CHAPTER 11: ANOTHER STANGER

211 13 0
                                    

CHAPTER 11

"Ang galing naman ng Apo ko mag piano manang-mana sa akin."

"Hindi kaya Roman sa akin kaya siya nag mana."

"O, siya sige sayo na nagmana ang Apo natin pero parehas naman tayo magaling mag piano e kaya nga tayong nag kakilala e."

"Lolo Manuel, Lola Lupita nagustuhan nyo po ba?"

"Oo naman Luna tinatanong pa ba iyon mana ka kaya sa akin ay sa Amin pala parehas pala Kami magaling mag piano ng Lolo mo."

"Mauna kana Apo papunta sa school mo May practice Ka pa doon Diba?, susunod nalang kami ng Lola mo."

"Okay sige po. Hihintayin ko po kayo....."

"Lolo, Lola". Napabalikwas ako ng bangon at Pawis na pawis ako. Panaginip?, panaginip lang pala iyon! Baka isang sign yun na miss na Nila ako. Hindi din, pero Baka tama naman wala namang masamang mag bakasakali e.

"Teka Forest? Bakit ako nandito? "Sabi ko habang lumilingon-lingon pero infairness ang Ganda dito ah nakakagaan ng pakiramdam ang luntiang kapaligiran.

Naglakad-lakad ako para tingnan ang paligid at Baka sakaling May ibang Tao na nandito pero wala akong mahagilap ni isa wish ko lang walang mabangis na hayop dito Kung Hindi Patay Talaga ako.

"HELOOOOOOOOOO! May Tao ba dito?".sigaw ko umaasang May Taong nakaririnig at nag echo lang ang boses ko pero wala paring response ng isang Tao.

Ayoko na dito natatakot na ako. Bakit Kasi lagi nalang Kung anu-ano ang nangyayari sa akin para akong Ligaw na kaluluwa simula ng dumating ako dito sa pesteng AHOE na Ito.

"AGHHHHH! Ayaw ko na pagod na ako." Sigaw ko Paano ba naman nakakapagod na Talaga Hindi ko nga alam Kung buhay pa ba ako?, Baliw ba ako?, panaginip lang ba Ito?O totoo ba lahat ng mga nangyayari sa akin.

"Naguguluhan na ko" mahinang sambit ko.
"LUNA....! LUNA.....!" Bungad sa akin ng isang boses na nag eecho ang creepy ngalang pakingan teka! Sino kaya yun? Pero Baka Iba hinahanap Nya mariella kaya ang gamit kong pangalan Parati.

"LUNA..! LUNA...!" Papalapit ng papalapit yung tinig sa kinaroroonan ko. Tumindig lahat ng balahibo ko Paano ba naman parang pang horror yung dating at biglang kumabog ng Malakas ang dibdib ko.

"There you are!" Tinig na galing sa Likuran ko yun ah! lilingunin ko ba?. Anu kaba mariella sa horror movies ba kapag andyan na yung killer lilingunin mo ba?, bakit killer ba siya?. Sunod na sunod na katanugan sa isip ko pero ang hirap mag-isip ay ewan basta yung tono ng boses niya Iba parang Hindi maka kapagkatiwalaan.

"AHHHHHHHHHHHHHH". Sigaw ko at sabay Takbo ng mabilis. Hindi ko alam Kung Saan ako pupunta pero ramdam ko na nag kasugat-sugat na ang legs ko dahil sa mga damo pero Hindi ako nagpaalintana Takbo Kung Takbo! Kahit hingal na hingal na ako.

"LUNA.! Sandali Lang huwag kang tumakbo." Takbo lang mariella Hindi Ka niya dapat maabutan. Hindi ko parin siya nililingon dahil Baka kamukha niya si Freddy yung sa night on elm street bayun?. Hay!! Nag mamulfunction na yata ang Utak ko.

Takbo parin ng Takbo si mariella Kahit hingal na hingal na siya at naka sunod naman sa Kanya ang tinatakbuhang killer Kuno pero napatigil si mariella sa pagtakbo.

Anak ng! Dead end na Ito. Tatalon ba ako sa Falls na Ito?, parang Ayaw ko Sobrang taas kaya pero....

"LUNA! Sandali Lang. Wait!"

Wala ng Oras pakiramdam ko Malapit na siya..

Pinikit nalang ni mariella ang mga mata niya at akmang tatalon na sana siya ngunit May biglang humila sa bewang niya kaya Hindi na tuloy ang pagtalon niya ngunit natumba si mariella sa gilid kasama ang humila sa Kanya.

"Aray ang sakit ng Likuran ko" daing ko habang hinihimas ang Likuran ko habang nakahigang naka tagilid. Teka NAKU! po naabutan niya yata ako

"Ang ENG!ENG!! Mo naman Kasi e." Sabi ni killer at nakita ko sa gilid ko na nilahad niya ang dalawang palad niya pero Hindi ko tinanggap at tumayo nalang ako
at sa pagtayo ko nakita ko na isa siyang Ka edad ko lang na Lalaki maamo at makinis ang mukha with hazel brown eyes, itim ang buhok, mapupulang labi, Matangos na ilong, mga 5'8 ang height naka suot ng puting polo tapos blue na pantalon. In short ang gwapo Nya!,Wait He looks very familiar sa akin Saan ko nga ba siya nakita?.

"Okay Ka Lang ba LUNA?, NAKOH! Na gwapuhan kana naman sa akin noh?. bakit Kasi tumatakbo Ka pa e. Hindi na tayo bata para mag habulan pa!" Aniya at ngumiti ng nakakaloko

"Ha?" Futspa feeling close ah! Sino ba tong May sayad na Ito. Well totoo naman na gwapuhan ako sa Kanya at yung ngiti Nya nakakatunaw OMG!!!.

"Young lady Kung naririnig mo ako bumalik kana. Nag-aalala na ang mga kaibigan mo." Sambit ng isang Boses na hindi pamilyar

Teka sinu naman yung nagsalita e Hindi naman nagsalita yung Lalaki sa harapan ko ah. Weird Baka guni-guni ko lang or Baka May Iba pang Tao dito.

"Hay!! Hinahanap kana nila kaagad mga excited." Nakasimangot nyang sambit

"Teka sinu kaba?, Anung lugar ba Ito?"

"Okay listen to me. First huwag Ka Parati gagamit ng healing powers mo dahil mahina na ang katawan mo at pag gumamit Ka pa mas lalong Ka pang manghihina Ayaw mo naman Siguro mamatay. Second Hindi ka pa makakabalik sa earth Kung tatanugin mo Kung bakit Hindi ko alam si mama lang ang nakakaalam at third May ibibigay ako sayo isang not an ordinary gift it's up to you if you would open or not ikaw bahala O eto na yung gift".

Not an ordinary gift daw?. Weh!!. Pagkatanggap ko Nung gift Tinitigan ko Ito kaagad. Anu kaya laman nitong box na itim na Kasing laki ng family size safeguard?, parang gusto kong buksan na Ito agad-agad, mamaya na Siguro titigan ko nalang muna ulit.

"Wait lang May nakalimutan pala akong sabihin pag binuksan mo yan May consequences kang haharapin. Okay yun lang ingat Ka Luna".

"Wait!". Aray!! Bakit Biglang parang umiikot at nanlalabo na yung paningin ko ang sakit sa ulo. Nahihilo yata ako at Hindi ko mapigilang ipikit ang mga mata ko.....

Not An Ordinary Gift: The GuardianWhere stories live. Discover now