Chapter 48. With Her *Part 2

4.8K 48 7
  • इन्हें समर्पित: andrea
                                    

Update update bago ako mag-aral. =))))

I dedicate this to Andrea! Hi! Thanks for fanning! :)

______________________________________________________

DJ's POV

I woke up because of a certain noise.

Gumalaw ako para sana yakapin ang babaeng nagpapatibok ng puso ko, kaso wala, unan lang ang tumambad sa akin.

Bumangon agad ako para hanapin siya. I got so excited to see her kasi pagmula kagabi, puro ngiti lang niya ang nakikita ko.

Napagalaman ko pang, talaga pa lang sobrang lambing niya. Paano naman kasi, lagi na lang nakayakap sa akin, and it tickles me kapag bumubulong lang siya sa akin. :"">

Pagdating ko sa kusina, isang anghel lang naman na nakangiti ang tumambad sa akin. Natutulala ako sa kanya. Paano ba naman, bagong ligo, tapos suot niya yung white tshirt ko na malaki sa kanya, natatabunan na nga yung boxers ko na suot niya eh.

At oo, aaminin ko, she looks sexy and hot with my clothes on.

Errr. DJ! Umayos kaaaa!

"Good morning!" bati niya. Waaaa. Parang umuurong dila ko eh.

"G-good morning. A-ang aga mo naman atang nagising?" tanong ko.

"Ah-eh.. Oo nga eh. Hehehe! Pinagluto kita oh!" sabay pakita sa akin ng mga niluto niya.

Napangiti naman ako. Parang asawa lang ang peg. Hihihih!

Dumiretso ako sa kanya sabay niyakap siya.

"Huy!"

Humarap ako sabay sabing... "Good morning... asawa ko!" sabay pa-cute!

"Anong asawa ka dyan? Manigas ka uy! Halika na nga dito, kumain ka na!" sabi niya sabay punta sa dining area.

Sumunod na ako at kumain.

Ewan, parang sarap mangulit ngayong araw na 'to! Hahaha! Bakit? Eh kasi kanina ko pa kinikindatan 'tong babaeng 'to. Nakakatawa siya kapag naiinis, pero nagb-blush siya!

"DJ naman eeh. Wag ka nga! Kaninis 'to." sabay hampas sa braso ko.

"Haha! Ano bang ginagawa ko ha?"

"Ikaw kasi ehh! Wala! Hmp!" sabay kain ulit.

Natapos kaming kumain, at ako naman ang nagligpit ng mga kinainan namin. Kanina pa niya ako kwinikwentuhan eh. Nakaupo sa may counter malapit sa sink. Kwinikwento niya sa akin yung mga araw na nagsisinungaling siya sa akin.

"Para ngang hindi ko alam ang ginagawa ko nun eh. Para bang kusa lang gumagalaw ang katawan ko. Sobrang sakit kasi eh, alam mo yun... Parang walang gamot.."

"Pero ngayon meron na..." sabi ko. Natahimik siya at medyo ngumiti at nag-iwas ng tingin.

"S-sorry nga pala kung nagsinungaling ako. A-ayoko lang namang madamay ka pa eh.." sabi niya.

Tapos na akong maghugas kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Kahit anong gawin mo Kath, madadamay at madadamay ako. Kasi... kasama mo ako sa buhay mo ngayon, and because I care a lot." sabi ko sabay yakap sa may bewang niya.

Fell In Love With Your Smileजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें