Chapter 14: Literally Second

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagdating namin, kaunti pa lang ang tao at wala pa sina Wayne. Kaya nagkuwentuhan muna kami tungkol sa napaka-boring naming summer at naglaro. Maya-maya na raw kami mag-swimming para sabay-sabay.

Nananahimik lang naman kaming dalawa sa swing nang bigla kaming nakarinig ng tuksuhan. Sabi na. Hindi kami tatantanan ng issue ng mga tao. Pinapalagpas lang naming kasi alam naman namin ni Jappa ang totoo—na I am moving on, pero di ko pa nakakalimutan lahat.

Mga three thirty ng hapon, nag-swimming na 'yong karamihan sa amin kaya sumama na rin kami ni Jappa. Kaunti lang naman kami. Siguro out of one hundred plus sa batch, trenta lang kaming nando'n. Sakto rin na dumating na si Wayne kasama si Cara. Magka-holding hands lang naman sila.

Napatingin ako sa ibang lugar para naman hindi halata na na-i-insecure pa rin ako. Nagulat ako nang pagtingin ko sa kanan, biglang may nagsu-swimming na sa ilalim papunta sa akin. Sa takot ko, nagsisisigaw ako na parang ewan. Tumingin lahat ng tao sa 'kin habang natatawa. Pag-angat ng taong 'yon sa tubig, nag-kame hame wave ako ng sandamukal na tubig.

Sabi na nga ba. Si Jappa 'yon.

"Jappa naman, e!" sigaw ko. Tawa siya nang tawa, at nakisama rin naman ang ibang tao. Biglang sa amin na 'yong atensiyon. Pero kahit na gano'n, nakita ko pa rin sa peripheral view ko na pumutna sa ibang lugar sina Cara at Wayne.

Masakit pa rin pala.

Pero bilang parte ng pagmu-move on, nakangiti pa rin ako na parang wala akong nakita.

Walang pagod na swimming at kain at videoke 'yong nangyari. Mga seven ng gabi, napagod na kaming lahat, nagsi-shower na, at nagsiksikan sa loob ng reserved room. Karamihan sa 'min e naglalaro ng cards o scrabble, ang iba naman e nagkukuwentuhan. Nakikinuod lang ako habang tulog si Jappa dahil masakit daw ang mata kaka-swimming ng nakadilat. Lumabas muna ako saglit para bumili sana ng inumin do'n sa vending machine nang nakita ako ni Wayne.

Naglakad ako nang mabilis matapos kong bumili, pero nang tinawag niya ang pangalan ko, alam kong too late na.

Kahit anong gawin kong pag-iwas, nahahabol pa rin ako ng nakaraan.

Huminga ako nang malalim bago tumalikod at ngumiti. "O, Wayne, sa'n si Cara?" Wow, very appropriate question, Ms. CJ. Well done, pang-asar ako sa sarili ko.

"Hinatid ko pauwi," sagot niya. "Hindi kasi siya puwede mag-overnight."

"Aaa . . ."

Awkward silence. Actually, hindi pala. Awkward noise dapat. Ayokong ikonekta ang katahimikan—na gusto kong makuha—kay Wayne.

"Sige," sabi ko. "Balik na 'ko sa loob."

"Pasama muna."

"Saan?"

"Do'n o." Tinuro niya 'yong parte sa may malayong swimming pool na may swing na apatan tapos may cover—kung ano mang tawag do'n. Di ko alam kung bakit hindi ako tumanggi. "Saglit lang. Ayokong magka-issue."

Umupo kami do'n. Akala ko sa may harap ko siya uupo, pero bumilis 'yong tibok ng puso ko nang sa tabi ko siya umupo. Gusto kong hawakan 'yong kamay niya at sumandal sa kanya, pero anon a ng aba ang karapatan ko? Isa pa, gusto ko lang naman, pero di ko gagawin.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang ako layuan?" tanong ko sa kanya habang umiinom ako ng Coke. "Mas mapapadali sana ang buhay ko kung gano'n."

Pero iniwisan niya ang tanong. "Kumusta na kayo ni Jappa?"

"Paano napunta—"

"Totoo pala 'yong balita na kayo na."

"Ha?! Hindi! Sa'n mo nabalitaan 'yan?"

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon