⭐️Chapter4: My Beki Dad⭐️

2.7K 45 1
                                    

"So, eto pumayag na nga si Kylie, so maari na ba nating simulan ang pagsho-shoot?" Kaagad na sinabi ni Direk Wenn at nakahawak sa pareho niyang kamay.

"Ha? Pano 'to direk ang bilis naman, wala pa ngang gaganap." Sabi ni Karylle at napa-cross arms.

"Anong wala? Andito na kayo oh!" Malaking ngiti ang lumabas sa bibig ni Direk Wenn at tinuro ang vicerylle.

"We?! Talaga direk! Hay salamat naman, makaka-partner ko na si K sa totoong movie." Sabi ni Vice at umakbay kay Karylle.

"Asus, nandidiri ka naman sakin eh." Pababying sinabi ni K.

"Uy hindi ah, nirerespeto ko lang ang pagkababae mo sa mga panahong yon. Pero ngayon, totohanan na 'to, wala ng tagapagsalaysay. Direktor na ang meron. Keri ko 'to! Sus," he bragged.

"Alam ko namang keri niyang Viceral na 'yan kahit man torrid kissing scene na 'yan! Type na type ka naman ng poging bakla na itey eh!" Natatawang biro ni Direk Wenn saka pimalakpak ng tatlong beses, signaling na magsisimula na sila.

Naka-ready nanaman ang lahat. Okay narin ang place kung saan magte-taping na isang may-ari ng restaurant si Vice. Bulag ang character ni K kaya minomotivate muna siya ni Direk Wenn dahil first time lang ni K na mag-arte ng bulag. Natutuwa naman si Vice at kasama si Ryan sa movie nila.

Nandun narin si Kylie at eksatong kararating lang galing ng school. Kasama pa niya ang yaya niya at nakadalaw narin naman sila sa lolo niya bago sila tumungo sa set. Nakabihis na siya ng formal at hindi na school uniform dahil laging alert ang yaya Melai niya sa mga pinupuntahan ng alaga kaya laging may baong damit.

"Hi ganda! Oh siya halika.. Ikaw ang magiging assistant director ha? Para sabihin mo kung may mali. Haha! Osiya tara na't maupo." Alok ni Direk kay Kylie. Kumaway ng bahagya si Vice ky Kylie at ganon rin naman ang ginawa ng bata.

"Oh, ikaw na mag-megaphone anak. Keri mo 'yan." Nkangiting sinabi ni Direk at saka iniabot kay Kylie ang megapone.

"Ready, get set go!! Charot! Okay ready na! Kuya Vice 'dun ka raw sabi ni Direk!" Sigaw nito sa megaphone. Natutuwa naman si Direk Wenn dahil napaka-cooperative ng bata at halatang nag-eenjoy sa ginagawa. Natawa rin si Vice kahit medyo malayo siya kina Kylie. Si K naman ay hindi pa pumapasok dahil di panaman niya scene.

🌏🌏🌎🌎🌍🌍

Pagkatapos ng taping, nagpaalam muna si Vice kina Direk at lalong lalo na kay Karylle. May rehearsals pa kasi ito para sa magiging disney concert basta na malapit ng ganapin. Hindi na siya sumabay kay Vice dahil magkaiba sila ng ruta na dadaanan.

Sinamahan nalang ni Vice si Kylie sa ospital upang bisitahin ang lolo niya. Lingid sa kaalaman ni Kylie na kukupkupin na siya ni Vice dahil hinahayaan muna niyang maging komportable ang bata kasama siya upang masanay rin ito. Lagi ring nakabuntot si Melai sa mga lakad ni Kylie at nag-eenjoy pa nga dahil lagi siyang may nakikitang artista lalo na ang idol niyang si Piolo Pascual na nakita nila sa may ABS building.

"Oh, a-apo.. K-kamusta naman kasama ang k-kuya Vice mo? M-masaya ba?" Sobrang nanghihina na ang matanda halata naman sa pananalita niya.

"Masaya po, Lo! Sobrang saya! Nakakatawa po si kuya Vice at saka si Ate Karylle, ang saya po nilang kasama." Sabi ni Kylie na napapangiti pa.

"Mabuti naman at nag-eenjoy ka apo. Kaya, sasabihin ko na 'to sayo." Banggit ni Lolo Bonifashoe at tumingin kay Vice. "K-kapag nawala ako, ang kuya Vice m-mo na ang mag-aalaga sayo ha? G-gusto kong magpapakabait ka. Aalagaan ka niya, diba nga gusto mong maging totoong ano nga yun, vicerel babes? Haha, kung ano man 'yun. Magiging Viceral ka na rin. Hindi na kasi magtatagal ang lolo. Promise yan kaykay ah? Pakabait." Sabi niya at ngumiti.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now