CHAPTER TWENTY-NINE

30.6K 894 29
                                    

Sallie's POV

            Akala ko talagang hahalikan na ako ni Armel.

            Tingin ko talaga iyon ang gagawin niya pero buti na lang ay bumukas ang elevator at lumabas na siya. Sumunod na lang kung saan ang room na pinuntahan niya at nawala ang lahat ng kaba ko nang makapasok sa loob. Sa pinto pa lang ng kuwarto ay para na akong ipinako doon. Bumungad kasi sa akin ang asul na asul na dagat na makikita sa nakabukas na glass sliding door. Parang nag-aanyaya ito ng walang katapusang kaligayahan sa isang Paraiso.

            Pang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Ngayon lang ako nakakita ng kagandang tanawin. Naririnig ko na noon na maganda dito sa Boracay pero hindi ko akalain na wala palang salita ang maibibigay para i-describe ito dahil sa sobrang kagandahan ng lugar.

            Sulit naman pala ang abalang nangyari dahil sa nakikita ko.

            "O?  Saan ka matutulog?"

            Tumingin ako sa nagsalita noon at nakita ko si Armel na tinatanggal ang mga damit niya sa maleta at inilalagay sa cabinet na naroon.

            Parang nawala ang gaan na nararamdaman ko. Magkasama nga pala kami sa iisang silid ng lalaking ito. Kaming dalawa lang. Paano ito? Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko.

            "Diyan na lang ako sa sofa. Baka mamaya naman may available ng room para sa akin. Sabi naman  kung anong gagawin niya.  Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman niya.

            "Diyan na lang ako sa sofa.  Baka mamaya naman meron ng available room.  Sabi naman ni Sir Rufus gagawan niya ito ng paraan," sagot ko sa kanya.

            "You stay on the bed.  I'll be the one on the sofa," sabi nito. "Schedule for today is we are going to visit the site.  We will meet Rex and we will have dinner with the Managers and Supervisors of Boulevard Suites," walang anuman na naghubad ng t-shirt si Armel sa harap ko.

            Hindi ako nakakilos sa ginawa niya. Nanlalaki ang mata ko na hindi malaman o tititig o pipikit dahil sa nakikita ko. Alam kong malaki ang katawan ni Armel pero iba pala kung aktuwal ko nang makikita. Ang lapad ng dibdib. Ang daming abs. Abs nga ba ito o pandesal?

            "You can stare but you can't touch," natatawang sabi niya.

            Hindi ako nakasagot sa sinabi niya pero alam kong pinamulahan ako ng mukha dahil ramdam ko ang pag – iinit noon. 

            "Sige na.  Tingin ka na hangga't wala ka pang kaagaw.  Sige ka, ikaw din.  Sayang ang opportunity," nakangiti pa siya sa akin.

            "Grabe ka din 'no?  Sobra talaga ang bilib mo sa sarili mo.  Sobrang yabang," tinalikuran ko na siya at nagkulong ako sa banyo. Pero pagpasok ay grabe ang kabog ng dibdib ko. Ang guwapo niya!

            Rinig ko pa ang pagtawa ni Armel mula sa labas. Maya-maya ay kinatok ako.

            "Mauna na ako sa baba.  Hintayin kita sa lobby.  Huwag ka nang masyadong magpaganda. Maganda ka na sa paningin ko," halakhak ang sunod na narinig ko tapos ay ang pagsara ng pinto.

-------------------

Armel's POV

            "Tagal naman ng babaeng iyon."

            Nakakaramdam na ako ng inis habang uupo at tatayo sa lobby ng hotel. Almost fifteen minutes na akong naghihintay kay Rosey dito.

            "Hi Armel, baby."

Maid for you (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя