CHAPTER TWENTY-THREE

33.1K 1K 59
                                    

Sallie's POV

            Wala akong magawa kundi ang sumunod kay Armel ng hilahin niya ako palabas ng grand ballroom. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nabigla nga ako sa ginawa niyang paghila sa akin kaya nang makarating kami sa labas ay pilit na talaga akong kumawala sa pagkakahawak niya.

"T-teka nga! Bitiwan mo nga ako!" mabilis akong lumayo sa kanya nang makawala ako sa pagkakahawak niya.

"Let's go," madiin na sabi niya at muling hinawakan ng mahigpit ang kamay pero mabilis akong umiwas.

"Sir, harassment ang ginagawa mo sa akin," sabi ko sa kanya.

Tumaas ang kilay sa akin ni Armel. Parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

            "Wow. Really? You're going to call me Sir?"

"'Yun ang gusto mong itawag ko sa iyo 'di ba? Sabi mo pa noon, 'Sir. Call me Sir.' Galit na galit ka sa akin dahil sabi mo nga niloko kita. Bakit mo ba ako dinala dito? Magagawan naman ng paraan itong damit ko sa loob." Akma ko na siyang tatalikuran para bumalik sa grand ballroom pero mabilis niya akong pinigilan.

            "Who are you?  Just after two weeks pretending to be someone else, you are a different person again.  Why?  What is this?  Is this another part of your scheme?  After me, your target is my dad?" Damang-dama ko ang pang-uuyam sa bawat salita ni Armel.

            Hindi ko napigil ang sarili ko at malakas ko siyang sinampal. Mahirap ako, oo. Naging maid nila sa hotel na ito. Empleyado ako ng tatay niya pero wala siyang kahit na katiting na karapatan para pagbintangan ako na isang social climber.

            "Hindi ako nagreklamo nang tanggalin 'nyo ako dito.  Alam ko ang nagawa kong kasalanan.  Oo nagsinungaling ako sa iyo.  Pero siguro naman alam mo ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa.  Bakit ka ba galit na galit?  Dahil ba hindi mo matanggap na ang isang katulad kong maid ay napaikot ka?  Hindi mo matanggap na natanso kita?  Ganoon ba iyon?" pigil na pigil ko ang sarili kong umiyak. Ayokong umiyak kay Armel. Ayokong magmukhang kawawa sa harap niya.

            Hindi agad nakasagot si Armel sa sinabi ko.

            "Si Mr. Fernandez ang boss ko at sa kanya lang ako susunod.  Binigyan niya ako ng pagkakataon para maipakita ko ang kakayahan ko bukod sa pagiging maid," sabi ko pa.

            Tumaas ang kilay ni Armel at nakakainis ang paraan ng pagkakangiti niya.

            "And you believed him?" Napailing na natatawa siya. "He got your services because my dad wants you!" mahina pa siyang napamura nang sabihin iyon.

            Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman maramdaman na may gusto sa akin si Sir Rufus. Mabait lang talaga ito sa akin. Wala akong makitang kahit katiting na kahalayan sa tingin niya sa akin. Ramdam ko nga parang anak ang turing niya sa akin.

            "Naiisip mo 'yan sa tatay mo? Napakadumi ng isip mo." Iyon na lang ang nasabi ko.

            "And that fucking guy.  Bakit siya dikit ng dikit sa iyo?  You didn't tell me you have a boyfriend?" Parang bata pang pumadyak si Armel.

            "Ang laki ng problema mo. Hindi ko boyfriend si Patrick. Saka, ano naman sa iyo kung boyfriend ko man siya? Dalaga ako. Single. Ganoon din siya. Wala akong makitang masama."

            "Because I am fucking jealous!  Shit!" malakas na sabi nito.

            Nabigla ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa paligid at nakita kong may ibang mga tao ang nakatingin sa gawi namin. Ang lakas kasi ng boses ni Armel. Sa totoo lang, ang itsura naman kasi talaga namin ay couple na may lover's quarrel sa labas ng grand ballroom.

Maid for you (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum