Chapter 36: Confessions

623 23 2
                                    

HAPPY NEW YEAR GUYS! FOR ALL THE PEOPLE WHO ARE NOW READING THIS STORY, THANK YOU VERY MUCH FOR REACHING UP TO THIS POINT OF THE NOVEL. NO BIGGY, I JUST WANT TO TELL YOU HOW I APPRECIATE EVERY READ, COMMENT AND LIKE THAT YOU GRANT FOR EACH OF THE CHAPTERS. MAY I SOMEHOW INSPIRED YOU TO CONTINUE AND APPRECIATE LIFE EVEN MORE DESPITE ALL OF THE TRIALS AND DIFFICULTIES IT MAY BRING ESPECIALLY TO THIS NEW YEAR. IN EVERY DIFFICULTY, THERE'S HOPE. 

THANK YOU

-MIYURI

-------

Kasama ang pinaprint at pinaframe kong picture ni Jane ang isang bouquet ng red flowers. Nagpabango ako, hindi ko alam kung bakit parang espesyal na raw 'to sa akin pero masaya lang ako. Sumakay ako ng taxi para mas mabilis at pumunta sa ospital nang biglang nagring ang phone ko. 

"E-eroll, si Jane." nanginginig ang boses ni Eser at alam kong many hindi magandang nangyari. 

"Ano?! Anong nangyari sakanya?!" tanong ko, napalingon sa akin si manong taxi driver at itinuloy ang pagmamaneho. 

"Hindi ko alam! Pagkatapos niyang mapanuod 'yong news tungkol dun sa anak nung sikat na aktor na namatay eh bigla siyang- hindi ko alam kung anong nangyari sakanya! Nasa ICU na siya ngayon Eroll." Ang bilis ng tibok ng puso ko at pinabilisan ko ang maneho ni manong driver. Agad-agad akong tumakbong papuntang ICU at nakita sa labas sila Tita Angel. 

"Ano pong nangyari tita?"

"Ang sabi ng doktor, maaaring dahil sa mental stress na naidulot nung pagkakaalam ni Jane sa pagkamatay ni Lenard eh lumala yung sitwasyon niya. Kailangan niya na ng heart transplant sa lalong madaling panahon."

"Ha?! Eh medyo malayo pa siya sa listahan ah?"

"Titignan nila ang kaso ng mga naunang nasa listahan, this is an emergency case kaya pwedeng mauna si Jane, pero hindi parin sigurado kasi depende uli iyon kung yung susunod sa waiting list eh kailangan nadin."

"Mga gaano po katagal?" Tanong ko, pinunasan ni tita yung luha niya at tinignan si Tito.

"One to two weeks raw." sabi ni Tito, ang tagal pa! "Humihingi na ako ng tulong sa kakilala ko kung sinong kakilala nila na naghahanap nagdodonate. " Tumahimik lang ako at nakiupo, kailangan ko ring may gawin. Tumingala ako pero walang pumapasok sa isip ko, nakita ko na parating si Eser na may dalang kape.

"Uminom po muna kayo." Ibinigay niya ang mga kape kila tita. Lumapit sa akin si Eser at hinila ako sa gilid. "Kasabay ko na umuwi sa Pinas si Tita Agnes, nagpumilit siya. Parehas kami ng sinakyan na plane/"

"Diba sabi ko ayoko? Nilinaw ko na kay Dad 'yan noon pa." sabi ko habang pinipilit na babaan ang boses ko.

"Alam mo naman na 'yon na ang plano sayo ni Dad noon pa diba? Meet her later at Cafe Lea, 6 pm." Tinapik ako ni Eser sa balikat bumalik kila Tita para icomfort sila. Kinausap ko lang sandali si Kuya Adam at nagpaalam narin kami ni Eser. Ibinaba niya ako sa Cafe Lea at nakita kong naghihintay na sa loob si Tita. 

"As usual, you're late. Sit down." Umupo ako at nakatitig lang siya sa akin na nakataas ang kilay. Nakapulang bistida siya na may white fury coat at make-up na sakto lang para matakpan ang wrinkles at balat na niluluma ng panahon. I never liked her because she's like my Dad, authoritative. "Come with us, ikaw nalang ang nandito sa Pilipinas."

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now