CHAPTER THIRTY-FIVE

11.4K 391 3
                                    

Armel's POV

"What are we doing here?"

Tinawanan ko lang si Rex at nagpatuloy ako sa paglakad dito sa loob ng Glorietta papunta sa loob ng Rustan's.

"Bro, are you going to buy make up? Bumigay ka na?" pangungulit pa niya.

"Just shut your mouth." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Ano nga ang ginagawa natin dito? Bro, this is the women's section. Kinikilabutan ako dito kasi naaalala ko ang ex-girlfriend kong sobrang bilmoko."

"Siraulo ka kasi. Alam mo naman na may history na ang babaeng iyon sa pagiging ganoon pinatulan mo pa rin." Dumiretso kami sa isang maliit na boutique at agad na kumaway sa akin ang attendant na nakausap ko 'nung isang araw.

"Tiffany & Co.? Armel, anong bibilhin mo dito?" Takang-taka pa rin si Rex.

Hindi ako sumagot at lumapit sa attendant na kumakaway sa akin. Halatang nagpapa-cute ang baklang attendant nang makalapit ako. Agad na inilabas ang isang maliit na itim na kahon at ipinatong sa estanteng salamin.

"Sir, mainit-init pa 'yan. Kakarating lang niyan. Talagang pina-rush ko na mapadeliver ngayon kasi alam kong babalik ka," kumurap-kurap pa sa harap ko ang attendant.

Ngumiti lang ako at binuksan ang maliit na kahon. Kuminang sa harap ko ang isang napakagandang white gold ring na napapalibutan ng maliliit na diyamante. Sa ituktok noon ay isang one karat diamond na bumagay sa pagkakayari.

"What the fuck? Engagement ring 'yan," bulalas ni Rex. Pati siya ay talagang sinisipat ang singsing. "Look at the size of that rock. That must cost a fortune."

Hindi ko na pinansin ang komento niya at ini-imagine ko ang singsing na suot ni Sallie. This ring will fit Her finger I am sure.

"Bro, what is this? That is an engagement ring? Kanino ka magpo-propose?"

"Box this. I'll just wire the payment for this," sabi ko sa attendant. Parang batang umuungot si Rex sa tabi ko para lang malaman kung para kanino ang singsing na binili ko.

Agad na tumalima ang attendant at nag-iisip na ako ng plano kung paano ako magpo-propose kay Sallie. After what happened in Boracay, I wanted her to feel na kahit kailan hindi niya kailangang makaramdam ng insecurity sa akin. Kaya ko siyang ipaglaban sa lahat. Kaya ko siyang ipagmalaki kahit dati siyang maid sa hotel namin. I am proud of her.

"Armel, sagutin mo ako. May girlfriend ka ba? You're going to propose to Estelle?" ayaw talagang tumigil ni Rex.

"Estelle? Jesus! No! I'll propose to someone else," ngumiti ako sa attendant nang iabot sa akin ang maliit na paperbag.

"Someone else? Sino? Wala ka namang babae, ah. Don't tell me nagkabalikan kayo ni Bianca?"

Lalo akong natawa. "I'll propose to Sallie."

"Sallie? Sino si Sallie?" Saglit na nag-isip si Rex. "Parang wala akong nakilala na Sallie ang pangalan sa mga naging babae mo."

"Maige nga na hindi mo na siya kilala para hindi mo na maaswang." Tumatawang sagot ko habang naglalakad kami palabas ng boutique.

"Teka. Sino si Sallie? Labo mo naman. Magkaibigan tayo tapos ayaw mong mag-share ng details. Alam na ba ito ni Uncle Rufus? Alam na niyang mag-aasawa ka na?"

Doon nawala ang ngiti ko. Kung bakit kasi isinama ko pa ang lalaking ito dito. Ako lang naman talaga ang dapat na pupunta pero nagpumilit na bumuntot.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon