Chapter 28: Continuing Life

817 24 0
                                    

Hawak hawak ko ang diploma, halos isang araw ko na 'tong tinititigan, ano kayang kukunin kong course sa college? Gusto kong mag UP, pero baka hindi ko kayanin, nakapasa naman ako pero--- hayy, paano kung mag Saint Louis ako, mas malapit at maganda  o kaya naman- 

Stop Jane. Huwag ka nang mag-isip, just trust on the Lord's plan. Kinuha ko ang bible at binasa ang naiwan kong chapter sa libro ng Matthew. Nagsulat ako sa journal ko, ayokong tawaging diary kasi parang masyadong girly ang diary.

 Binuksan ko ang TV dahil naalala kong ngayon pala ang simula ng segment na Search for the next bonnet singer, nilipat ko kaagad iyon sa Kwelang Tanghali. 

"Nakakaloka! First performance palang eh nakakapangtindig balahibo na!" 

"True that, nako, ano naman kaya ang masasabi ng ating mga judges? First judge, Ms. Sarah Ferimo?"

"Thank you Jan, hindi ko maexplain pero sa tingin ko eh makakakuha talaga ako ng mga magagaling na singers dito sa segment na ito kasi jusko, first contestant palang oh!" sabi ni Ms. Sarah, hindi ko man napanuod ay sa tingin ko eh magaling talaga yung unang kumanta.. 

"Thank you po Ms. Sarah." Sabi nung boses galing sa anino na nasa likod ng tela. 

"Gusto na kitang makita dear! Pwede bang lumabas ka na dito ngayon din? "

"Hindi po pwede Ms. Sarah."nagtawanan ang mga host, "Ganito po talaga ang rule ng segment, saka niyo lang po sila makikita kapag nakaabot na sila ng grand finals o kaya maalis sila sa game."

"Yun na nga eh, nakakasabik! At dahil diyan, eto ang score mo." Pinindut niya ang kung ano at nag red lang ang screen sa tapat ni Ms. Sarah, sign na may score na siyang naibigay. Gusto ko sanang ituloy pa ang panonood pero inaantok na ako sa di ko malamang dahilan. Binuksan ko lang ang TV at hinayaan na bukas iyon, sumunod ang susunod na contestant at pareho din namang magaling, mas magaling pa sa akin! Nagising ang dugo ko at naiiyak ako. 

Nagbukas ang pinto at ang nakangiting mukha ni mama ang nakita ko. 

"Oh, dinalhan kita ng pagkain, ang gagaling ng mga contestants no?" sabi ni mama.

"Oo nga ma, eh. Nagtatanong tuloy ako kung bakit ako pa ang napiling inspirasyon ng segment na yan eh mas magagaling at experienced yung mga sumasali oh. Ako, 17 years old at walang alam, kumanta lang isang beses sa harap ng camera, kumalat at nagig internet sensation."

"You still don't see it, do you? Kaya ka napiling inspirasyon ng segment na yan kasi nakita ng mga big bosses sa ZRE network na isa kang magaling na bata, you're a fighter Jane. Kahit na minsan ka palang nakapunta sa ZRE, sari-saring compliments na ang natanggap ko sa mga boss mo, at lungkot na lungkot sila nung nalaman nilang may sakit ka. At alam mo naman sigurong pagkatapos mong gumaling eh may nakahanda nang kontrata sayo diba? " Tumango ako at ngumiti. "Jane, these are all blessings that you have to appreciate, don't question what God gave you, because everything you recieve is meant for you and it's up to you to make something productive about that. Right?" Tumango uli ako at niyakap niya ako. 

"Mama, diba sabi ni boss Mark, kung pwede raw eh mag guest ako sa Kwelang Tanghali minsan?" 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora