CHAPTER TWENTY-FIVE

31K 924 41
                                    

Sallie's POV

            Inis na inis ako sa kasama ko.

            Naiinis din ako sa sarili ko. Bakit ako pumayag na mahalikan ng lalaking iyon? Hindi nga siya nagsasalita habang nagmamaheo pero hindi naman mawala-mawala ang nakakainis na ngiti sa mukha niya. Talagang nakakaloko ang itsura.

            Buwisit na 'to!  Naisahan ako dun' ah. 

            Kung hindi lang talaga ito anak ng boss ko, kanina ko pa ito nabatukan. Pero sa totoo lang, deep inside, kinikilig din naman ako. Wala sa loob na napakagat-labi ako tapos ay sinalat ko ang mga labi ko. Parang ramdam ko pa kasi ang paghalik niya sa akin.

            "If you want me to kiss you again, you just tell me."

            Tiningnan ko ng masama si Armel. Nakatutok lang ang tingin niya sa kalsada pero naroon pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Mabilis akong nagbawi ng tingin nang makita kong sumulyap siya sa lugar ko.

            "You're just going to say one word. Just call me Sir and you'll taste my kiss again," kumindat pa siya akin at tuluyan nang natawa.

            "Anong sinasabi mo?  Pasalamat ka hindi kita nasampal sa ginawa mo," ipinakita ko talaga sa kanya na naiinis ako sa ginawa niya.

            Parang nagulat naman siya sa narinig na sinabi ko.

            "Wait. You mean, you didn't like it? You didn't like my kiss?"                                          

            "Hindi!"

            "Talaga lang, ha?  Parang hindi iyon ang naramdaman ko kanina," tatawa – tawang sabi ni Armel.

            "Tumigil ka na nga.  Hindi ka na nakakatuwa.  Saka ano bang ginagawa mo sa bahay ni Sir?  May sarili ka naman daw bahay pero bakit magsiksik ka pa doon?" Inirapan ko siya at humalukipkip pa ako.

            "Wait.  Technically that is also my house so I can go there, I can live there anytime I want.  Wala akong makitang problema doon."

            Walang problema? Mali! Magkakaroon tayo ng malaking problema kung magkakasama tayo. Dahil ayaw kitang kasama.  Baka bigla akong ibuking ng puso ko.  Yay!  Ano ba?  Para na akong siraulong nakikipagtalo sa isip ko. Diyos ko po.  Natataranta na ako.  Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko.  Nasisira ang diskarte ko dahil sa lalaking ito!

            Nakita ko ang bangko na pupuntahan namin. Ang balak ko ay magpababa na lang sa harap noon para makawala na ako sa lalaking ito.

            "Pakihinto na lang diyan.  Bababa na ako.  Magta – taxi na lang ako pauwi."

            Pero hindi sumagot si Armel. Ipinasok niya hanggang sa parking ang sasakyan. Doon nag-park sa mga designated parking ng mga VIP customers. Mabilis itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan pa ako ng pinto. Hindi pa rin nawawala ang nakakainis na ngiti sa labi niya.

            Lalo pa akong nagtaka nang mula sa parking hanggang sa pagpasok sa loob ng bangko ay nakasunod siya sa akin.

            "Anong ginagawa mo?  Wala ka bang ibang lakad at ako ang kinukulit mo?" naiinis na talaga ako sa kanya.

            "Ano bang masama?  Depositor din naman ako sa bangkong ito so hindi ba akong puwedeng pumunta dito?"

            Pinigil ko na lang sarili kong mapasigaw at tinalikuran ko na siya. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bangko. Malayo pa lang ay nakita ko nang kumakaway sa akin si Patrick na nasa loob ng isang enclosed glass office at sinenyas na pumasok ako sa opisina niya. Nakit akong lumayo naman sa akin si Armel at nakipag-usap sa isang teller. Para akong nakahinga nang maluwag at least malalayo na rin siya sa akin. Kanina pa parang sasabog ang puso ko sa presensiya niya.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon