CHAPTER FORTY

21.1K 437 53
                                    

Armel's POV

            "What are you doing here?" Singhal ko kay Bianca nang basta na lang siya pumasok dito sa loob ng penthouse ko. Kanina pa ako nandito at hindi ko na mabilang kung ilang beses nang umakyat ang butler para lang magdala ng alak sa akin. Naubos ko na kasi ang mga miniature bottles na stock dito.            

            "The reception called and told me that you keep on asking for liquor.  Ano ba ang nangyayari, Armel?" Tumayo sa harap ng kama ko si Bianca at pumameywang pa.

            Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan ko pero nanatili akong nakahiga sa kama. Ayaw kong magpaistorbo. Ayaw kong kumausap ng kahit na sino. Pinatay ko na nga ang telepono ko dahil kanina pa tawag ng tawag sa akin si Sallie. I don't want to hear her voice. I was mad. I was upset. I was hurt.

            I was hurt by the woman that I promised to love.

            Lumapit si Bianca at naupo sa sofa na naroon tapos ay huminga ng malalim.

            "This is not you.  You are hurt," sabi niya.  "You must love her that much.  I have never seen you so affected like this kahit na 'nung umalis ako."

            Tiningnan ko lang siya ng masama at dinampot ko ang alak na natitira sa bedside table ko.

            "She must be a lucky woman to be loved by Mr. Carmelo Fernandez," at naiiling na natatawa si Bianca.

            "What do you need, Bianca?  Please get out."

            "I want you to get up and fix yourself.  Ano ka ba?  Your employees will start to think that you are not competent because of what you are doing.  Drinking and sulking here by yourself? You are not the Carmelo that I know."

            "I don't care about them.  I don't care about you.  I don't care about her!" Bumangon ako sa kama ko at tinungo ang mini bar na naroon at kumuha uli ng bote at nagbukas tapos ay tumungga doon.

            "Stop it," awat ni Bianca at kinuha ang bote na hawak ko pero mabilis ko ding kinuha iyon sa kanya.

            "Please get out.  Just get out. I wanted to be alone. Get out," mahinahon pero mariing sabi ko sa kanya.

            Napahinga ng malalim si Bianca at tinungo ang pinto. Wala din naman talaga siyang magagawa dito kahit maghapon niya akong pagsabihan. I don't want to hear any of her thoughts. Hindi ko naman kailangan iyon. Ang utak at dibdib ko at punong-puno ng galit dahil hindi ako ang pinili ng babaeng mahal ko.

            Pagbukas ni Bianca ng pinto ay napahinto ito doon at yumuko na parang may pinulot tapos ay humarap sa akin. Mahina akong napamura nang makita ko kung ano iyon at kuminang sa paningin ko. Iyon ang singsing na ibinigay ko kay Sallie.

            "Someone left a nice diamond ring here," sabi niya at parang sinipat-sipat pa ang singsing. "This must cost a fortune. The rock is so big. Such a lucky woman." Naiiling na sabi ni Bianca at inilapag sa table na naroon ang singsing.

            "You know my number, Armel. I am just one call away if you want to talk," sabi niya at tuluyan nang lumabas.

            Para akong nanghina na napaupo sa sofa nang makita ko ng malapitan ang singsing. Lalo lang napuno ng galit ang dibdib ko. She didn't even have the face to talk to me? Or gave back that ring personally? Ganoon talaga ko sa kanya? Hindi man lang ako kasama sa option? I shook my head ang threw the bottle of brandy on the wall.

            I was expecting her to come here. I was expecting her to make some effort to explain everything. I was expecting her that she would do something to fix everything about us. I was expecting her to tell me that she chose to stay because of me. She chose me.

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now