2-5 || For The First Time and Forever

1.4K 31 1
                                    

Patuloy na nanunuod sa telebisyon ang mga bakla. Nabore naman sila nang matapos na ang laban ng GineBra at Air 21 Hari ng Padala. Habanag nakain sila, hawak ni Buern ang remote, lipat dito, lipat doon puro commercials tulad ng...

"Limited Edition SAKO, Kasya kayo dito,"

"Gulaman ni Arman, mapapa-mura ka sa sarap. Mura na madumi pa. San ka pa? *tastes* PuchaEna! Ansarap!"

"Kanin baboy! Ang tunay na halo-halo!"

"Vice Ganda, nagbalik na kasama ang kanyang.."

"Oh, Hi K!" Usal ni Archie kaya napatingin si Buern na nakita si Karylle na kapapasok lang sa pinto kasama si Kylie.

"Hello, Karylle. Long time no see." Walang emosyong bati ni Buern at nakatutok parin sa tv ang atensyon saka lumafa ng lumafa.

"Hi Kurbs.. Nakauwi na sila meme ah." Sabi ni Donna at uminom ng juice.

"Kala ko di ka na lalabas eh," nakapikit na sinabi ni Russ habang nakasandal sa sofa.

"K-Kayo lang? S-si Bernard?" Tanong ni Karylle.

"WALA NA." Sabay sabay na sinabi ng mga bakla except kay Buern.

"Mga gaga! Nandyan lumalapa nanaman kasama sila Viceral, teka Karylle bak--.. KARYLLE?!!" Lahat ng bakla napatingin sa direksyon ni Karylle at hindi namalayang si Karylle pala talaga ang kausap nila. Hindi rin ito nagpakita sa kanila nung lumisan sila kaya wala silang ka-update update dito.

"O MAY GHAD?!??! KARELLL!! NAKER! NAMISS KA NAMEN HALAA! WAAAH!" Sabay sabay na sigaw ng mga bakla at nagtatalon sa tuwa. Natawa naman si Kylie sa inasta ng mga bakla na parang nakakita ng machong fafa.

Hinawakan nila si Karylle sa mukha na parang 'di makapaniwalang si Karylle nga iyon. Napangiti naman si Karylle dahil nakikita niyang namiss rin siya ng mga bakla na dating kakulitan nila ng fiance na si Vice.

"K-Karylle?" Isang mahinang boses ang pumukaw sa atensyon nila, si Vice na kagagaling lang sa dining area at nakita si Karylle na kinukulit ng mga kaibigan niya. Nabigla ang binata sa hindi inaasahang pagkikita nila ng dating kasintahan.

Tinignan siya ni Vice mula ulo hanggang paa. Kitang kita niya dito ang naging epekto kay Karylle nang pagkaalis nila, medyo pumayat ito at naka empake na ang mga eye bags. Napakunot siya ng noo dahil ayaw niya naman talagang makita ito at higit sa lahat, hindi pa siya handa.

Hinila ni Kylie si Karylle papalapit kay Vice ng may malaking makulit na ngiti sa labi.

"I told you to be ready for my surprise, huh." Sabi ni Kylie at kumindat sa ama. Pero nakakunot parin ang mga noo ni Vice habang nakatingin ng masama kay Karylle. Hindi naman nagustuhan iyon ni K pero pinilit niyang manahimik nalang. Napailing ang binata iniwan ang dalawa saka nagtungo nalang sa dining area.

Nagpout naman si Kylie at tinignan nalang si Karylle na parang 'okay lang yan.' look.

(Fastforward minsan lang 'to.)

Katabi na ni Anne at Kylie si Karylle. Tuwang tuwa naman sina Vhong at iba pang kaibigan ni Vice dahil nandun si Karylle. Lalong lalo na ang nanay ni Vice. Pero kahit todo ang chika nila sa dalaga, kay Peter parin ang atensyon nito. Parang gusto niya itong hablutin at yakapin ng mabuti dahil sa sobrang pagkamiss.

"Hey, daddy.." Sabi ni Peter at hinihila ang manggas ng tahimik na si Vice.

"Hmm? Y-yes, baby? You want to eat more? Wait I'll get you so..."

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now