CHAPTER FIFTEEN

30.8K 934 39
                                    

Armel's POV

            It's god damn ten in evening. I am getting tired of looking at my wrist-watch over and over. Inabot na ako ng gabi kakapanood ng mga cctv footages na ibinigay ng head of security sa akin. Gusto ko nang ibato ang mga piraso ng usb's kasi ilan na ang napanood ko pero kahit anino ni Rosey ay hindi ko pa nakikita. Mga guests, hotel staff lang ang nakikita kong paulit-ulit na naroon. Naduduling na nga ako sa kakatitig sa monitor.

            Painis kong kinuha ang telepono ko at tiningnan kung sino ang tumatawag doon. Talaga bang hindi ako titigilan ni Estelle? Grabe ang kulit ng babaeng ito. Ni-reject ko na ang tawag niya. Pero wala pang isang minuto, nagri-ring na naman. Pinabayaan ko na lang tumunog ng tumunog. Magsasawa din naman siya.

            Tumingin ako sa pinto ng bumukas iyon at sumilip si daddy. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at kahit nga ayoko siyang nandito ay wala naman akong magagawa kasi pumasok na siya. Mukhang good naman si dad kasi nakangiti pa siya ng maupo sa harap ng mesa ko.

            "They told me you are here," sabi ni dad. Tiningnan niya ang mga usb na naroon. "Kakaiba yata at ginabi ka dito na nakababad sa opisina mo," sabi pa niya. This time ay kinuha niya ang bungkos ng usb at inisa-isa pa. Parang nagtataka kung ano ang ginagawa ko sa mga usb.

            "I am just checking on something," tanging sagot ko at muling itinuon ang pansin sa monitor ng laptop.

            "What is it?" usisa ni dad. Bahagya siyang sumilip sa monitor na tinitingnan ko pero muli ring bumalik sa upuan niya.

            Inis na sumandal ako sa upuan at napailing-iling. Bahagya ko pang hinilot ang ulo ko.

            "I've met a woman two weeks ago.  I told you I like her dad.  I don't care if she has a son, if she was married for how many times. I don't know.  She is different.  I can't explain basta I like her," wala naman kasi talaga akong ma-explain kahit sa sarili kung bakit gustong-gusto ko si Rosey.

            "O?  Ano naman ang problema doon?  Tell her that you like her," sagot ni dad.

            "The problem is I don't know her.  I just know her name.  It's just Rosey.  Rosey – " mahina akong napamura kasi kahit apelyido ng babaeng iyon ay hindi ko man lang maalala na. "It stars with R. Reyes, Ricanor. Damn it. And I don't understand why she always ran away from me? Para siyang lagging kinakabahan kapag nakakasama niya ako? Geez, dad. I just want to know her."

            Nakita kong natawa si daddy. Nasa itsura niya na natutuwa siya na nai-stress ako dahil lang sa babae.

            "Wow.  This is a first.  You are searching for a woman.  Ikaw ang hinahabol ng mga babae 'di ba?  She must be something if she took you out of your senses," natatawang sabi ni daddy. "Kaya pala kahit anong gawin ni Estelle, talagang hindi mo napapansin dahil may iba ka palang hinahabol."

            Hindi ako kumibo at muling tumingin sa monitor. Napakunot ang noo ko ng Makita ko ang isang staff ng hotel na pumasok sa penthouse suite. She looks very familiar. Her built was like Rosey's. I swallowed hard. She really looks like Rosey. But I thought, that could be impossible. When I met her that night, she was wearing an expensive dress. I can vividly remember that dress because that really looks good on her. She was stunning that night.

            Lalo ng kumunot ang noo ko ng makita ko ang pamilyar na babae na pumasok sa suite. Si Yasmin iyon at may dalang mga damit. Mukhang galing sa laundry.

            Pareho kaming napatingin ni daddy sa pinto ng biglang bumukas iyon. Agad akong napasimangot ng makilala kong si Estelle iyon.

            "I told you I am busy.  Ang kulit mo," malapit nang maubos ang pasensiya ko sa kanya. Kaninang-kanina pa siya walang tigil ng tawag sa akin na nire-reject ko. Ang dami-dami niyang bilin sa reception na tawagan ko siya.  Kailan ba sasaksak sa kukote ng babaeng ito na ayoko sa kanya at ayaw ko lang siyang mapahiya?

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now