Chapter 13: Bugso ng damdamin

1K 19 4
                                    

Maingay sa labas, ibig sabihin andiyan na si Eser. Wala pa si Sheen. Nag-ayos ako ng buhok at umupo ng tuwid. Nakita ko na siyang pumasok sa classroom at tinitigan ko siya. Titingin kaya siya? Dito Eser, nandito ako. 

Halos sumabog ako nang nag aye contact kami at ngumiti siya, palapit siya nang palapit sa akin. 

"Hai Jane, what's up?" inisara ko ang bunganga ko at napalunok ako, mukha na akong tanga at mukha akong isa sa mga ordinaryong fan girl niya. 

"The ceiling," Shoot no, "I-I mean, n-nothing." 

 

"Ha-ha! I love your humor, I'm gonna like you." He loves my humor?! Umupo siya sa upuan sa harap ko na nakabaliktad at isinandal ang baba niya sa pinagpatong na braso niya, nakatitig din siya sa akin. Sa sobrang higpit ng hawak ko sa lapis akala ko'y mapuputol na 'yon. 

"W-why are you staring like that?"

 

"Why didn't I noticed you before? Are you sure you're not a transferee?" Ohmygosh. He was my classmate for a very long time! Umiling ako at ngumiti. "Can I court you?" Napalaki ang mata ko. Court? Ligaw? Agad-agad?!

"Ha! Nagbibiro ka ba? Liligawan mo agad ako?"

 

"I can see you're a good person." at ngumiti nanaman siya, mygulay. "And you're very beautiful too. Pero hindi kita minamadali, pag-isipan mo at bibigyan kita ng oras mag-isip, enjoy your day Jane." kinindatan niya ako at bumalik sa tropa niya. 

Wow, that was fast, really fast. Gusto kong sampalin ang mukha ko dahil parang panaginip ito. Totoo ba talaga to? Ako? May balak na ligawan ni Eser? 

"Okay guys, tara na sa second quadrangle at ituturo ko ang ilang warm ups." Heto ang ayaw ko sa PE, outside activities. Sa totoo lang ang Physical Education eh 10% excercise at 90% kahihiyan. Pinaglinya kami at gagawin daw namin yung grape vine at ilan pang excercise na hindi ko alam ang tawag. 

Tatlo kami na magsasabay sabay, ginawa ko ang unang excercise pero parang may kakaiba akong naramdaman, nanghihina ako at parang lumalabo ang paningin ko. Napaupo ako hinawakan ang sahig para hindi tuluyang mahiga. 

"Jane! Okay ka lang?" tanong ni Eser, nagsilapitan ang mga kaklase ko. Tinulungan akong itayo nila Eser at Eroll at ipinahiga sa emergenct folding bed na kinuha ng isa ko pang kaklase. Umubo ako ng umubo, tumigil nalang iyon nang mahimas masan na ako ng kaunti. 

"May sakit ka ba iha? Parang napapadalas na ang punta mo dito sa clinic ha." Umiling ako, siguro eh dahil napuyat ako kahapon at hindi rin ako nakakain ng maaayos noong umaga dahil antok na antok ako."Sigurado ka ha?" 

 

"Opo."

 

"Pero magpatingin ka padin para sure."

 

"Opo." Hindi ako magpapatingin dahil sigurado akong mali lang nanaman ang diagnosis nila. Noon eh napunta ako sa clinic at sinabi nilang baka mayroon  akong Dengue kaya pinatingin ako sa doktor at simpleng trangkaso lang iyon, gumastos pa kami. Kaya hindi na ako nagtitiwala sa school clinic namin. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ