Chapter 25. Ang Sungit

5K 40 2
                                    



"Ayusin niyo nga yung trabaho niyo, pwede ba yun? Hindi ko kayo binabayaran dito para mag-relax. Work!"

"Yes Sir DJ.."

"Oh Hannah, ano 'to? Diba ang sabi ko papirmahan mo 'to? Simple instructions hindi niyo pa masunod!"

"Sorry po Sir.."

"Walang sorry sorry dito. Trabaho 'to! Now all of you, back to work! Kung kailangan niyong mag-overtime para matapos lahat yan, gawin niyo!"


Nakahiga ako sa kama ngayon, yakap yakap si baby DJ, nag-iisip isip sa nangyari sa opisina kanina. Nitong mga nakalipas na araw kasi, hindi ko maintindihan si DJ. Parang araw araw na lang ang init ng ulo niya. Sabi nga ng mga katrabaho ko, bumalik ang dating hard-to-reach na boss. Yung hindi mo malapitan, hindi mo makausap, sisigawan ka pa.

Nagtataka ako kung bakit all of a sudden, nagbago siya bigla, maski nga sa pakikitungo sa akin. Hindi ko alam pero magkahalong lungkot at sakit ang nararamdaman ko. Lungkot dahil parang hindi kami magkakilala at sakit dahil hindi ko alam kung bakit nagkakaganito siya and the fact na hindi ko kaya ang pagsusungit niya sa akin.

Tuwing gabi na lang, tinitext ko siya o kaya tinatawagan. Nagbabakasakaling sagutin niya at malaman ko kung ano ba ang problema. Kaso wala eh. Sa office, kakausapin niya lang ako kapag may kailangan o iuutos siya.

Hayyy.. Kahit naga-assume lang ako sa mga kilos niya, nami-miss ko siya. Yung mga ngiti niya, yung bigla na lang siyang magkkwento habang nasa kalagitnaan ng trabaho, yung pagbili niya ng Crunch pag stress na siya, yung pagyayaya niya tuwing lunch, yung mga pasimple naming biruan.. Oo, nami-miss ko yun.

Tama nga si Bessy, ibang DJ yun... Anong kayang nangyari sa kanya? :(

"Baby.. Anong nangyari sa Daddy mo?" tsss. Eto na naman ako, kinakausap ang stuff toy. Ewan ko ba kung bakit sobra akong nag-aalala.

--

"Bessy, ang aga aga tulala ka dyan?" tanong sa'kin ni Julia habang nasa loob ng sasakyan ni Diego papunta sa office.

"Oo nga Kath, may problema ba?" pag sang-ayon naman ni Diego.

"Ah.. W-wala naman." sagot ko.

"Sige Bessy, magdeny ka pa. Si DJ ba?" tanong ulit ni Julia at napatingin lang ako sa kanya. Hindi na ako sumagot.

"Hayyy.. Bessy, alam ko nabigla ka sa mga kinilos ni DJ. Pero panigurado ako may rason kung bakit. Intindihin mo na lang muna siya, okay?" pag-comfort ni Julia.

"Do you like my bestfriend Kath?" tanong ni Diego habang nagddrive.

Bigla siyang tinapik ni Julia sa balikat. "Diegs, no time for that, not now." pagsaway nito. "Sorry na. Sorry na."

"Yes." sagot ko.

Napalingon si Julia sa akin at bigla namang naitigil ni Diego ang pagddrive at napatingin na rin sa akin. Nagkatinginan silang dalawa at para bang nagkaintindihan na lang sila. Pumunta muna kami sa isang coffee shop para mag-unwind kahit konte.

Fell In Love With Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon