CHAPTER 18.1: FIRST GUARDIAN

124 8 0
                                    


Chapter 18.1 FIRST GUARDIAN

Nag didilim na isang hudyat na Malapit na paganahin ang mga genarators sa mansion. Inihanda na ni mariella ang kanyang damit na susuotin pagkatapos maligo. Nang-umilaw ang chandelier sa kwarto niya ay agad siyang pumasok sa bathroom upang maligo at nang matapos isinuot na niya ang black na pantalon at black na T-shirt na mapili niya sa totoo lang wala naman siyang Masusuot na matino maliban sa napili niya dahil isang pambahay at 2 victorian era style dress nalang ang mga natitirang pag-pipilian.

Lumapit siya sa May night stand at May kinuhang isang Maliit na black box Pinagmasdan niya Ito ng maige. May parte sa kanyang isipan na gusto itong buksan ngunit mas nangingibabaw ang kanyang Takot sa Kung anu ang makikita niya sa loob ng box.

Alam ni mariella na Hindi ordinaryong box ang hawak niya dahil Nung nag laro sila ni Farah ay laking pagtataka niya na Hindi nakikita ng bata ang box at tumagos lang sa kamay ni Farah ang box Nung kinuha niya ang coin sa ilalim nito.

Isang Malakas at sunod-sunod na Katok sa pintuan ang nag pabalik sa Diwa ni mariella, binuksan niya kaagad Ito at nakita niya na si nana Adelina Ito na hinihingal pa at laking gulat niya na biglang lang siyang hinila nito at biglang tumakbo ang matanda habang Hila-Hila siya at dahil sa pagka bigla niya ay na bitawan niya ang itim na box. Kukunin niya sana ang box ngunit isang Malakas na pagsabog ang kanyang narinig kasabay ng pagka wala ng ilaw sa buong mansion hindi sila tumigil sa pagtakbo hanggang sa narating Nila ang isang hall Malayo sa silid ng dalaga.

"Nandito na sila!" Saad ni Adelina bakas sa mukha ng matanda ang takot

"Sinu po sila?"

"Iha ipangako mo sa akin na Kahit na anung mangyari kailangan mong maka labas sa mansion na Ito na ligtas"

Hindi na nag sayang ng Oras si Adelina at hinila na niya kaagad si mariella at sila'y tumakbo papunta sa 1st floor ng mansion. Naguguluhan si mariella sa mga Sinabi ng matanda pakiramdam niya May mangyayaring Hindi maganda magtatanong sana siya ngunit mga malalakas na sigaw at mga sunod-sunod na pagsabog nanaman ang Kanilang narinig na mas nagpa kaba sa ka niyang damdamin dahil sa nangyari ang nasa isip lang niya ay ang makalabas sila ng matanda ng ligtas.

habang tumatagal dumadami ang mga taong naka handusay sa sahig habang ang Iba naman ay Kanya-Kanyang inililigtas ang Kanilang mga sarili. Nang marating na Nila mariella ang first floor ng mansion agad sumalubong sa Kanilang ang nakaparaming dunkeilheit alma.

***********

RIGO'S POV

Hindi mawala sa aking isipan yung bagong dating na babae mariella yata ang pangalan nun Iba ang pakiramdam ko sa Kanya, hindi siya isang ordinaryong Tao lang o ang masaklap Baka Nyx ang isang yun at nagpapanggap lang na mabait. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon Minsan na Nila ako niloko at pinangako ko sa aking sarili na Hindi na mauulit yun Kahit Kailan.

Ang sarap ng simoy ng hangin napaka payapa nito sanay Kasing payapa nito ang EBIA..

"Ang lalim yata ng iniisip mo rigo?, pag-ibig ba yan?" Saad ng aking kaibigan na si Cain na ngumisi pa.

Sinuklian ko nalang ng isang mapait na ngiti. Si Cain ang aking matalik na kaibigan May mataas siyang posisyon sa aming pamahalaan at ang isang Ito ay isang babaero, matinik sa mga babae bata man o mantanda Kahit ganun ay Napakabait na Tao ni Cain Malapit siya sa mga bata at matulugin sa mga kapus palad kaya nga siya ang matalik ring kaibigan ng aming hari.

Bumango ako mula sa pagkakahiga sa lupa at pinagpagan ang aking suot na damit at ganun din ang ginawa ni Cain.nasa isang burol kami ngayon at Natatanaw mo ang buong EBIA.

"May bagong dating babae sa mansion Diba?"

"Paano mo nalaman?" Hay! Basta babae walang pinapalampas itong best friend ko!

"Ako pa!" Saad niya habang tinapik ang kanyang dibdib "nasa mansion Kasi ako kahapon at nakita ko pang tinutukan mo ng espada yung babae"

Ibang klase! Hindi ko man lang nalaman na nandon pala ang isang Ito sa mansion at nakita Pa niya ang pangyayaring iyon.

"Nandon Ka pala hindi Ka manlang nagpakita sa akin"

Hindi umimik ang aking kaibigan at May biglang tinuro, nanlamig ang aking katawan dahil sa nakita Hindi Ito maaari isang Maitim na usok na nanggagaling sa mansion.

Not An Ordinary Gift: The GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon