CHAPTER THIRTY-NINE

11.9K 365 20
                                    


Sallie's POV

            Pakiramdam ko ay magko-collapse na ako habang bumibiyahe pauwi sa bahay namin. Ayaw sagutin ni Armel ang tawag ko. Kahit sa text ayaw din niyang mag-reply. Gusto ko lang naman magpaliwanag. Alam kong nagkamali ako dahil naglihim ako sa kanya pero gusto kong maintindihan niya kung bakit ko ito ginagawa. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra pero umaasa ako na magkakaayos kami.

            Sinubukan kong tawagan si Suzanne para malaman ko kung nasaan si Armel pero ang sabi niya hindi naman daw nagpunta doon sa bahay nila. Tumawag ako sa opisina at tinanong ko ang sekretarya niya pero ang sabi hindi pa daw dumadating doon. Hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Huling pag-asa ko na si Yasmin. Magbabakasakali ako na nakita niya ito nagpunta sa hotel.

            "Frend!  Balita?  Naka-ready ka na sa pag-alis mo? Nasabi mo na ba kay Sir ang totoo?" Iyon agad ang bungad niya sa akin.

            Bago pa ako makasagot ay napahagulgol na ako.

            "Sallie!  Ano ba ang nangyayari sa iyo?" dinig kong natataranta ang boses ni Yasmin.

            "Busy ka ba?  Kailangan ko lang talaga ng kausap. Puwede ba kitang puntahan?" humihikbing sabi ko.

            "Off ko ngayon pero nandito ako sa hotel kasi may mga inaayos akong papers.  Pumunta ka na lang dito."

            Pinatay ko na ang telepono at pumara ako ng taxi. Diretso ako sa Boulevard Suites. Wala akong pakialam kahit mukha akong basura ngayon. Ang importante sa akin ay makita ko si Armel at makapagpaliwanag ako.

            Sa lobby pa lang ay nakita ko nang naghihintay si Yasmin. Napakunot ang noo niya nang makita ang itsura ko.

            "Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?"

            Yumakap lang ako sa kanya at umiyak ng umiyak. Hindi na ako makapagsalita. Inalalayan niya ako  hanggang sa makapunta kami sa opisina niya. Inabutan niya ako ng tubig kasi hindi matapos-tapos ang pag-iyak ko.          

            "Yas.  Ayoko nang umalis. Ayoko na," umiiling na sabi ko.

            "Ha?  Pero 'di ba sabi mo sigurado ka na dito?  Mamaya na ang flight mo."

            "Hindi ko kayang iwan si Armel.  Galit siya sa akin.  Hindi ko kaya," para na yata akong mababaliw sa kakaisip kung nasaan si Armel.

            "Ano bang nangyari?"

            "Nag – propose siya sa akin kagabi.  Gusto niya akong pakasalan.  Pero nakita din niya ang ticket ko saka kontrata ko.  Galit na galit siya sa akin," at napaiyak na naman ako ng maalala ang nangyari kagabi at kanina. Hindi ko makalimutan ang galit at sakit sa mukha ni Armel. Talagang nasaktan ko siya ng sobra.

            Hindi agad nakapagsalita si Yasmin sa narinig na sinabi ko.  Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan ang singsing na suot ko

            "Gaga ka.  Oo nga.  Siguradong ang mahal nito. Anong ginawa mo? Tinaggihan mo?"

            Umiling ako. "Tinanggap ko pero hindi ko pa nasasabi sa kanya ang balak ko. Tapos kanina nakita niya ang plane ticket ko at kontrata. Nalaman niyang aalis na ako. Galit na galit siya. Hindi na niya ako pinakinggan. Hindi ko na alam kung nasaan siya. Kailangan kong makausap si Armel," para na akong batang maglulupasay dito.

            "Ano ba 'to, Sallie?" parang kahit si Yasmin ay nahihirapan sa sitwasyon ko.

            "Ayoko ng umalis.  Hindi ko kayang umalis."

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now