Chapter 21. The Date

5.4K 51 5
                                    

KATH's POV

Nandito kami ngayon sa kotse niya. Hindi ko nga alam kung san kami pupunta eh. Ang tahimik pa namin ngayon, ewan ko ba. Nahihiya din kasi ako eeh. Kausapin ko kaya? Hmmm... Sige na nga.

Pero paglingon ko, aba, ang ngiti, abot langit. ^_____^ Hihihih! Ang cute cute niya. Para kaming hindi mag-boss!

"Ganda ng ngiti natin Mr.P aaah?" ^___^ Na-miss ko yung tawag na 'to.

"Ang ganda mo kasi eh."

O______________________O

Tama ba rinig ko?

Eeeeeeeeeeeeeeeeeh. :""""""> Sheeeeeet naman oh. Wag kang ganyan DJ! Kinikilig ako.

"Oh, ayos ka lang?" tanong niya. Di na kasi ako nakasagot eh. -________-

"Ah, ehh. O-oo. Oo naman! Hehehehe. Sa-salamat." sagot ko.

Wala siyang sagot, pero nginitian niya lang ako. Hayyy. In love na ata talaga ako.

"San ba tayo pupunta, DJ?" tanong ko para maiba lang.

"Sa puso ko." sagot niya sabay ngiti. Waaaa.

"Ay nako, ewan ko sa'yo. Tumigil ka nga dyan sa mga kalokohan mo! Hahaha!"

"Hahaha! Do I look like I'm joking?" O.O DJ, anong nakain mo? Bakit pinakikilig mo ako?!

Biglang tumahimik at sumeryoso ang paligid...

"W-what do you mean?" tanong ko.

Ngumiti siya sabay hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko naman.

"Let's just enjoy this day Kath... I promise you, this day will be memorable for the both of us."

Nakatingin lang ako sa kamay kong hinawakan niya, at pagkasabi niya non ay napatingin lang ako sa kanya.

Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako, and the next thing I knew, naka-intertwined na ang mga fingers namin.

Eeeeh. Alam niyo yung, parang nagkakahiyaan kayo pero napapangiti na lang kayo? At yung feeling na, alam niyong awkward na magka-holding hands kayo pero hindi niyo naman binibitawan kamay ng isa't isa?

 

 

Eeeeeeh! KAMI yun eh!

Hihihih! Hindi ko alam kung paano ko itatago yung kilig ko. Pano ba naman kasi... Ah basta!

Maya-maya pa, nai-park na niya yung sasakyan. Tiningnan ko kung nasaan kami ngayon. Nasa mall kami, oo sa mall. Akala ko naman kung saan. Hahaha! Pero hindi na issue kung saan ang date, ang importante naman kasama ko siya eh. :">

Bumaba na kami, at take note! Inalalayan pa niya ako. Oh, how sweet!

"Oh anong gagawin natin dito?" tanong ko pagkapasok ng mall.

"Hmm... actually, wala akong plano eh. Hindi ko nga rin alam kung bakit tayo nandito. You know, there are time na mas masaya pa yung mga bagay na di napagpaplanuhan, something like that."

Nakangiti lang siya. Nararamdaman ko yung saya niya. Para bang, nae-excite siya kung anong mangyayari... Na para bang nasasabik siyang bumalik sa totoong mundo niya.

Fell In Love With Your SmileTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang