CHAPTER 16: IRIS

161 8 1
                                    

CHAPTER 16

FARAH'S POINT OF VIEW

Ang Tagal naman ni mariella Kunin yung coin nawili na yata siya sa paghahanap matawag na nga.

"Mariella nahanap mo na ba?"

Anu bayan Hindi sumagot silipin ko na nga siya. Bumaba ako ng Kama at yumoko

"Oh!, mariella nakatulala Ka dyan ayun yun coin o." Sabay turo ko doon sa coin na nasa tapat lang Nya

"Ah!, Oo Ito nga" saad Nya sabay kuha sa coin. Ang weird Talaga Nya ngayon Paano ba naman Tinitigan lang Nya yung coin Kanina na para bang,inaasahan Nya na gagalaw yun ABA! Baka naman May Iba pang power itong si mariella Katulad na telekinesis, Kung Meron maswerte siya Kung ganun.

Umakyat na ako sa Kama at ako nalang ang nag toss ng coin. Halos si mariella ang nanalo sa toss coin ang dami na nga Nya nalaman tungkol sa akin. tumagal kami ng isang Oras sa pag lalaro bago namin napagpasyahan na huminto at mag pahinga dahil mas kailangan yun ni mariella para naman maalala Nya yung mga nangyari kahapon.

Nagpasya akong lumabas na ng kwarto ni mariella para naman Hindi ko siya maistorbo sa kanyang pagpapahinga. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa aming library bigla ko nanaman napansin ang nag-iisang figure painting dito sa hall na Ito, Ang figure painting ni Iris.

Marami ang nagtataka Kung bakit nag-iisang figure painting Ito sa hall, sa totoo lang special na nilalang si iris dahil siya lang naman ang first love ng unang hari ng EREBIA at onti lang na Tao ang nakakaalam nun marahil halos royal family nalang ang naka kakilala sa Kanya Paano ba naman e! 700 years ago na siyang Patay. Siguro Kung naging Mahaba lang ang buhay Nya malamang siya ang unang Reyna ng EREBIA buti nalang Hindi yun nangyari dahil Kung nangyari yun malamang Hindi na ako pinanganak.

18 years old lang Nung namatay si iris at namatay siya dahil sa pagpoprotekta kay king Stefan.

"Nakatitig Ka nanaman dyan sa painting ni Lady Iris" saad ni Kuya Adrian na biglang kong ikinagulat at Natawa nalang bigla si kuya dahil sa nakitang gulat sa mukha ko. Ang sama Talaga ni kuya!.

"Kuya naman e! Ginulat mo ako. Bakit Kasi nagsasalita Ka nalang bigla?"

"Sorry na ah!, favorite mo parin ba ang Love story ni lady iris at ni king Stefan"

Agad naman akong tumango Kay Adrian.

"Sabagay Kasi noong bata pa tayo lagi yang kinukwento ni Tita at Hindi Ka nag sasawa Kahit Paulit-ulit nalang ang Kwentong yun."

Syempre Hindi Talaga akong mag-sasawa love story Kasi e. Saka ang ganda kaya ng Kwento Nila kaso lang namatay si iris pero Kung Hindi nag sacrifice si iris marahil marami pa ang mamamatay.

"Bakit Ayaw mo ba kuya?"

"Hindi naman Nakakalungkot Kasi ang Kwento Nila saka mas gusto ko yung the 9 guardians na Kwento Diba favorite mo rin yun?"saad ni kuya

Oo favorite ko yun dati pero ngayon Hindi na dahil Hindi ako naniniwala doon.

"Hindi na Ayaw ko na nun."

At biglang May nakita akong tumatakbo na kawal papunta sa Amin.

"LORD ADRIAN!, PRINSESA FARAH" saad na isang kawal na hinahabol ang kanyang hininga marahil dahil sa pagtakbo.

"Anu yun kawal May problema ba?" Saad ni kuya

" Naghahasik nanaman ng lagim ang mga dunkelheit alma at marami na po ang nasaktan" saad ng kawal

Halos hindi maipinta ang mukha ni kuya dahil sa Sinabi ng kawal....

Not An Ordinary Gift: The GuardianΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα