Chapter 16. Sweetness

5.6K 55 2
                                    

DJ's POV

Naririnig ko ang ingay sa labas ng bahay. Siguro umaga na. Dahan dahan akong gumalaw sa aking pagkakahiga at unti-unti ko ring minulat ang mga mata ko.

Ang ganda naman ng nakikita ko. Parang anghel.


Anghel na nakatitig at nakangiti sa akin..


Ngiting nakakapagpatibok ng puso ko..


Oh Lord, panaginip ba 'to? Kung oo, wag Mo na po akong gisingin. *u*


*poke poke*

T-teka? Parang may tumutusok tusok sa pisngi ko? Panaginip pa ba 'to?

Kinusot ko pa ang mata ko at minulat muli ang mga 'to, at napabalikwas na lang ako at napaupo dahil hindi pala panaginip ang lahat! Si Kath! Nakaupo sa sahig at tinititigan ako habang tulog ako. Ano ba yan. Nakakahiya naman. -_______-

"Uy K-Kath? Kanina ka pa ba dyan? Anong ginagawa mo d-dito?" Ako, pero imbis na sumagot siya, ayun nakatitig lang sa akin at nakangiti pa. Kath! Wag ganyan please?

"Hm K-Kath?" Srsly, nahihiya talaga ako. Imagine, pinapanuod niya akong matulog? Malay ko ba kung ano itsura ko kahit na gwapong gwapo ako. Okay, shut up DJ.

"Breakfast is ready! Lika na Mr. P! Para matapos na agad natin yung gagawin natin!" sabi niya sabay tayo at hinila ako papuntang dining area. Anong nangyari dito? Aga aga, ang hyper?

Pagupo ko. WOW! Ang sarap lang nang nasa mesa. Srsly, siya naghanda nito? Sino pa ba, e siya lang naman ang kasama ko dito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti kasi naman ehh... alagang alaga ako sa kanya. Feeling ko, asawa ko siya tapos pinagsisilbihan ako, ehhh. -___- bakit ako kinikilig? *u*

"Kath, thank you pala kagabi ha? Sa advice mo, at nag-enjoy akong kakwentuhan ka." sabi ko kasi pareho kaming tahimik na kumakain.

She looked at me, smiling again. "Ah, hehe. Wala yun Mr. P.. Hmm, sorry nga pala ha, hindi ko kasi alam na nakatulog na ako kagabi." at napalitan ng takot yung mga ngiti niya.

"Oh bakit ganyan itsura mo Kath? Don't worry, okay lang." Pa'no kasi, hinayaan ko na siyang matulog sa kwarto ko. At ako? Sa sofa natulog. To be honest, first time kong ginawa yun. Hindi ko alam kung bakit. 

"Thank you Mr. P!" at pinagpatuloy na niya ang pagkain niya.

"T-teka nga lang Kath, hmm. Pwede bang wag mo na akong tawaging Mr. P? Feeling ko kasi ang tanda ko na masyado. Call me Daniel or DJ, that would be much better." sabi ko naman.

"Eh? Hindi ako sanay Mr. P.."

"Pwes sanayin mo na ha?" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Umiwas siya ng tingin. "Ehh. K-kasi Mr.--"

"Hep! Pag tinuloy mo yan, babawasan ko sweldo mo." Out of nowhere, nabanggit ko na lang. Pero this is a good idea though.

"Anoooo?! Mr.. Ah eh, okay.. D-DJ." nanlaki pa mata niya sa sinabi ko, at alam ko napilitan lang siya. Hahaha! Ang cute pa niya nung sinabi niya yung pangalan ko, halatang hindi sanay at naiilang. Pero kinilig ako. Hahaha! Pagbigyan niyo na ako mga bregs!

Fell In Love With Your SmileWhere stories live. Discover now