CHAPTER TEN

32.4K 926 20
                                    

Sallie's POV

"You know, this is my first time to fetch a kid in school. Ganito pala ang feeling."

Tiningnan ko si Armel ng marinig ko ang sinabi niya. Kitang-kita ko ang liwanag ng kanyang mukha habang nakatingin sa karamihan ng mga batang naglalaro sa playground. Parang amazed siya sa mga batang naglalaro sa playground. Tingin ko ay mga preschool students iyon. Sa malas, hindi na namin naabutan ang presentation nila Enzo kaya naghintay na lang kami sa paglabas ng mga estudyante. Patingin-tingin din siya sa mga magulang na naroon na naghihintay ng mga anak na susunduin.

Nandito kami sa parking lot ng school. Ayoko talagang lumabas ng sasakyan dahil siguradong pagtitinginan kami ng mga tao doon. Alam ko naman kasi na alam ng ibang mga magulang dito kung ano talaga ang trabaho ko. Sa dami ng mga parents at yaya dito na walang ginawa kundi ang pag-usapan ang buhay ng ibang mga parents, siguradong piyesta na naman sila kapag nakita na may kasama akong lalaki pagsundo. Lahat dito ay alam na single mom ako at iginagapang ko lang ang pag-aaral ni Enzo.

"Baka magalit ang asawa mo kasi sinamahan mo pa ako dito," hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon. Kumunot ang noo niya sa akin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Natatawang tumingin siya sa akin.

"You think I am married?" Paniniguro niya.

Hindi agad ako nakasagot. May asawa na nga kaya siya? Pero hindi naman siguro ito maglalakas loob ng ganito kung may-asawa man siya. Pero hindi rin. Napakarami kong kakilalang kung umasta ay binata pero may asawa na at marami ng anak.

"Mukha ba akong may–asawa?" Ulit niya at halatang pinipigil lang niya ang mapatawa.

"Ewan ko. Marami naman kasing lalaki na magaling magpanggap na binata pero may mga asawa pala," sagot ko at tumingin sa labas kasi hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

"Mukhang may pinaghuhugutan ka niyan, ah." Sagot niya sa akin tapos ay sumeryoso ang mukha niya. "Don't mind me asking. What happened to Enzo's dad?"

Umiling lang ako at nagkibit ng balikat.

"Nandoon sa asawa niya," wala sa loob na sagot ko. Sa dami ng kasinungalingan ko kay Armel, parang ngayon lang gumaang ang dibdib ko dahil ngayon lang ako nakapagsabi ng totoo.

"You didn't know that he's married? How about support? Is he supporting your kid?" Tanong pa niya.

"He was a professor in college. Masyadong nabulag si Ate–" mabilis kong itinikom ang bibig ko dahil muntik ko ng masabi ang pangalan ni ate Sarah. Nakita kong nakatitig lang sa akin si Armel at parang talagang hinihintay ang sasabihin ko. Sana hindi niya napansin ang nasabi ko. "Masyado akong nabulag sa kaguwapuhan niya. S–saka magaling siyang mambola. Alam mo naman kaming mga babae. Madali kaming mauto sa mga kasinungalingan. Akala ko totoo lahat ng mga sinasabi niya. At tungkol sa suporta?" Umiling ako. Kahit kailan naman hindi nagawang magbigay ng tatay ni Enzo. Kinalimutan na talaga si Enzo ng totoong tatay niya.

"You think binobola lang kita?" Nakataas ng kilay na tanong niya sa akin.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Napalunok lang ako dahil sobrang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

Panginoon ko! Ang guwapo talaga niya! Nakakatunaw siyang tumingin.

Gusto ko ng magsisigaw sa sobrang kilig. Kung nakikita lang siguro ni Yas ang ginagawa ko ay malamang nabatukan na niya ako.

"Rosey, I am not married. You can even search me in google. Napakaraming articles about my life in magazines and in the internet," nakangiting sagot niya sa akin.

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now