CHAPTER FIVE

33.9K 952 18
                                    

Armel's POV

"Saan ka ba nagpupunta? Kaninang – kanina ka pa hinahanap ng daddy mo. You are not answering your phone," iyon agad ang bungad sa akin ni Rex ng makabalik ako sa grand ballroom.

"Diyan lang," iniligid ko ang paningin ko sa buong lugar ng ballroom. "Have you seen my dad? I need to talk to him."

"Kausap ang daddy ni Estelle," itinuro ni Rex ang lugar ni dad sa may bar area na may mga kausap na bisita. Mabilis akong pumunta doon at hindi ko pansin si Rex na nakasunod lang sa akin. Hindi naman nagsasalita ang kaibigan ko pero alam kong nahihiwagaan siya sa mga kilos ko.

Alam kong nagulat si daddy sa ginawa ko dahil bigla akong humalik sa pisngi niya.

"Iho! Saan ka ba nagpupunta? Kanina pa kita hinahanap at hinahanap ka din ni Estelle," iyon na lang ang nasabi ni daddy.

"Dad, happy birthday. I love you. But I am sorry, I have to go." Hindi ko mapigil ang mapangiti kahit nagpapaalam ako sa kanya.

"What? Where are you going? Kararating mo lang," dama ko ang protesta sa boses niya.

"Remember you asked me kailan kita bibigyan ng apo? I think I found the one who will help me give you grandchildren," natatawang sabi ko.

"What are you saying?" Halatang nalilito si daddy sa sinasabi ko.

"Never mind. Something came up and I need to attend to this. I'm sorry, dad. I promise. I'll make it up to you tomorrow," sabi ko at tinapik ko siya sa balikat. Alam kong may sasabihin pa si daddy pero mabilis na akong umalis doon. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Rex.

Grabe ang kabog ng dibdib ko habang papasakay ako sa elevator. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang gusto kong balikan si Rosey. Hindi ako kuntento na nakilala ko lang siya ng ganoon. She was the only woman who took me out of my senses. Hindi ako naghahabol sa babae, kung ayaw sa akin wala akong problema pero hindi ganoon ang ginagawa ako ngayon. Nagmamadali akong makapunta sa penthouse para makita ko siya uli.

Panay ang pindot ko sa button ng elevator para lang mapabilis ang pag-akyat nito. Gusto kong matawa sa sarili ko. I had known her for almost an hour at ito ako nagmamadaling balikan siya. I wanted to know her more.

Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis akong makarating sa penthouse. Kinalma ko ang sarili ko ng mapatapat ako sa pinto ng penthouse suite. Huminga na muna ako ng malalim bago ako nag-buzz sa pinto.

"Rosey?" Tawag ko sa pangalan niya. Kumatok pa ako sa pinto. Kahit alam ko ang pin code ng suite room ay ayoko naman basta-basta na pumasok. I respect her privacy and she was still a guest in our hotel.

Pero walang nagbubukas sa pinto. Parang ang tahimik din ng loob. Did she check out? Pero mukhang malabo kasi I know she was staying here.

"Rosey?" Muli akong nag-buzz at kumatok uli.

Wala pa ring sagot. Pinakiramdaman ko maige pero parang wala talagang tao sa loob.

Shit. Bahala na. Nilakasan ko na ang loob ko at pinindot ko ang pin code ng suite room. Napabuga ako ng hangin ng bumukas iyon.

"Rosey?"

Madilim ang buong paligid ng makapasok ako. Binuksan ko ang mga ilaw at tumambad sa paningin ko ang ayos na ayos na kama. Walang kagusot-gusot tulad ng madalas na madatnan ko kapag dito ako natutulog. Malinis na malinis ang paligid. Kumunot ang noo ko at tinungo ko ang banyo. Tuyong-tuyo ang tiles. Kumpleto ang complimentary shampoo, toothbrush, sabon. Ang mga tuwalya ay maayos na nakatiklop at halatang walang gumamit. Walang anumang bakas na may umukopa doon. Binuksan ko ang mga cabinet at walang laman na kahit na ano kundi mga hanger lang.

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now