CHAPTER THIRTY

37.2K 860 47
                                    

Sallie's POV

            Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang pabalik kami ni Armel sa hotel. Nagtapat na siya. Kami na. In a relationship na kami. Para akong naloloka na hindi maialis ang ngiti sa mga labi dahil hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Hindi ko akalaing sobrang sweet pala niya. Siya pala ang nagpi-prepare ng romantic dine out sa yate na iyon. Ayaw pa nga niyang umalis at gusto niya doon na kami magpalipas ng magdamag pero kailangan naming bumalik sa hotel dahil may dinner pa siyang pupuntahan kasama ang mga staff ng Boulevard Suites.

            Pero bigla ding nawalan ang mga ngiti ko sa labi. Bigla rin iyong napalitan ng kaba. Kaya ko ba ang ganito? Kaya ko bang panindigan na maging girlfriend ng isa sa pinakamayamang tao na tulad ni Armel? Sigurado akong pag-uusapan ako ng mga tao. Walang-wala ako sa level ng mga naging babae niya. Sigurado ako mga sosyal, models, mga kilala ang mga dumaan sa kanya. Saka seryoso kaya talaga siya sa akin o paglalaruan lang niya ako?

            Napabuga ako ng hangin at tiningnan ko si Armel na tahimik lang na nakayakap sa akin mula sa likuran ko at nakatingin sa malawak na dagat.

            "A – Armel," nasa biyahe na kami noon pabalik sa hotel.

            Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakayakap sa akin at isiniksik pa ang ulo sa leeg ko.

            "Armel," ulit ko.

            "What?"

            "May request sana ako."

            "What is it?" Naramdaman kong hinalikan niya ako sa leeg.

            Automatic na napapikit ako sa ginawa niya kaya mabilis akong umiwas. Grabe ang kuryenteng tila dumaloy sa buong katawan ko.

            "Puwede bang huwag nating sabihin kahit kanino ang tungkol dito?"

            "Ang alin?" Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin tapos ay umiba ng puwesto. Pumuwesto na siya kung saan siya nakaharap sa akin at ang seryoso ng mukha niya.

            "Ito. Itong tungkol sa atin."

            Sumimangot ang mukha niya at napailing.

            "Ano ba ang problema kung malaman nilang girlfriend kita?  Or kinakahiya mo bang malaman ng tao na ako ang boyfriend mo?"

            Iyon pa ang naisip niya. Ako ang nahihiya para sa sarili ko. Alam kong ako ang hindi bagay sa kanya.

            "Armel, alam mo kung anong magiging problema.  Magiging usap – usapan tayo lalo na sa hotel 'nyo.  Alam naman ng lahat doon kung anong nangyari sa atin dati 'di ba?  Saka kaya mo bang pagtawanan?  Kaya mo bang marinig na ang girlfriend mo eh, dating maid?"

            Huminga ng malalim si Armel. Parang naiinis siya sa naririnig niya sa akin.

            "Stop thinking about that, Sallie.  Please.  Wala akong pakielam sa sasabihin ng mga tao.  To hell with them.  Ikaw lang ang importante sa akin."

            Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap ko sa akin pero alam kong naiinis siya kasi ayaw niyang tumingin sa akin.

            "Nakikiusap ako.  Sa atin na lang muna ito."

            Tiningnan niya ako tapos ay tumango. "Fine. Kung hindi lang kita mahal." Napangiti ako ng yumakap siya sa akin. "I could stay forever like this."

            Oo nga. Kung puwedeng ganito na nga lang kami forever. Kaming dalawa. 'Yung wala akong maririnig na sasabihin ng ibang tao.

            Pina-diretso ako ni Armel sa hotel room namin dahil kailangan daw niyang kausapin muna si Rex para malaman kung anong nangyari sa meeting. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naliligo at nagbibihis. Isang de-teranteng maxi dress ang isinuot ko na kasama sa mga ibinigay ni Suzanne. Naisip kong mag-suot ng two-piece bikini sa ilalim noon dahil alam kong luau theme ang event sa baba. Ang kagandahan sa maxi dress ay pwede itong itali sa beywang para nakalitaw naman ang bikini top.

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now