Chapter 33. Selos

4.9K 34 1
                                    

DJ's POV

Nakakainis! Nakakainis na talaga. Napaka-at home niya masyado, eh kabago bago lang naman niya! Basta nababanas ako, ang sarap manapak! Gusto ko siyang ilibing ng buhay! Errrrrrr!

"Bro, ang sama mo makatingin sa empleyado mo ah? Hahaha! Relax ka lang!"

"Can you please stop Diegs? Lalo lang nagiinit ang ulo ko kapag pinapakalma mo ako eh."

Siguro naman ako alam niyo na kung sino yung tinutukoy ko.. Oo siya nga! Walang iba kundi si Dominic Roque, yung empleyado kong tinanggap ni Kath. Ayos lang naman sana eh, kaso, pagmula nung nagsimula yan dito, lagi na lang nakadikit kay Kath! Eto namang si Kath, hindi ko rin matimpla! Hindi ko alam kung gusto din ba niya.

"Okay, fine! Pero bro, saan ka ba naiinis ha?"

"Sa lalaking yon!" diretso kong sagot.

"Talaga? Hahaha! O dahil magkasama sila ni Kath?"

"H-huh? A-ano bang sinasabi m-mo dyan?" tanong ko. I haven't told anything to him. Not yet.

"You're obvious DJ! C'mon, you don't have to deny it. Just tell me." Hayyy, feeling ko namumula na ako.

"N-no. Nakakainis lang talaga yung lalaking yon! Masyado siyang mahangin!" sabi ko.

"DJ, are you jealous?"

O.O

Napatingin na lang ako at napalunok sa tanong ni Diego. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napatingin na lang ako sa labas. Nakabukas kasi ang pinto ng room ng office ko at nakikita kong inaasikaso ni Kath yung Nicos na yon. Tinutulungan niya yung kumag na yun sa mga trabahong hindi niya pa alam dito sa opisina.

"Guess you don't have to answer my question anymore."

"H-huh? A-ano?" tanong ko bigla.

"Let me give you some piece of advice... Bro, may mga taong dadating at dadating sa buhay natin. Minsan, for the worse. Pero paano kung for the better? Or let's say, for the best? Pakakawalan mo pa ba? Tandaan mo bro, minsan lang dumaan ang minsan. Get it? Now, think about it. Sige ka, baka hindi na dumaan ulit ang minsan na yon."

Wow Diego. Just wow! Ang lalim nun ah!

Nakatingin lang ako sa kanya. Absorbing every single word he said.

"Elibs ka na naman sa'kin DJ! Hahaha! Sige na, una na ako. See you around!"

Hayy nako naman. Paano ba 'to? Tsssk.


Pakakawalan mo pa ba?

Pakakawalan mo pa ba?

Pakakawalan mo pa ba?

Pakakawalan mo pa ba?


Errr! Paulit ulit!

Napatingin na naman ako sa labas. Naiirita lang ako lalo. Ang saya nila eh. Medyo nagtampo pa yata si Kath sa'kin. Paano kasi...

- Flashback -

Pinaalis ko na yung Nicos na yon after niya malamang tanggap na siya. That was on the day of his interview rin. Naiwan kami ni Kath sa conference room.

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon