⭐️Chapter14: She's?⭐️

1.4K 42 2
                                    


Nang maka-silip si Vice sa kwarto ni Kylie. Naabutan niya itong naka-takip ng comforter ang kalahati ng katawan at nakahiga saka may tinitignang litrato. Medyo maliit ito kaya naisipan nalang ni Vice na tuluyang pumasok at tignan kung sino ba ito.

"Hi anak!" Pangugulat ni Vice saka hinalikan sa noo ang bata. Ngumiti ito at binigyan ng halik si Vice sa pisngi pabalik. Tinignan ni Vice ang picture na hawak ng bata, parang familiar sa kanya pero wala siyang maalala na kahit ano basta ang alam niya ay nakita na niya ang mukhang iyon.

"S-sino 'yan?" Tanong ni Vice at naki-upo sa tabi nito.

"K-Kayla? Hi-hindi... Hindi siya 'to." Sabi ni Vice sa isip.

"Mommy ko po." Sagot ng bata at ngumiti

"M-mommy mo? A-akala ko..."

"My lolo gave this to me, when I was still younger." She stared at the picture and a lonely smile was built on her face.

"Anong pangalan niya?" Usisang tanong ni bakla dahil gusto niya talagang malaman ito. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang malaman pero parang kilala niya talaga ang nakita sa litrato.

"Kayla daw po sabi ng lolo." Sagot nito kaya nabigla si Vice at tama nga ang naisip niyang pangalan kanina.

"She died when she gave birth to me. Sadly I wasn't able to meet her and hug her, as well as my dad." Kinakabahan, naguguluhan, naghihinala na ang mga nasa utak ni Vice sa ngayon. Hindi niya alam kung paano ba niya ieexplain ang nararamdaman niyang magulo sa utak niya.

"Yah, y-your dad.... Amm, uh..." Nauutal na siya at hindi na niya alam ang sasabihin. "Yung papa mo, k-kapag ba bumalik.. Um, sorry for asking this again. Matatanggap mo ba siya?" Kamot ulong tanong ni Vice.

The kid shrugged and kept the picture behind her phone's case.

"N-no, p-paano.. Hindi.. Di'ba hindi naman siya na.. Hindi ... Ano ba to.. Ewan ko!" Sabi ni Vice sa sariling isip at tumayo mula sa kama ng anak.

"Oh, pano ba 'yan nak. Ah.. I'll bond with you tomorrow. May aasikasuhin lang si daddy na importante. Sorry ah," nauutal na paalam ni Vice at hinalikan ang ulo ng anak bago lumabas.

Pinagpapawisan na si Vice. May naalala nanaman kasi siyang kagaguhang nagawa niya nung tutoy pa siya. Akala niya hindi totoo ang lahat, akala lang niya.

Dahil sa nararamdaman niya, isang tao lang ang tinawagan niya. Kung saan kailangan niyang sabihin ang lahat, at para maklaro rin ang isipan niya.

"B-babe, K.. Meet me, no no. Pupunta ako dyan sa condo mo. I have to tell you something.. " binaba nalang agad niya ang phone ng tawagan si Karylle.

🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴🔴

Nang makarating si Vice sa condo ni K. Pumasok nalang agad siya at halatang balisa, maraming iniisip. Nag-alala naman si Karylle kaya naisipan niyang ipagluto muna si Vice ng makakain.

Nakaupo si Vice sa sofa ni Karylle at nakatingin sa kawalan. Malayo ang iniisip, este malalim. Nang matapos magluto si Karylle, inilagay niya sa center table ang pagkain at saka naupo sa tabi ng boyfriend. Tumingin siya dito at kita sa mata ang pag-aalala. Bigla namang nahiga si Vice at inunan ang lap ni K saka pinaglaruan ang buhok ng girlfriend niya.

"What's wrong with you, pogi?" Malambing na tanong ni K at inayos ang mga hibla ng extensions ni bakla. Hindi parin sumasagot si Vice. Mga isang minuto ang pagitan bago siya muling magsalita.

"K,mmasama ba ko?" Biglaang paglabas nito sa kanyang mga bibig.

"What are you saying? Pffft! Vice you're acting weird again!" Tawang tawang sinabi ni K pero nananatiling seryoso si Vice kaya tumigil ito.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now