Chapter 43. Disaster

4.5K 32 5
                                    

Heeeey~ Hahahaha! Miss me? Chos!

Nakakapanibago no? Wala ng PAI. HAHAHA! Wala na akong hinahabol tuwing gabi. Wala na rin kaming pinagtatalunan ng ate ko. HAHAHA

Oh shatap na meee. Here's my UD. Enjooooy!

_______________________________________________

DJ's POV

Maya maya lang, pumasok na ulit si Kath sa office. Nakakapagtaka lang, ang tahimik.

"Uhh, DJ... Kape mo oh. Bi-binilhan na kita." Tapos nakita kong ipinatong niya yun sa table ko. Ang sweet naman. Hihihi.

"Uy, thanks Kath! Nasaan yung sa'yo?" sabay tingin ko sa kanya, pero siya, nakayuko lang. Anong nangyari?

"Wa-wala. Ininom ko na ha-habang pabalik ako dito." sabay talikod at balik sa upuan niya. Hala?

"O-okay ka lang ba?"

"Oo naman."

Pagtapos nun, wala na akong narining sa kanya. Siguro may dalaw siya ngayon kaya may mood swings. Diba ganun naman mga babae? Parang yung ate ko kapag inaasar ko at nagkataong may dalaw siya, sisigawan ako nang... "DJ pwede ba?! Meron ako ngayon! Kaya kung gusto mo pang mabuhay ng matagal, wag mo akong bwisitin ngayon! Kung ayaw mong dumanak ang dugo dito kasabay ng regla ko!" Hahaha! Natatawa tuloy ako kay Ate! Siguro kung ibang tao lang siya, matu-turn off na ako ng sagad sagad, kaso hindi eh, mas lalo kong pang inaasar. HAHAHA!

Maya maya lang...

"Uhh, DJ.. Pwede bang umuwi na ako?" Napatingin naman ako.

"Bakit? Okay ka lang ba talaga?"

"Medyo sumama lang pakiramdam ko. Pero okay lang ako. Ka-kailangan ko lang siguro talaga ng pahinga." matamlay niyang sagot. Nag-aalala ako, parang kanina lang, ang ligalig pa niya.

"O-osige. Hahatid na kita."

"Wa-wag na DJ. Maabala lang kita. Sa-saka gusto ko lang sanang... mapag-isa. Ku-kung okay lang sa'yo..."

Natulala lang ako sa kanya. May problema ba siya? O may problema ba kami?

"Sige. Mag-iingat ka." sabi ko. Tumayo na siya at inayos ang mga gamit saka umalis.

--

4 days after...

Hindi na naman ako mapakali.

Ano bang nangyayari dito kay Kath? Napipi? Kanina pa hindi nagsasalita eh. Kapag kinakausap ko naman, kung anong tanong, siyang sagot. Madalas pa tulala. Saka, ang lalim ng eye bags!

"Kath..." tawag ko sa kanya habang nakasilip lang sa bintana. Break time naman eh. Kaso di naman ako nilingon.

"Kath..." sabay back hug.Naramdaman kong nagulat siya, pero hindi pa rin siya lumilingon.

"May problema ba?" bulong ko sabay halik sa ulo niya.

"Wa-wala. Bakit mo naman natanong?" sagot niya habang nakatingin sa kawalan.

"Bigla ka na lang kasing nanahimik eh. Ilang araw na. Hindi ako sanay eh. Masama pa ba pakiramdam mo?" tanong ko, at medyo hinigpitan ang pagkakayakap ko.

Fell In Love With Your SmileWhere stories live. Discover now