CHAPTER THIRTEEN

29K 888 42
                                    

Armel's POV

            Pakiramdam ko ay susugod ako sa giyera ng marating ko ang hotel.  Walang magtangkang bumati sa akin habang papasok ako sa loob.  Lahat ng security, mga hotel staff ay parang mga damo na nahahawi at umaalis sa dinaraanan ko.  Paano naman kasi ay itsura talaga akong kakain ng tao.  Mainit ang ulo ko.  Nabubuwisit na ako sa nangyayari kay daddy at sa partnership nito sa pamilya ni Estelle, nabubuwisit pa ako dahil sa tinakasan na naman ako ni Rosey.   

            "S–sir." Isang staff ang naglakas loob na lumapit sa akin.  Nakita kong bahagyang napaatras ang lalaking staff ng makitang tumingin ako.

"What?" Inis na tanong ko.

            Napalunok pa ito bago nagsalita.

"S–sir, nagbilin po kasi si Ms. Estelle.  She needs to meet you this evening," sabi nito sa akin.

            "Tell her I am busy, and I don't have any time for her shit," tanging sagot at pumasok sa nakabukas na elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang office ko.  Pagdating ko doon ay pabagsak akong naupo sa swivel chair at napabuga ng hangin tapos ay dinampot ko ang telepono at idinayal ang local number ni Mr. Mercado.

            "I am in my office.  Please send her in," sabi ko at hindi ko na hinintay na sumagot si Mr. Mercado.  Binabaan ko na siya ng telepono.

            Napasandal ako sa kinauupuan ko at nakatingin lang sa nakasarang pinto ng opisina ko.  I don't know what was wrong with me.  This was not me.  It's just a woman.  I can easily find someone else if she doesn't like me.  Hindi ako naghahabol sa babae.  In fact, it's the other way around.  Hindi lang si Estelle ang humahabol sa akin, marami pa sila.  But right now, I think I would do anything just to find her.  Ano pa ba ang ayaw sa akin ni Rosey?  I am a fucking good catch.  I have money.  I am successful.  I am famous.  Hindi ko naman masasabing pangit ako.  Ilang beses na rin akong lumabas bilang print ad model during my college days pero hindi ko lang ipinagpatuloy.  Katuwaan lang naming magkakabarkada iyon ng maisipan namin na magpa-vtr.

            Nakarinig ako ng mahihinang pagkatok sa pinto ng opisina ko.

            "Come in."

            Bumukas ang pinto at nakita kong sumilip ang isang babae.  Parang alanganin siya kung papasok siya kaya sinenyasan ko siyang pumasok sa loob.  Ramdam kong ayaw niyang pumasok pero wala siyang magagawa.  Isang may kaliitan at medyo chubby na babae iyon.  Nakilala ko na siya.  Siya ang kasama ni Rosey ng gabing makita ko sila sa penthouse suite.

            "S-sir?  Pinapatawag 'nyo daw po ako?" Bahagya pang pumiyok ang boses ng babae ng magsalita.  Bakas sa mukha ang matinding takot.

            "You are Yasmin?" Paniniguro ko.

            "Opo." Hindi siya makatingin sa akin.  Nanginginig ang boses niya.  Talagang takot na takot siya sa akin.

"Sit down," utos ko sa kanya at itinuro ko ang upuan sa harap ng mesa ko.  Alanganin siya kung gagawin ang iniutos ko.  Muli kong isinenyas sa kanyang maupo kaya dagli niyang ginawa iyon.

            Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa swivel chair ko tapos ay nagpalakad-lakad sa harap niya.

            "You helped someone almost two weeks ago.  The woman that you helped named Rosey.  I remember you.  You told me her name.  You helped her changed her clothes in my suite," sabi ko sa kanya.

            Kitang-kita ko na tinakasan ng kulay ang mukha ni Yasmin.

            "S–sir, k–kasi po ano, k–kasi –" kandautal na siya sa pagsagot sa akin.  Parang iiyak na nga ang itsura niya.

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now