CHAPTER 17: DUNKELHEIT ALMA

155 9 0
                                    

CHAPTER 17: Dunkelheit Alma

Maingay at Maraming Tao iyan ang Araw-Araw na sitwasyon sa Metro Devi, Ang metro devi ang bagsakan ng mga murang bilihin sa EBIA.

Abala ang mga mamimili at ang mga negosyante ng Biglang sumigaw ang isang babae at tinuturo-turo ang langit. Nakuha ng babae ang atesyon ng lahat at tumingin din ang Iba sa langit. Sunod-sunod nagsigawan ang mga Tao sa paligid dahil sa pag-atake ng mga dunkelheit alma.

Lalaki, babae, matanda man o bata ay Hindi sinasanto ng dunkelheit alma. Mga sigaw, iyak at pagsabog ang maririnig sa buong Metro Devi. Lamang ang mga dunkelheit alma dahil tanging mga samanos at anachos lang ang kayang makatalo sa Kanilang kapangyarihan at sa kasamaang palad walang samanos o anachos ang narito sa Metro Devi ngayon.

"KAMATAYAN! Yan ang dapat sa inyo!" Wika ng pinuno ng dunkelheit alma at humalaklak ng Sobrang lakas

"Tama na! Ang sakit!" Saad ng isang matanda

"Maawa po kayo!!" Saad ng isang bata

Parang Tila'y mga bingi ang mga dunkelheit alma dahil imbes maawa at tumigil ay mas Lalo silang nasiyahan sa Kanilang ginagawang kasamaan. Halos lahat ng Tao sa metro devi ay lubhang nasaktan Lalo na ang mga ordinaryong Tao na walang kalaban-laban.

.................

ADRIAN'S POV

"Mang Guevara wala na po bang ibibilis ang pag da drive nyo" saad ko. Hindi ako mapakali dahil nasa Metro Devi ang mga dunkelheit alma, kilala ang mga dunkelheit alma bilang mga kaluluwang itim na walang ginawa upang Manakit.

"Kuya anung Gagawin natin?" Saad ni Farah habang umiiyak. Hindi nalang ako umimik maski ako Hindi ko alam Kung anung Gagawin dahil isa lang ako ordinaryong Tao na walang kakayanang lumaban sa nilalang na May itim na kapangyarihan.

Dahil Binilisan ni mang Guevara ang pag da-drive ay narating na namin ang metro Devi pero laking panlulumo ko dahil huli na kami. Parang nag mistulang isang bangunot ang itsura ng Metro Devi ngayon. Nagkalat ang mga taong sugatan at agad namin silang tinulugan kasama ang ibang tauhan na kasama namin ni Farah ngunit ang kaya lang namin gamutin ay mga ordinaryong sugat Hindi namin kayang gamutin ang itim na sugat na galing sa mga dunkelheit alma.

Isang samanos lang ang May kayang magpagaling ng ganitong sugat ngunit....

"KUYA! Sila kuya eisen" saad ni Farah na aking ikinagulat dahil kasama ni eisen ang mga kapwa samanos na tulad niya. Hindi basta-basta lumalabas ang mga samanos nanggagamot lamang sila sa mismong tahanan lang Nila.

Agad Sinimulan ng mga samanos ang panggagamot lalo na doon sa mga taong labis na napinsala ng itim na sugat. Pinagmasdan ko lang sila na Tila'y nahihirapan na sila sa panggagamot Kung nandito lang sana si mariella. Oo nga si mariella ngunit nanghihina pa siya Baka mas lalong makasama sa kalagayan niya Kung tutulungan niya pa kami.

Lumapit si eisen at tinapik ang aking balikat. "Mas matindi ang mga sugat ngayon kaya nahihirapan kaming gamutin Ito patawad." Saad ni eisen

"Maramin salamat eisen Siguro Kung ikaw ang naging...." Hindi niya pinatapos ang aking sasabihin dahil tinalikuran niya ako kaagad. Hay! Minsan Talaga May saltik! Itong kababata ko.

Palubog na ang Araw at ilang Oras narin kami dito karamihan sa mga Tao ay ligtas na ang kalagayan at kailangan nalang ang pahinga at bakas naman sa mga mukha ng mga samanos na pagod na sila dahil maski sila ay nanghihina na May ilan nga sa Kanila ang nahimatay dahil sa labis na pag gamit ng Kanilang kapangyarihan tama nga ang Sinabi ni eisen na matindi na ang mga sugat ngayon dati Kasi Hindi sila nahihirapang mang gamot ng ganyang sugat.

Lumapit ako Kay Farah na Nakaupo marahil na pagod siya Hindi Kasi Ito sanay dahil madalas na sa loob lang siya ng mansion. Laking gulat ko ng Ito ay nahimatay buti nalang Nasalo ko siya kaagad Kung Hindi tumama na ang ulo niya sa lupa inihiga ko siya ng maayos sa lupa. Maya-maya bigla itong nagsalita na pikit ang mga mata. " Ang itim ay naging Puti..., Tumakbo kana!.... Huwag!" Saad ni Farah na naka-agaw sa atesyon ng ibang samanos at Hindi parin nagigising si Farah.

"MARIELLA!!!"saad ni Farah na pa sigaw at bigla siya nagmulat ng mata na bigla kong ikinagulat "Ang Itinakda!! Huwag!!! ...." Hindi na natapos ni Farah ang kanyang sasabihin dahil Nawalan na naman siya ng Malay. At papunta si eisen sa Amin marahil narinig niya ang mga Sinabi ni Farah. Niyugyog ko ang balikat ni Farah para magising siya ngunit mahimbing yata ang tulog niya nag-aalala na ako Lalo na Nung nabanggit niya ang pangalan ni mariella.

"Nasan si mariella?" Saad ni eisen.

"Nasa mansion bakit?" Huwag niyang sabihin Naku po! Huwag naman sana alam namin ni eisen ang kapangyarihan ni Farah ngunit...

"LORD ADRIAN!" Saad ng isang kawal ni rigo habang patakbong pumupunta sa aking kinalulugaran.

"Sobrang bilis!" Saad ni eisen at bigla nalang tumakbo. Sana Mali ang iniisip ko!...

"Lord Adrian ang mansion ay Kasalukuyang sinusugod ng mga dunkelheit alma at marami na po sa mga Tao sa loob ang nasaktan" saad ng kawal na hinihingal

"Si Rigo, si mariella Nasan sila?" Kinakabahan ako Baka Kung na Paano sila. Yumuko lang yung kawal ibig bang sabihin May nangyari sa Kanilang masama.

"O siya! Bantayan mo nalang ang princesa pupuntahan ko sila doon." Akmang Aalis na sana ako ng hawakan ako ng kawal sa aking balikat

"Lord Adrian Hindi mo maaari malala na po ang sitwasyon mapapahamak kayo Kung pupunta pa kayo doon." Mangiyak-ng iyak na saad ng kawal. Ngunit Hindi ko siya pinansin tinanggal ko ang kamay niya at tumakbo ako papunta Kay mang Guevara upang Kunin ang susi Ayaw pa ng matanda ibigay at susi ngunit sa huli napilitan din siya.

"Mariella at Rigo papunta na ako" saad ko sa aking isipan habang nag da-drive papunta sa mansion hindi ko alam Kung Paano sila ililigtas pero mas maganda na ang sumubok kaysa sa maghintay.

Marahil manganib ang buhay ko sa Gagawin ko ngunit mas Hindi ko kakayanin ng mawalan ng mga kaibigan na walang ginagawang paraan.

Not An Ordinary Gift: The GuardianWhere stories live. Discover now