Chapter 8

1.2K 30 1
                                    

Nagsisiksikan ang mga estudyante sa harap ng pink na bulletin board, pink dahil in two weeks, February 14 na, at Pebrero ang buwan ng mga puso. Tumunog ang bell at unti-unti na silang nag alisan sa harap ng board. Lumapit ako at binasa ang nakapost, medyo malalaki ang letra at nakapaskil ito sa buong board. 

Indulge your heart, wash away all the pain and hurt ! Come to the Valentines Day ball!  

Jusko, ano nanamang pakulo ng mga SSG?! HINDI MAWAWALA ANG SAKIT NG PUSO KO SA PAGKAMATAY NG MGA NOVEL CHARACTERS KUNG PUPUNTA AKO SA VALENTINES DAY BALL. Hindi ko na binasa at tumuloy na ako sa klase. Nandoon na si ma'am Alang at sa tingin ko'y pinag-uusapan ang Valentines Day Ball. Umupo ako sa dati kong upuan sa likuran at nandoon si Eroll sa tabi ng upuan ko. Hindi niya ako tinignan o nginitian katulad noon, bwisit pa siguro siya sa nangyari. 

"Nabasa niyo naman siguro na Ladies Choice ito, ako ang faculty-in-charge sa event na ito kaya inaasahan ko lahat eh mag p-participate! Wala kayong choice dahil kung hidni kayo pupunta, gagawin o ang lahat ng makakaya ko para mabawasan kayo ng isang point from your final grade."

 

"Ma'am bawal yon!" sigaw nung isa kong kaklase. 

"Hindi bawal iyon kung wala kayong ebidensya." Nag evil smile siya at napangisi nalang ako doon, naramdaman kong nakatingin sa gawi ko si Eroll. Lumingon ako sakanya at masama ang tingin niya. 

"What?" 

 

"Smile." itinaas ko ang kaliwang kilay ko. "Mas nagmumukha kang normal at hindi sadista kapag nakangiti ka. " inirapan ko siya at  bumalik sa pangongopya ng notes mula sa board. "So, sinong yayayain mo?" hindi ako sumagot at inilabas ang headset ko. 

Sa totoo lang, ayoko, ayokong pumunta. Kakornihan at pagsasayang ng pera lang naman yung Ball. Pakulo ng mga SSG para may maipost sila sa Facebook at para mainggit ang ibang eskwelahan sa kung gaano ka cool ang BFU pagdating sa mga parties. Siguradong marami nanamang mag eenroll na rich kids dito sa susunod na taon. Mas kilala ang BFU sa mga pasosyal na events kaysa sa mga academic achievements. Though marami nadin namang parangal tungkol sa akademiya ang BFU. 

Inialis niya yung headset sa tainga ko. "Kinakausap kita."

 

"Hindi ako pupunta."

 

"Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ni ma'am? Mababawasan ka ng 1 point mula sa final grade mo."

 

"I don't care. Mas mabuti iyon kaysa sayangin ko ang oras ko sa walang kwentang ball na yan. Bakit tayo gagastos ng malaki para sa mga sarili nating kaligayahan? Look at them, they're so excited, later, they'll be asking their parents to buy a hundred thousand peso worth of gown and accesories." 

 

"Hindi ka din ba ganon? Mayaman ka naman eh, kaya mong bumili ng ganoon." Badtrip padin siya tungkol sa 'rich issue' na iyon. 

"Hindi ako ganoon."

 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon