Chapter 6. Bonding with Bessy

5.7K 40 3
                                    

I dedicate this chapter to @AngeliLikers. Thanks for putting my story in your Reading List. =)

____________________________________________________________

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata pero kasabay nun ay ang pagsakit ng ulo ko. Ang sakit talaga. Pero teka? Nasaan ba ako? Kinusot ko pa ang mga mata ko bago ko tuluyang tiningnan ang lugar kung saan ako nakahiga ngayon. Te-teka?? Kwarto ko yata 'to ah? Paano ako napunta dito? Anong nangyari kagabi?

"Oh DJ, gising ka na pala." Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko. Diego's here. But? What is he doing here?

"Why are you here?" tanong ko habang bumabangon at umupo sa kama ko.

"Tss, nagpapatawa ka ba?"

"What do you mean?"

"You don't remember?!"

"Remember what?"

"Hahaha! Okay, you really don't remember what happened last night."

"Itatanong ko ba sa'yo kung natatandaan ko?" hayy, shit. ang aga aga binabadtrip ako.

"Oh chill chill pre. Init agad ng ulo mo eh. Dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin kasi, hindi kita hinayaang matulog sa kalsada kagabi." Huh? So, siya pala ang naguwi sa akin kagabi? Yeah, ang alam ko lang eh nagpunta ako sa resto kagabi. Eh hindi naman kami magkasama kagabi aa? I gave him a questioning look.

"No, I guess, the girl who helped you last night." he added.

"What? Sinong babae?" I asked. Hindi ko talaga maalala. Ano ba yan!!

Diego began to laugh and said, "Sige DJ, I have to go. I guess you need more rest. Just call me if you remember everything. See yah!" then he opened the door and ready to leave.

"Wait, why don't you tell me? Pabitin ka pa eh, ang arte mo dude!" I shouted. Hindi pa kasi sabihin eh. Gusto ako pa ang makaalala.

"Pinahirapan mo kasi ako kagabi eh." he's laughing and.. ayun, umalis na. Damn! Ano ba kasing nangyari kagabi? Urrrrgh!  Makapag ligo na nga lang, I guess I need to lighten up my mind. Oo!



KATH's POV

It's Saturday! At ang aga kong nagising kahit puyat from the event last night sa resto. Maaga rin akong naligo at nag-ayos, maghahanda ako ng breakfast namin ni Bessy. Bonding time kasi namin ang weekend. Ito lang kasi ang time namin to be together. Alam niyo na, kahit kasi nakatira kami sa iisang bahay, parang hindi rin kami nagkikita because of our work. Kaya lagi kaming bumabawi sa isa't isa kapag weekends. Nako, for sure, walang katapusang daldalan na naman ito. Hahaha!

Pagkatapos kong maligo, bumaba na agad ako para magluto ng breakfast namin. Sigurado ako, paggising ni Julia, gutom na yun. Hmm? Ah, magluto na lang ako ng paborito naming egg sandwich, pancit canton at, orange juice!! Nako, kami na yata ang pinakamatakaw na magbestfriend sa buong mundo.

"Ang bango naman niyan Bess!"

"Shemay!! Nagulat ako sa'yo! Oh, gising ka na pala.." whew! grabe, kagulat, bigla na lang sumulpot!

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon