⭐️Chapter6: Felt⭐️

1.7K 44 0
                                    

Nang mag-drive na si Vice papunta sa lugar kung nasaan si Karylle, hindi niya maiwasan ang magtanim ng hinala para kay Yael. Una sa lahat, ayaw niyang umiiyak kahit sino man sa mga matatalik niyang kaibigan. Babakla bakla man siya ay kaya niya paring maghiganti para sa mga kaibigan niya.

Paspasan siyang nagmamaneho dahil magkaiba naman sila ng ruta ni Anne na daraanan kaya hindi traffic ang daan ni Vice. Wala naman siyang mga nakakasalubong na mga sasakyan dahil disi-oras narin naman ng gabi. Nang makarating siya sa park na sinabi ni Anne, nagdahan dahan siya sa pagmamaneho upang mapakiramdaman kung nasaang bahagi si Karylle.

May nakita na lamang siyang babaeng naka-yuko at nakaupo sa isang bench na tila umiiyak. Tinigil naman ni Vice ang sasakyan at baka sakaling si Karylle na nga ang babaeng iyon. Dahan dahan siyang lumapit upang hindi ito magulat. Rinig na rinig ang bawat hikbi ng dalaga na halatang malalim ang pinagmumulan ng bawat luhang lumalabas sa kanyang mga mata.

"K?" Mahinang sinabi ni Vice at hinawakan sa likod ang babae. Nagulat naman ito kaya biglang napa-urong ng upo at tumingin kay Vice. Tama nga, si Karylle ito at namumugto ng maigi ang mata sa kaiiyak.

"K anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? Sabihin mo sakin si Yael ba?" Tanong ni Vice nang umupo sa tabi ni K at pilit na inaangat ang baba ng dalaga.

"V-vice anong ginagawa mo dito? P-paano mo nalaman.. Umuwi ka na.. N-nakakahiya naman sayo.." Sabi ni K at pilit na umiiwas kay Vice kasi nahohiya na siya rito at lagi nalang siya ang dumarating kapag may kailangan ng tulong si Karylle.

"Teka K, ayos lang. Hindi na importante kung bakit at pano ako napunta dito. Ang mahalaga nahanap na kita. Ano bang nangyari sayo? Andyan lang naman ang condo ni Yael ha? May nangyari ba sainyo? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sakin K, isang kembot ko lang tatalsik na 'yang minion na yan. Tell me what happened." Nag-aalalang litanya ni Vice kay Karylle at hinihimas ang likod nito para mapatahan.

Niyakap niya naman si Karylle para maging komportable itong sabihin sa kanya kung ano ba ang kaganapan kanina. Itinuon ni Vice ang baba niya sa ulo ni Karylle habang hinihimas nito ang buhok ng dalaga.

"S-si Yael.. M-may iba... Hind.. Hindi ko na kaya yung ganun Vice! Masakit eh, kaya pala these days masyado siyang busy. Busy sa pakikipag-landian. Tell me Vice, nagkulang ba ako kay Yael? Am I too boring for him? Tell me!" Halos paluin na ni Karylle ang dibdib ni Vice dahil hindi na niya mapigilan ang galit na nararamdaman sama narin ang sakit.

"Sshh, tahan na K. Itong tandaan mo. Hinding hindi ka naging boring, hindi ka nagkulang. Siya lang talaga ang naghanap ng iba, wag mo na siyang alalhanin K, andito naman kami nila Anne, Vhong, saka marami pang iba para mapasaya ka Diba? Wag ka ng umiyak, sige ka aagawin ko si Yael, cheret! Wag mong dibdibin yan K, may likod ka pa." Naghanap nalang si Vice ng pagkakataon para kahit papaano ay mapangiti si Karylle.

"Vice talaga." Sabi ni K at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya. "Alam mo dapat hindi ka na nag-punta dito eh, masyado na kitang naaabala. Lagi nalang ikaw yung pumupunta sakin sa tuwing may problema ako. Hindi ko na nga alam kung paano pa ako babawi sayo eh." Sabi ni karylle na medyo may ngiti na sa labi.

"Ano ka ba, Kurba. Hindi mo na kailangan noh.. Teka ba't ka ba nagpunta dito sa condo ni Yael? Diba dapat sa bahay ka tumuloy? Ikaw talaga oh, gabing gabi na dapat nagpapahinga ka na kasi may showtime pa bukas tapos taping diba?" Sermon ni Vice na parang nanay.

"Wala kasing tao sa bahay, tapos yung condo ko nililinis pa. I asked Yael if pwede ba ako sa condo niya muna matulog. Pgro ayun, naganal ang scandalo. Nandun yung babae." Malungkot na sinabi ni Karylle.

"Hay kaloka kang merlat ka! Bakit ka diyan matutulog sa condo ni Yael? Malay mo ma-rape ka niyan! Tsk, sakin ka nalang tara. Atlis sigurado ka na hinding hindi ko kayang makita yang si Maria noh, kasi EWW! Haha, charot. Tara na K, samin ka muna matulog." Suhestiyon ni vice.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now