CHAPTER 18.2

132 7 2
                                    


CHAPTER 18.2

RIGO'S POV

Halos paliparin na ni Cain ang sasakyan para marating namin kaagad ang mansion. Habang papalapit kami sa mansion ay mapapansin kaagad ang dami ng mga taong nag kaka gulo at umiiyak dahil don Bumaba kami ng sasakyan dahil wala na kaming madadaanan.

Wala kaming sinayang na oras para makarating kaagad sa mansion. habang tumatakbo kami ni cain hindi mawala sa isip ko kung may nangyari sa kanya? o kung ok lang siya sana walang nangyaring masama sa kanya.

*******************

Apoy!, Sigaw!, Iyak! at makakapal na usok. yan kaagad ang sumalubong sa amin ni cain nang marating namin ang mansion

tinapik ko muna ang balikat ni cain bago nagsalita "Dito ka nalang ako nalang ang papasok sa loob".

"Pero! hindi maaari delikado baka masaktan ka" pasigaw na saad ni cain sa akin

"Cain! nasa loob ang princesa alam mo kung gaano siya kahalaga". napa buntong hininga nalang si cain at tumango." kung gayon ay sasama ako hindi pwedeng nakatunganga nalang ako dito habang ang best friend ko ay natutusta na!" saad niya na may kasama pang tawa

Papasok na dapat kami sa mansion na bigla kaming pigilan ng mga bagong dating na mga kawal.

"Lord Cain at Lord Rigo huwag na po kayong papasok delikado na kami na po ang bahala dito" saad ng kawal

"hindi maari kawal nasa loob ang princesa kailangan ko siyang iligtas at isa pa ako ang nakatalagang punong heneral dito sa loob ng mansion na ito" wika ko dahil kung tutuusin panigurado mas kabisado ko ang loob ng mansion kaysa sa kanila.

"huwag na po kayo mabahala lord rigo nasa mabuting kalagayan na po ang princesa magkasama po sila ni lord Adrian yun po ang sabi sa Amin"

Hay! Nakahinga ako ng maluwag dahil doon pero papasok parin ako sa loob at isa pa nandon si

"Si mariella ba kasama rin Nila?"

"Sinong mariella po? Ang alam ko po si princesa Farah at lord Adrian po ang tanging mag kasama"

"Kawal kailangan natin Pasukin ang mansion tingin ko marami pa ang na trap diyan Lalo na ngayon na kumakapal ang itim na usok na nang gagalingan sa sunog doon sa likod na Bahagi ng mansion" saad ni Cain

Tama si Cain marami pa sigurong na trap dahil maski ang anino ng mga taga pagsilbi ni princesa Farah ay wala dito sa labas.

"Ngunit delikado po lord cain Lalo na na May mga dunkeilheit alma sa loob alam nating wala tayong panlaban doon"

"Anung sabi mo dunkeilheit alma? Mas delikado sila alam mo Kung anu ang kaya ng mga nilalang na iyon" malalana na Ito Kung Hindi namin sila matutulungan baka ikamatay Nila iyon.

Naaawa ako sa mga Tao sa loob Oo wala kaming Laban sa Kanila pero Masakit isipin na maghihintay nalang kami dito sa labas habang sila'y naghihirap at Isa pa Kawawa naman yun babaeng yun Lalo na ngayon balita ko May sakit daw yun at Hindi siya taga dito May malaking chance na masaktan siya kaagad.

Walang pasintabi na Pinasok ko ang loob ng mansion narinig ko pa ang pag sigaw ng kawal at ni Cain na Tila'y gusto akong pigilan.

"Bumalik Ka dito lord Rigo!"

"Rigo huwag kang padalos-dalos wala tayong Laban sa Kanila!"

Sorry sila! pero walang na itong atrasan bahala sila Kung susunod sila ang mahalaga makatulong ako sa loob.

**************

Sa likod ako ng mansion dumaan dahil May alam ako na secret na lagusan papasok sa loob ng mansion Kung dito ako dadaan ay safe ako makakapasok sa loob. Ang secret na lagusan ay matatagpuan dito sa maze garden actually portal Ito na kapag pumasok Ka ay makakarating Ka sa loob. Hindi basta-bastang portal ang isang to dahil mga authorized lang ang makakakita at makakapasok dito at isa ako sa mapalad na mapiling makaalam ng isang lihim na portal na Ito.

Kinakabahan ako first time ko Kasi ito Gagawin hindi ko alam Kung Saang parte ako makakarating. Pag pasok ko sa portal agad akong nakarating sa study room hay! Buti nalang dito ako napunta pinagpawisan ako doon ah!.
Walang tao dito sa loob kaya lumabas ako pag labas ko tumambad sa akin ang Nakakatakot at nakakabingin katahimikan dito sa hallway na taliwas sa inaasahan ko.

Not An Ordinary Gift: The Guardianजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें