CHAPTER SIX

34.8K 958 12
                                    

Armel's POV

            I should be in my office pero nandito ako at nakababad sa opisina ko sa hotel.  Bihira akong magbabad dito dahil technically, hindi ko pa naman tinatanggap ang offer ni daddy na ako na ang mangasiwa ng hotel niya.  I have my own businesses na kailangan kong tutukan pero siyempre, if my dad needs my help to run this company, hindi ko naman siya puwedeng tanggihan.  Kaya nandito ako for almost a week and piles of papers were already on my desk na hindi ko naman pinagkakaabalahang tingnan. 

            It's been one week already?  Ganoon kabilis na mula ng makita ko siya.  Isang linggo na ang nakalipas nang makilala ko si Rosey pero hindi siya mawala sa sistema ko.  Hindi ko siya makalimutan kahit sandaling oras ko lang siyang nakasama.  She was different among the women that I met in my life.  The way she carried herself was so mysterious yet enticing.  That's what she was.  Ayoko ng babaeng maarte.  Ayokong naghahabol.  Pero hindi man lang ako naiinis na wala man lang akong nakuhang kahit na anong detalye tungkol sa kanya.  Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya ulit nakikita.  And when I found her, I won't let her slip away again.

            Napailing ako at natatawa sa sarili ko.  Bakit ba kasi hindi ko maisip na kataka-takang maging guest sa penthouse suite ang babae?  Bakit hindi agad ako nagtanong sa front desk?  Well, I tried to check the cctv footage that night but ewan ko ba.  Parang na-engkanto talaga ako kasi sira ang lahat ng cctv feeds ng gabing iyon sa 17th floor.  The technician needed to fix it and it would take weeks bago maayos ang mga feeds.  Napabuga ako ng hangin.  Naging bobo ako ng gabing iyon.  Sa sobrang kagustuhan kong makilala si Rosey, nasira lahat ang diskarte ko.

            Tumingin ako sa salamin na pinto ng opisina ko at nakita kong may kumakatok doon.  Napangiti ako ng makilala ang lalaking nakatayo at sinenyasan ko siyang pumasok.

"Ang lalim ng iniisip mo," puna niya sa akin ng makapasok at naupo sa couch.

            "It's nothing, Alex.  Medyo magulo lang ang mga pangyayari sa buhay ko ngayon," sagot ko at sumandal sa swivel chair na inuupuan ko. 

"Daddy mo ang nagsabi sa akin na dito daw kita matatagpuan.  You're stepping in?" Paniniguro niya.

Marahan kong hinilot ang sintido ko. "I don't know."

"So, what's bothering you?  Don't tell me babae?  Pagtatawanan kita," natatawang sagot I Alex.

            "Gago hindi.  Marami lang trabaho dito.  Hindi ko akalain na ganito kahirap."

            Tinawanang ako ni Alex.  "Huwag ka ng magsinungaling because I know the feeling.  I almost got crazy when Ysobel dumped me, but I love her kaya I did everything just to win her back."

            "I know the story already, Alex.  You don't need to tell it to me every fucking day.  Ganyan ba ang epekto ng in-love?  Ngayon lang kita nakitang ganyan.  Kahit 'nung si Kathy ang girlfriend mo hindi kita nakitang ganyang ka–cheesy," naiiling na sabi ko at tumayo ako para kunin ang isang bote ng scotch na nasa mini bar.

            "Sorry.  I just can't help myself not to share my happiness.  By the way, bestman ka sa kasal namin, ha?" Kinuha niya ang baso ng alak na ibinigay ko.

            Ang lakas ng tawa ko.  "So?  She accepted your proposal?!  How?" 

            Napakamot ng ulo si Alex at parang may kinapa sa ulo niya.

"She accepted after she threw a bottle to my head."

Lalo akong napatawa.  Ipinakita pa sa akin ni Alex ang bukol niya.

"Ibang klase talaga si Yzzie." Tawang-tawa talaga ako.

            "In two months, pare.  Papa is so excited.  Ayaw na nga niyang patagalin pa ng two months.  Gusto ni papa agad–agad na.  Sabagay, kahit ako din naman kahit nga ngayon gusto ko na at baka magbago pa ng isip si Ysobel.  But she wanted a church wedding so I will give her what she wants."

Maid for you (COMPLETE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें