Chapter 59. When I Was Your Man

3.6K 42 4
                                    

Finally got time to update. :)

Enjoy!

________________________________________________________

SOMEONE'S POV

"Did you stick with the plan?" tanong ko.

"Of course I am! Pero hanggang kailan mo gagawin 'to?"

"Hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko! Teka nga muna..." tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. "Wag mong sabihing lumalambot ka? You can't back out! Plinano na natin 'to matagal na! We're getting there ngayon ka pa ba aatras?" pagsusungit ko.

"I'm just asking okay?! Chill!"

"You better make sure."

 

KATH's POV

I felt so relieved nung dumating si DJ kagabi para ipagtanggol ako. Kung hindi siya dumating, baka nahimatay na ako sa sobrang pagwawala ko.

I can't believe na sa ganoong pagkakataon ko pa siya makakaharap. Hindi ako handa. Pero kailan ko naman masasabing handa na ako? Ni hindi nga ako naabisuhan na nandyan na pala siya.

Pero ngayon, I feel okay. Kahit mabigat ang mga pangyayari kagabi, pakiramdam ko I am in a new world. Para bang, wala na... okay na ako. Buo na ako.

Thanks to DJ. And I swear, gagawin ko ang lahat maprotektahan lang siya dahil mahal ko siya.

*TOK TOK

Napatingin lang ako sa pinto ng kwarto ko at bumukas na rin yun.

Speaking of... Napangiti lang ako.

He is so handsome. Naka-salamin? Gooosh, he looks more attractive. Bakit ba siya ganyaaaaaan!

"Good morning!" bati niya. "Bakit hindi naka-lock ang room mo?" sabi nito habang papalapit sa akin.

"Uhm, nalimutan ko yatang i-lock kagabi."

"Tsssk. Don't ever do that again. Paano na lang kung may biglang pumasok dito at kung anong gawin sa'yo? Kanina ka pa ba gising?" umiling lang ako. Aiiish, he acts like a boyfriend. Natutulala lang ako sa kanya.

"I bought breakfast for us." sabi pa niya habang nilalabas ang binili niya. "Naisip ko dito na lang tayo kumain, ang daming tao sa baba kanina eh. Eto, sure ako, gusto mo 'tong binili ko... Hinanap ko pa talaga yan para enjoy ka sa breakfast mo. Syempre, hindi naman ako papayag na kung ano ano lang kakainin mo."

Napangiti lang ako.

Hindi kami, pero we're almost there. Alam naming mahal namin ang isa't isa.

Ganito pala siyang boyfriend. Maalaga. Madaldal. Maasikaso. Lahat ng pwede niyang pansinin na bagay, papansinin niya. He wants to know everything about me, what was happening to me, he wants to be updated.

Kanina para siyang magagalit nung hindi ko na-lock ang pinto ng kwarto tapos biglang good mood na ulit. He is soooo cute!

Ang saya saya niya. Yung aura niya parang napakaganda. Kung sa babae, blooming siya. Nakangiti lang, ang daldal, ang kulit. Ibang iba siya. Magkalayong magkalayo doon sa DJ na nakilala ko nung bagong empleyado pa ako sa company niya.

Fell In Love With Your SmileWhere stories live. Discover now