sariling sasakyan pauwi ng kanilang bahay kung saan naghihintay si Vice.

Nang makauwi ng kanilang bahay ang huli, naabutan niyang nasa sofa na ang asawa at nanunuod ng basketball kasama si Peter na wala pang pang-itaas.

"Oh, andito ka na pala." Paunang sinabi ni Vice bago tumayo at halikan ang asawa.

"So what's that so-important thing?" Taas kilay na sinabi ni Karylle.

Napalingon si Vice sa anak na nangangalumata dahil medyo inaantok pa at kagigising lang nito. Ayaw naman niyang marinig muna nito ang usapan nilang mag-asawa kaya nilapitan niya muna ito para umakyat muna sa kwarto niya.

"Peter, akyat ka muna sa taas. Your mom and I need to talk about something, privately." Utos ni Vice sa anak at papikit na ang mata sa sobrang tamad.

"Kakagising ko lang eh, tutulog nanaman ako." Reklamo ng bata.

"Peter..." Sumbat ni Karylle at pinandilatan ang anak kaya sumunod nalang ito. "O, ano bang pag-uusapan natin? That suppose to be important at pinahatid mo pa sina Ana kila Mama.." Sabi ni Karylle at pinatay muna ang tv bago naupo sa sofa.

"Talagang importante. Ah... This is about Kylie."

"What about her? Is she sick? What happened?" Sunod sunod na tanong ni Karylle.

"'Di, mahal. Ano.. Actually ka-aalis niya lang papuntang Inc. ah, hindi ko alam kung bakit 'to nangyari. Ni-hindi sumabit sa isip ko na mangyayari 'to. Maski ako nabigla nang aminin niya sakin 'to kahapon sa building. Iyak siya ng iyak kahapon after niyang sabihin ang lahat sakin. Pinilit ko pa nga siyang sabihin yung tinatago niya hanggang ayun, nagwala saka nag walk out." Pagsasalaysay ni Vice sa asawa.

"W-wait, anong meron? Hindi ko maintindihan. Anong sabi niya?" Naguguluhang tanong ni Karylle na kunot-noong nagsasalita sa harap ng asawa.

"K, the minion is back. Hindi ko alam kung anong gusto niya. That night remember nung hinatid siya ni Harry? Yael was about to rape her at the building's parking lot! Mabuti nalang at nandun na agad si Harry kundi.... Urgh, hindi alam kung ano nanamang gusto niyang gawin satin, K. Maniwala ka man at sa hindi, nakita niya raw yang walang hiyang bulinggit na yan. I saw marks on her neck, actually.." Litanya ni Vice.

"What the?? Y-Yael? But how? Why? Why did he came back? And what does he need?!" Pagalit na tanong ni karylle na napatayo na mula sa sofa.

"That's the question. In addition, that night may binulong raw si Yael kay Kylie. He said he's taking a revenge. But revenge for what?! K baka kunin ka nanaman niya sakin, hindi ko alam bukas, mamaya baka isa sa inyo makuha niya! And I'll never let that happen anytime!" Nag-aalalang sinabi ni Vice habang hinihimas ang sintido niya.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now