Chapter 27: Finishing something

872 26 1
                                    

Unti-unti akong nanghihina, masyadong mabilis ang mga pangyayari, nagrerespond ang katawan ko sa treatments pero konti-konti lang. At dahil doon, naging kulungan ko na ang kwarto ko, parehas na creamy white na ceiling, blue walls, at red carpet flooring. Naglagay na sila ng maliit na TV sa room ko para hindi ko na kailangang bumaba kapag gusto kong manuod ng  CSI. Naging hospital room nadin itong kwarto ko dahil may mga kung anong bagay sa tabi ng kama ko na isinasaksak sakin minsan ng nurse kong may sariling kwarto na adjacent sa kwarto ko. Pero, overall, I feel strong, kaya ko pa namang tumayo mag-isa at pumunta sa CR, kaso nga lang, pati pagligo eh kailangang meron si mama o si Ayla, which is awkward.  

"Yow, potatow, I brought ice cream." pagbati ni Eroll. Nilabas niya ang ice cream na nasa cup at saka kumain.

"Nasaan 'yong sa akin?"

"Ha? Bawal ka nito panda girl." WHAT?! KAILAN PA AKO NABAWAL SA ICE CREAM?!

"Kainis ka, umalis ka nga dito." ngumiti lang siya at patuloy na kumain parin sa kwarto ko. "Ang panget ko na noh?"

"Pfft, kailan ka pa naging concerned sa itsura mo? I see the same old Panda girl- only with huge eyebags, pale skin and lips." tapos tumawa siya at sumubo ng ice cream. "Joke, you're gorgeous." Napataas 'yong kilay ko doon at tinignan siya ng masama. 

"Do I look that bad?" binigyan niya ako ng 'shut-up' look at iniabot sa akin ang kutsara na may lamang ice cream. "Eww, may laway na yan."

"Laway conscious ka masyado, ikaw kaya ang may sakit hindi ako." At isinubo niya yung kutsara. 

"Hindi contagious ang sakit ko noh."

"Yeah, yeah whatever. So what's up?" tanong niya habang sinisimot ang baso.

"Bakit ka ba nagtatanong ng mga walangkwentang tanong? Ano sa ba sa tingin mo?"inirapan ko siya at iniayos ang higa ko. "Ang boring dito noh."

"Mukha ngang bored ka, natapos mo na ba yug mga series na binigay ko sayo?"

"Yup, tapos ko na ang Psych, Lie To Me, mga Koreanovelas ni Lee Minho at yung iba pa. I want to go out, go to the beach."

"Magagawa mo lang yan kung may milagro." napatahimik ako at napansin niyang medyo na offend ako doon. "Well okay, kung ip-promise mong gagaling ka, magpapatayo ako ng dagat para sayo." That's more offensive.

"So parang sinasabi mo narin na hindi ako gagaling kasi logically speaking, no one could build an ocean!" Inirapan ko siya at tinalikuran.

"Shet ano ka ba? Hindi ka ba kinilig doon? Sinabihan ko yung crush ko noon ng ganoon dati, ang sweet daw." Nakakainis na, hindi ko alam pero nagagalit ako, hindi ko na alam!

"Hindi ako yung crush mo dati at wala siyang sakit at hindi mo siya sinasabihan na hindi na siya mabubuhay! Akala ko isa ka sa mga kakaunting taong makakasurvive ako at hindi susuko sa akin, pero sumusuko ka na. Eto lang naman ang support na kailangan ko para mabuhay eh. I'm tired of all the treatments! I want to tell my parents to stop wasting money for useless treatments that doesn't even help me to breath! Ayoko na yung pumupunta sila sa kwarto ko, tititigan ako na may maluha luhang mata at ngingiti, at sasabihing, Be strong Jane, Trust in God. I do trust God with my whole life, that's why I keep on living with a smiling face and a wondeful plan with my life. Pero kayo na nagsasabi na trust in God, do not even trust him! Sinasabi ninyo na magtiwala ako sakanya at sa plano niya sa akin, pero inaassume niyo na na mamamatay ako! " Hindi ko na napigilan yung luha ko, hindi ko alam kung saan to nanggaling. Hindi lang ako makaisip na mga sasabihin ko, pero malakas ako sa pagkakasabi ko nun, walang nanakit na internal organs at parang sinasabi ng puso ko na tama yang ginagawa ko. For the first time, nagkasundo kami. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now