⭐️Chapter13:Allow Me⭐️

1.4K 44 1
                                    

Pagkatapos ng sagutang naganap sa magkasintahan, tuluyan ngang umalis si Karylle. Ayaw niya munang makita si Vice ngayong gabi dahil hindi niya alam kung bakit nag-iinit ang dugo niya pag nakikita ito. Si Vice naman ay hindi naiwasan ang magalit dahil hindi siya naiintindihan ni Karylle. At the same time, naiinis rin siya sa sarili kung bakit hindi man lang niya nabibigyan ng kahit kapatak na oras o matawagan man lang at kumustahin ang nobya.

Kinaumagahan, naka-confined parin ang anak anakan ni Vice sa ospital. Sina Buern na mismo ang nagbabantay dito dahil narin sa ipit na schedule ni Vice. For now ay medyo lumuluwag luwag na siya dahil ngayong gabi na ang huling event na pupuntahan niya. Hindi niya nagawang maka-usap si Kylie dahil late na ito nagising at naka-alks na siya para makapasok sa Showtime.

Tinext niya si Karylle na susunduin niya ito, pero she insisted na huwag nalang. Hindi na siya nakipag-talo para hindi na lumaki ang gulo. Ayaw niya namang mag-away sila ni Karylle pero siya na mismo ang umintindi dahil babae ito. Gustong niyang magkaayos kaagad sila para hindi na mauwi sa kung ano anong nangyayari sa mga magjowa.

Hinintay niya nalang si Karylle na makarating sa lounge. Gusto na niyang makipag-ayos sa girlfriend ngayon din. Hindi kasi siya makatiis na hindi siya pansinin nito at hindi sumagot sa mga tawag. Namimiss niya na ang mga yakap niya, mga halik sa pisngi, mga ngiti, miss na niya si Ana Karylle.

"Good morning Kuys!" Bati ni Vhong sabay nakipag-apir sa kaibigan. Naki-apir naman si Vice at tumango nalang.

"Andyan na ba si Karylle?" Ibang topic na tanong ni Vice kay Vhong.

"Ha? Oo, kanina pa. Ang aga nga eh, nandun ata sa dressing room niya." Kunot noong sagot ni Vhong dahil akala niya ay alam ni Vice na kanina pa nasa DR si K.

'Bwisit.' Sabi nito sa sarili dahil nagmuka siyang tanga kahihintay.

"Geh, puntahan ko lang." Sabi niya at nilagay ang kamay sa bulsa habang naglalakad patungo sa dressing room ni K. Kumatok muna siya pero agad ding binuksan ang pinto nang malaman na bukas pala ito. Naabutan niya si Karylle na nakabaon ang ulo sa mga braso at mukhang natutulog sa may table. Vice chuckled a bit and moved closer to her and held her shoulders that made her startle.

"V-vice.." Gulat ni sinabi ni Karylle at pungas na pungas pa ang mata na halatang kanina pa nakapikit.

"K.. Can we talk."

"About what?" Sagot ng dalaga at muling bumalik sa dating pwesto.

"Babe, look. Alam kong galit ka sakin. Please, please allow me. Allow me to explain. Lahat ng ginagawa ko, para 'to sayo. Allow me to give this time for this kind of stuffs, this is not just for me but also for you. I'm getting busy because of tours, events, and other things. I hope you understand me. Ginagawa ko 'to para makapag-ipon. Ginagawa ko 'to para pagdating ng panahon ay hindi na ako mamomroblema kung saan ako kukuha ng financial para ibigay sayo ang lahat at makuha mo na ang apilido ko. All I want is to be ready, to be ready for everything. K, allow me to do this. Promise, babawi ako."

Lingid sa kaalaman ni Vice ay lumuluha na pala si Karylle sa pwesto niya. Palihim na pinunasan ni Karylle ang mga luha niya bago harapin si Vice.

"Really? Babawi ka? So will you go out with me later, night?" Tanong ni Karylle nang makatayo at harap harapang sumagot kay Vice.

"A-ah..." Nag-aalanganin pa si Vice na tanggapin ang offer ni Karylle. Mamayang gabi kasi ang 25th Anniversary ng Swatch at invited pa siya. Pinagpapawisan na si Vice kahit naka aircon naman ang DR ni K.

"K, an.. Ano kasi, m-may Swatch pa'ko mamaya, pwede bukas nalang?" Alalang sinabi ni Vice dahil baka magalit ng todo si K. Nagtaka naman siya dahil natawa ng kaunti si Karylle from a serious face.

"Oh, pogi. I'm just kidding, I understand you naman. And those 'Allow Me' thingy, I'm sorry, I didn't mean to be childish na hindi mabigyang pansin. Sorry, but now I understand. Thanks." She said then hugged him tight.

"Okay lang, kurba ko. Saka ito na talaga, K. Last na 'tong event then clear na ang schedule ko. Promise, I'll treat you tomorrow, I'll date you I mean. Basta wag ka ng magtatampo ah, nacu-cutean kasi ako sayo eh." Sabi ni Vice at hinalikan sa ulo ang girlfriend.

"I'm sorry,"

"I love you."

🔴🔴🔴🔴🔴

"Oh, mahal. Wag ka ng magtampo ah? Sorry talaga hindi nanaman kita maihahatid pauwi eh. Promise talaga bukas ha? Love you!" Paalam ni Vice kay Karylle para maka-diretso siya kay Matt at ayusin o asikasuhin ang magiging outfit niya mamayang gabi.

"Yes, po. Ingat ka and good luck babe. I love you too!" Sabi ni Karylle at naglakad na si Vice palabas ng Abs Building. Nakatalikod kung maglakad si Vice at patuloy na kumakaway kay Karylle saka nagpa-flying kiss.

"I LOVE YOU BABE!" Sigaw nito at saka tumakbo na ng may malaking ngiti sa labi. Si K naman ay di naiwasan ang kiligin sa ginagawa ni Vice kahit simple lang.

Pagkasakay ni Vice sa sasakyan niya. Naisipan niya na tawagan si Kylie habang nasa biyahe. Hindi na kasi sila masyadong nakakapag-chat/talk dahil nga sa busy ang bakla o kaya minsan kapag uuwi si Vice ay late narin kaya hindi naabutang gising ang bata.

"Hello Kylie, nak. How are you? Sinong nagbabantay sayo ngayon dyan sa hospital?" Bungad ni Vice nang sagutin siya ni Kylie.

"Okay na po ako, daddy. Si Tito Bernard po uli ang nandito. Kakababa lang po ni Tito Buern." Matamlay na sagot ng bata.

"Ah, okay.."

"Kailan po ba ako lalabas dito?" Tanong ni Kylie on the other line.

"As what've your doctor told me. Mamaya raw pwede ka ng makalabas. You're alright nanaman di'ba, baby?"

"Opo,"

"You sound lonely. Is there something wrong? You want something? I'll buy it for you just tell me," nakangiting sinabi ni Vice as if namang makikita siya.

"Nothing po, hindi ko rin naman po maabutan kayo when you get home. It's okay daddy, I know you're just busy that's why." Vice sighed.

"Nak, look. I'm sorry okay? Pareho kayo ng mommy Kurba mo, I can't give enough time for the both of you. But this is the last shot, promise. Okay? Smile. I'm going home later, maybe 9 or 10 pm. Hindi na po masyadong late uuwi si Daddy ha. Mabilis lang naman kasi yung event mamaya. And I know na nakalabas ka nanaman dyan sa ospital mamaya. Wag mo na akong intayin, magpupuyat ka pa, I'll just see you in the morning I guess, milady?" Vice giggled.

"Haha! Dad, you're so silly." He could hear her laughs.

"See? At least I made you laugh. Kk.. Anak, I have to go. Magpahinga ka para mabilis kang makalabas dyan ha? Luv luv! Mwah!" Nagflying kiss pa si Vice na kala mo ay nakikita siya.

"Thank you, papi! Luv luv! Mwah! Ingat po! Babye!"
🔴 🔴 🔴

That night, pagod na pagod na umuwi si Vice. Tama nga at medyo maaga siyang nakauwi. Mga 11 pm lang naman. Lagpak agad siya sa sofa niya pero sanay naman siya na ganito ara- este gabi gabi na laging late kung umuwi. Parang routine niya narin ito.

Kinabukasan, tinupad niya nga ang sinabi niya kay Karylle. Bibigyan niya na ito ng sapat na oras na deserve naman niya. Umuwi muna si Vice galing sa Showtime upang makapag-palit ng damit na isusuot na damit sa bonding nila ni K. Susunduin niya nakang ito by the time na matapos siya.

Nang makauwi siya, normal thing. Ganun parin kaso nang sumilip siya sa kwarto ni Kylie, nakita niyang may hawak itong picture. Hindi niwa alam kaya 't umusisa na siya pero hindi niya inaasahan ang nakita...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be continued!!

Short UD!

12:03 am! Goodmornight!

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now