CHAPTER ELEVEN

31.3K 859 17
                                    

Sallie's POV

            Kanina pa dumating ang mga pagkain na inorder ni Armel pero hindi ko magawang gumalaw o tikman man lang ang mga ito.  Panay ang linga ko sa paligid sa pag-aalalang may makakilala sa akin.  Hindi ko nga halos marinig ang paghinga ko sa lakas ng kaba ng dibdib ko.  Pero sa tuwing titingnan ko si Enzo na parang walang pakielam sa pagkain ng spaghetti at chicken, tapos ay naglalaro ng mga nakahilera niyang hotwheels na bigay ni Armel ay bahagya akong kumakalma.  Ang saya-saya ng mukha ng anak-anakan ko.  First time itong may nakagaananan ng loob na lalaki si Enzo.  Suplado ang batang ito.  Seloso.  Ayaw ni Enzo na mayroon akong mga kaibigan na lalaki.  Kaya nga kami nagkahiwalay ng dati kong boyfriend na si Patrick kasi hindi sila magkasundo.  Isa pang dahilan, ayaw din ni Patrick kay Enzo.  Ang katwiran ng magaling kong ex, bakit daw siya magtitiyagang mag-alaga ng bata samantalang hindi naman niya iyon anak.  Pinapili ako noon ni Patrick.  Si Enzo o siya.  On the spot, nakipag-break ako sa kanya.

            "You haven't touched your food."

            Napatingin ako kay Armel ng marinig ko siyang nagsalita.  Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at para siyang nag-aalala.  Kapag ganito ang itsura niya, hindi ko maiwasan na hindi talaga matakot kasi feeling ko, alam na niya na nagsisinungaling ako.

            "B-busog pa kasi ako," iyon na lang ang nasabi ko at dinampot ko ang kaharap kong baso ng tubig. 

            "Don't mind Enzo.  I think he is too busy watching his new cars," sagot ni Armel at nagsimulang maghiwa ng steak na nasa plato niya tapos ay inilagay ang mga piraso ng hiniwa na karne sa plato ko.  "Eat.  O baka naman gusto mong subuan pa kita?" May pilyong ngiti na ngayon sa mga labi niya habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako at lalong kinabahan.  Alam ko kasing kapag sinabi niya ay talagang ginagawa niya kaya kahit parang nagra-rambol ang tiyan ko ay napilitan akong kainin ang pagkain sa harap ko.

            "Sobra-sobra naman ang mga bigay mo sa kanya.  Please huwag mo na siyang bibigyan ng mga kung ano–ano.  Baka masanay siya."

            Kumunot ang noo ni Armel at pinahid ng table napkin ang bibig bago nagsalita.

            "He likes it.  And I gave it.  Hindi naman siya humingi so I don't see anything wrong with that.  I am just impressed with him.  Imagine he knows all the name of the cars that I asked.  And when I asked him something, he was answering me like a grown-up man.  You are raising a one smart boy, Rosey." Sagot niya sa akin.

            Totoo naman iyon at pakiramda ko ay tumataba ang puso ko sa narinig ko.  Kahit madalas akong wala at laging nasa trabaho, sinisiguro kong natuturuan ko ng magagandang asal si Enzo.  Iba lang talaga ang anak-anakan ko kapag first time niyang nakaka-meet ng isang tao.  Masyado itong mapili sa pakikipag-usap lalo na sa mga lalaki.

            "So, the first time that we met.  What were you doing in my suite?" Tanong ni Armel habang naghihiwa uli ng karne sa plato niya.  Hindi naman siya itsurang galit pero parang gusto talaga niyang malaman kung ano ang ginagawa ko sa penthouse suite niya at kung paano akong nakapasok doon.  Napalunok ako sa kaba.  Pakiramdam ko, ang mga isinubo kong pagkain ay bumabalik na sa lalamunan ko.

            "W–well, ah –ano k–kasi –"

            Paano ko nga ba sasabihin ang mga kasinungalingan kong binuo tungkol doon?  Saglit akong sumulyap kay Armel at kita kong talagang naghihintay siya ng sagot mula sa akin.  Muli akong uminom sa baso ng tubig at pilit na ngumiti sa kanya.

             "A–ah, naiwan kasi ako ng boss ko sa hotel.  M–may meeting kasi siya and kasama dapat ako doon then I need to change clothes.  Kaya lang nadala naman ng boss ko ang key card ko so I don't know where to change."

Maid for you (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu