⭐️Chapter16: Sorry I left II⭐️

1.4K 34 0
                                    

"POSITIVE 💯✔️"
.
.
.
.
.
.
.
Halos maluha-luha na si Vice sa sayang nadarama. Sa wakas ay nalaman niya rin ang totoo. Simula palang kasi ng una silang mag-kita, magaan na ang loob niya rito. Hindi niya naisip na ang batang kaharap niya, kinupkop niya, inalagaan niya, ay tunay pala niyang anak.

"Jose Marie .." Nag-flashback sa isip niya ang unang nabanggit ng lolo ni Kylie nung una silang magkita. Kaya pala alam nito ang pangalan niya dahil nagkakilala na sila.

Laking pasasalamat rin ni Vice na walang selos o galit na naramdaman si Karylle nang mabanggit niya na may babae na pala siyang nakapag-talik sa kanya noon.

Agad agad na umakyat si Vice sa taas upang ipaalam ang balita. Pumasok siya sa kuwarto ni Kylie at alam niyang nandun ang mga bakla. Excited niyang binuksan ang pinto ngunit napatigil siya at biglang napag-isip kung hindi ba magtatanim ng sama ng loob si Kylie dahil hindi niya ito nakasama ng matagal at ang akala ng bata ay hindi siya tanggap ng ama.

"Mga Ba---"

"SSSHH!" Sabay sabay na sitsit ng mga bakla dahil tulog ang bata. Nagtaka naman si Vice kung bakit dahil hindi ito masyadong nagtututulog especially kung kasama ang mga beks.

"Why?" Tanong niya at tinuro si Kylie niya kung bakit tulog.

"Borlog! Wit keri ang boses ni Bernard! Singlaloo ba naman ng Let It Go!" Pabulong na sagot ni Archie.

"Oo nga, di ko alam kung nakatulog sa ganda ng boses o tinulugan nalang si Bernard! Kaloka." Dagdag nu Buern. Napatango nalang si Vice.

"What's the gotch ba? Ano 'yan?" Pang-uusisa ni Buern sabay turo ng envelope na hawak ni Vice. Ngiti ang nireply ni Vice kaya napa-isip agad si Buern kaso sumagot agad si Russ.

"What?! Annulment papers niyo ni K?! Wit pa nga kayo kas--" binatukan agad siya ni Archie dahil umaatake nanaman ang kalokohan nito.

"Gaga!" Sumbat ni Buern.

"Pero, Meme! 'Yan na ba? Emegesh, what? Nega o Posi?" Excited na tanong ni Archie. Nag-thumbs up si Vice kaya napalaki ang mga mata ng mga bakla.

"O MY GO---" sabay sabay na nga sanang sisigaw ang mga bakla nang sitsitan sila ni Vice na huwag maingay. Napakamot batok nalang sila at nag peace sign. They're just happy for him.

"Pwede iwan niyo muna ko dito? Please?" Pakiusap ni Vice kaya sumunod naman ang mga bakla para mabigyan ng oras si Vice kay Kylie.

"Good luck, Me." Nakangiting pahabol ni Archie.

Nang isara na ni Vice ang pinto dahil nakaalis na ang mga kaibigan niya, dahan dahan siyang lumapit at naupo sa kama ni Kylie. Malaki ang nabuong ngiti sa kanyang labi. Masaya siya pero umaasa siyang maiintindihan siya ng anak, maiintindihan siya nito na hindi niya ito nilisan o iniwanan. Gusto niyang ipaliwanag dito na hindi niya ginustong hindi sila magkasama habang lumalaki si Kylie. Sa pagkaka - alam kasi ng bata ay hindi siya tanggap ng ama, and that was wrong. Hindi kang talaga naipahayag kay Vice ng maayos ang mga nangyari decades ago.

Hinawi ni Vice ang mga buhok na nakaharang sa mukha ng anak niya. Gusto niya sana itong gisingin upang makausap kaso mas gusto niya atang pagmasdan nalang ito habang natutulog dahil mas naantig ang puso niya.

"I'm sorry, I left you. Anak ko." Di niya namamalayan ang pagpatak ng luha niya kasabay ng paghalik niya sa noo ng bata. Pumatak naman ang luha niya sa pisngi ng bata kaya pinunasan niya ito agad. Naalimpungatan si Kylie dahil sa naramdamang tubig sakanyang pisngi kaya napamulat siya ng kaunti at nakita si Vice na may luha sa mata ang ngiti sa labi.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now