Chapter 23. Sweetness to Usapang Puso

5.2K 47 9
                                    

Thank you for reading and waiting for my updates. Hahaha! Enjoy this chapter yrah04.. This is for you! :)

_______________________________________________________________

DJ's POV

"Hahahaha! Tapos ayun, yung kapatid ko yung pinagalitan kahit ako naman talaga may kasalanan. Lakas trip ko nung bata pa ako eh. Hahaha!"

Naglalakad lakad kami dito ngayon sa mailaw na daan. Buhay na buhay pa kasi ang mga tao dito sa Maynila kahit gabi na, kaya hindi naman gaanong nakakatakot maglakad lakad dito.  Sa totoo lang, nakakagaan nga sa pakiramdam dahil sa malamig na simoy ng hangin.

Nakikinig lang ako sa mga kwento niya. Tawa rin ako ng tawa dahil sa mga kalokohang ginagawa niya nung mas bata pa siya. Ang sarap niyang pagmasdan dahil sobrang saya niya, laging nakangiti, at bibong bibo.

"Ikaw..." sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Wala ka bang kalokohang ginawa nung bata ka pa?" tanong niya.

"Wala ah." agad kong sagot.

"Weh? Di ngaaa?" Tamu 'to, nagtanong pa. "Parang ang hirap naman yatang paniwalaan yun? For sure madame. Kwento ka naman dyan! Hahahaha!" at siniko-siko pa ako.

"Haha! Baliw! Pa'no mo naman nasabi?" tanong ko habang mabagal kaming naglalakad-lakad. Hindi ko na rin alam kung san kami papunta eh.

"Sa itsura mong yan??" Tapos tinitigan niya ako, sabay ngiti..

HAYYYY! KATH! Wag mo sabi akong ngitian eh! Natutunaw ako! Hayy! Ano ba 'tong nararamdaman ko. Iba lagi ang kabog ng dibdib ko kapag may mga ganitong eksena eh.

"O-oh, bakit? A-anong meron sa itsura ko, ha?" tanong ko naman. Shit lang, nauutal pa ako.

"Hahaha! Wala. Ayaw mo pang umamin eh. Hahaha! Ehh, yung mga pambobola mo nga lang sa mga babae mo ang tindi na eh, pa'no pa kaya yung mga iba mo pang kayang gawin. Hahaha!" at nagtawanan na lang kaming dalawa.

"Pansin ko wala ng pumupunta sa office ah? Ayaw mo na bang madagdagan yung directory ko ng mga babae mo?" pabiro niyang tanong.

"Tsss. Nagbago na 'to." proud kong sabi.

"Hahaha! Edi mabuti. So okay ka na?"

"H-huh? What do you mean? Do I look like I'm not?"

"I mean, ikaw... Moved on na ba?"

Napatingin na lang ako. Bakit kami napunta sa ganitong usapan?

"I'm more than alright Kath. I'm enjoying whatever I have now. That's it!"

"So ready ka na magmahal ulit?" tanong niya na ikinagulat ko naman. Parang ang layo ng hugot?

"A-ano ba yung pinagtatatanong mo dyan, Kath?"

"Eeee! Ano nga? Hahaha! 'To masyadong pa-showbiz!" pangungulit pa niya. Hanggang sa sinundot sundot na niya yung tagiliran ko, nagkilitian, sabay tawa.

"Hahahaha! DeeeeJaaaay! Ano baaa! Hahahaha!" Hahaha! Gumanti lang naman ako ng kiliti mga bregs.

Patuloy ko siyang kiniliti hanggang sa napalapit siya sa'kin at napahawak ako sa may bewang niya.

Fell In Love With Your SmileWhere stories live. Discover now