CHAPTER FOURTEEN

29K 870 23
                                    

Pakiramdam ko hanggang ngayon ay nagri-rigudon pa rin ang dibdib ko sa sobrang kaba.  Hindi ko alam kung anong puwedeng gawin ni Armel sa ginawa kong pag-iwan sa kanya doon pero alam kong tama lang ang ginawa ko.  Hindi na kami puwedeng magkita pa ng lalaking iyon.  Ang pagkakakilala naming dalawa ay isang pagkakamali.  Nabuo ang isang pangarap na mula sa kasinungalingan.

            Kaninang-kanina pa tumatawag sa akin si Yasmin pero hindi ko sinasagot ang tawag nya.  Ayoko na munang makipag-usap kahit na kanino kasi masakit na ang ulo ko sa dami ng mga alalahanin.  Walang tigil sa pagtatanong sa akin si Enzo kung sino ba talaga si Armel.  Tanong din siya ng tanong kung boyfriend ko daw si Armel at kung magiging tatay na daw niya ito kasi paulit-ulit daw ang lalaki sa pagsasabi na magiging boyfriend ko daw si Armel.   

            Diyos ko po.  Siguradong kapag nalaman ni Armel ang patong – patong na kasinungalingan ko, siguradong isusumpa niya ako.

            Hindi na ako nakapagpaalam pa sa nanay ko ng pumasok ako sa trabaho.  Nagmamadali rin kasi ako dahil late na akong nakaalis sa bahay.  Ayoko ng ma-late sa trabaho para hindi masilip ng HR ang mga tardiness ko.  Napatingin ako sa relo ng naglalakad na ako malapit sa hotel na quarter to six pa lang naman.  Six to six na naman ang duty ko ngayong night shift at ipinagdadasal kong sana ay dumating ang kapalit ko para hindi na ako mag-straight duty.  Pagod na ang katawang lupa ko at ang isip ko at gusto ko naman magpahinga.    

            Mabilis akong dumiretso sa likod para makapag-time in ako.  Matapos kong mag-log ay pumunta na ako sa quarters naming para makapagpalit ng damit.  Inaayos ko na lang ang pagkakatali ng uniform ko ng maramdaman kong may humila sa braso ko at kahit parang nakakaladkad na ako ay pilit akong ipinasok sa bodega ng mga linen.

            "Yasmin!  Ano ka ba?!  Tinakot mo naman ako!" Inis na sabi ko sa kanya.  Pinalis ko pa ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

            Pero hindi agad sumagot si Yas sa akin.  Seryosong-seryoso lang ang mukha niya habang inila-lock niya ang pinto ng linen room.

            "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Himig galit si Yas.

            "Nasa biyahe ako.  Hindi ko naririnig ang tawag mo," katwiran ko sa kanya.

            "Nagkita ba kayo ulit ni Mr. Fernandez?"  Parang sigurado siyang nangyari iyon.

            Inirapan ko si Yas.  Sigurado ako kung bakit nagaalburoto ang isang ito dahil hindi pa ako nagkukuwento ng mga kaganapan sa kanya.

            "No choice lang ako, Yas.  Nakita niya kasi ako sa labas kaninag umaga.  Mahuhuli naman ako ni Mr. Mercado na kausap si Armel kaya napilitan akong sumakay sa kotse niya," napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon.

            Bahagyang natawa si Yas.

"Wow, ha?  Armel na ngayon ang tawag mo sa kanya?  Close na kayo?" Tonong nang-iinis lalo si Yas.

            "Hindi naman.  Ano ba ang problema?" Naiinis na rin ako kay Yas.  Tumingin ako sa relo ko at five minutes to six na.  Kailangan ko ng magsimula ng mga trabaho ko dahil siguradong kapag hindi agad ako nakita ni Mr. Mercado ay may memo na naman akong matatanggap.

            "Ano ang problema?  Malaki, Sallie.  Kasi ipinapahanap ka na ni Mr. Fernandez.  Alam mo bang ipinatawag pa niya ako sa opisina niya kanina." Kulang na lang ay maglabasan ang mga litid ni Yas sa leeg sa sobrang intense ng pagkakasabi noon.

            Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko sa narinig ko.

"H – ha?  Ipinatawag ka?  Bakit?  Anong nangyari?  Nakilala ka ni Armel?" Grabe ang kabog ng dibdib ko.

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now