Chapter 50. Totoo Na 'To!

4.5K 45 2
                                    

Sana effect 'tong update na 'to. Hahaha!

Sa lahat po nang mga new readers ko, THANK YOU! Lalo na sa mga naglalagay ng story ko sa RL nila. Gusto ko kayo isa-isahin pero ang dami, saka sa mga solid readers ng FILWYS, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! :****

 

Enjoy... :)

_________________________________________________

DJ's POV

"Welcome Deej... Welcome to my world." sambit ni Kath nang makapasok kami sa kwarto niya. Siguro ganun na nga katagal hindi nakakauwi dito si Kath. Parang manghang mangha sa kwarto niya e.

Nilapag ko na ang mga gamit namin sa isang sulok at sinundan lang siya.

"Si Mama talaga oh, walang palya pa rin sa paglilinis nitong kwarto ko." sabay galaw sa mga gamit niya na matagal na niyang hindi nakita. "Alam mo ba, walang binago dito. Ganitong ganito pa rin ang ayos. Yang kama ko?" sabay turo sa kama niya. "Dyan lang nakapwesto yan mula nung umalis ako. Hahaha... Hayy... Ito lang yata ang hindi nagbago sa buhay ko."

Napangiti lang ako.

"Sige na DJ, magpahinga ka na lang muna dyan. Alam ko pagod ka. Kung magbabanyo ka, ayan oh, dyan na lang." napatingin naman ako sa tinuro niya. May pinto.

"Ang cute naman ng kwarto mo Kath. Akalain mo yun, may CR ka pa pala dito. Hahaha! Akala ko cabinet eh." Nagtawanan lang kami. Nagpalit na rin ako ng pambahay na damit. At eto ako ngayon...

Pinapanuod siya mag-unload ng mga gamit namin. Nakaupo lang ako sa kama niya at tumitingin tingin sa mga gamit niya.

Nakita ko yung mga pictures niya nung bata pa siya. Juskoooo, mag-bff nga sila ni Julia. Halos lahat ba naman kasi ng mga picture e magkasama sila!

"Grabe Kath, kayo ni Julia 'to? Hahaha! Ang cute niyo ahh." sabi ko. Napatingin lang siya at nag-nod.

Napukaw naman ang atensyon ko nang may makita akong malaking box sa gilid ng kama niya. Sabihin na nating mahiwagang baul yun.

"Kath, ano 'to?" sabay hawak sa baul niya.

"WAG MONG BUBUKSAN YAN KUNG AYAW MONG MAPUTOL ULO MO."

"H-huh? Ba-bakit? Saka--"

"Basta wag. Malas yan. Mamalasin ka forever pag binuksan mo yan!"

"O-okay." Labo nito ni Kath. Napatayo pa sa sobrang taranta eh.

"S-sige na. Magpahinga ka na muna. Aayusin ko lang gamit natin."

"Eh ikaw? Hindi ka ba magpapahinga muna?" tanong ko.

"Nako, okay lang ako. Tulog ako sa byahe kanina diba? Sige na, baka magkasakit ka pa eh." tapos tinapik niya pa ako. "Sleep well DJ."

Hihih. Ang sweet naman. Humiga na ako tapos inangat ulit ang ulo ko..

"Oh bakit?" tanong niya. Nag-pout ako.

"Anong mmm?" sabay pout din niya. Hihih. Ang cute.

"Wala ba akong... good night kiss?" sabay kindat ko. Nakita ko naman siyang nag-blush.

Fell In Love With Your SmileWhere stories live. Discover now