Chapter 5. Magmahal Muli

5.8K 47 7
                                    

I dedicate this chapter to @ilovekatniel. Thanks for putting my story on your reading list. :)

____________________________________________________________________



"Hindi.. Hindi pwede 'to.. Hindi ka pwedeng ma-inlove na lang ng basta basta. Siguro, siguro nagwapuhan ka lang sa guy na yun. Masyado ka lang na-stun sa kanya. Yun! Kathryn, hindi ka in love okay? Hindi!" sabi ko habang nakaharap sa salamin at kinukurot ang mukha ko.

"Bessy? Naka-drugs ka ba?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Julia. Kanina pa ba siya dito? Narinig kaya niya?

"Huh? Ah? Hindi no! Ano bang pinagsasabi mo dyan?" ako na ang patay malisya.

"Anong ako? Ikaw! Anong pinagsasasabi mo dyan! Echosera ka Bes, ako pa ang gagawin mong naka-drugs! Ikaw ha.. Baka may gusto kang ikwento." natatawang sabi ni Julia. Hayyy. Anong isasagot ko? Sasabihin ko na ba?

"Ah, wala, nagpractice lang ako ng sasabihin ko mamaya sa resto." Hindi pa ako ready eh.

"Assssuuuusss! At kailan pa nauso sa'yo yung nagpa-practice ha? May ganung keme? Hahaha!" nakooo, baka nakakahalata na siya. Hindi ako makasagot. Shocks!

"Oo may ganong keme talaga." sinakyan ko na lang. At nagtawanan na lang kami.


Hayy. Hindi ko alam kung kailan ko talaga sasabihin kay Julia 'to. 3 weeks na ang nakakalipas mula nung nakita ko yung lalaking itago natin sa pangalang Mr. Patpatin. 3 weeks had past na malungkot ang aura niya, at 3 weeks had already past na hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Ganun na ba kalaki ang problema nun at pati pag ngiti hindi na niya magawa? Alam kong hindi love ang nararamdaman ko para sa lalaking 'to, although there are feelings that I really can't explain. Malabong mangyari na ma-inlove na lang ako agad agad, at sa taong hindi ko pa nakikilala! Kung siya man yun, gusto ko magkakilala muna kami. Eh kung yung tao ngang kilala ko na sa matagal na panahon eh nagawa akong iwan, yun pa kayang taong never ko pa nakausap! Oh Lord, just give me signs. Hindi pa po ako ready na isugal muli ang puso ko. I'm willing to wait..


6pm na.. I need to go. Nagpaalam na ako kay Julia. Sayang nga at hindi siya makakasama sa akin ngayon, masyado kasing busy sa trabaho eh. Ayun, tambak na ang gawain. Kwento pa niya sa akin, stress siya ngayon sa boss niya dahil sa dami ng pinapaggawa sa kanya. Sayang talaga.


SA RESTO..


"Sis! Tamang tama ang dating mo! Ite-text dapat kita na medyo agahan ang pagpunta kasi ba naman oh!" si Yen, sabay turo sa mga tao. Grabe! Ang daming tao ngayon.

"Oo nga girl, ang daming gwapings oh!" sabat naman ni Kiray.

"Ayun pala ehh. Gwapo ang hanap. Hahaha! Tumigil ka nga dyan!" sabi ko naman at umupo na kami. Ang saya ng aura sa resto, pero hindi matigil ang leeg ko sa kakalingon. Nasaan na ba siya? Teka? Bakit ba hinahanap ko na naman siya. Kathryn, tama na pwede? Tama na!

"Teh, giraffe lang ang peg?" bigla namang sabi ni Kiray.

"Huh?"

Fell In Love With Your SmileWhere stories live. Discover now