Chapter 15: Mistake

1K 21 9
                                    

'Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pa pumapasok?' - text ni Eroll, akala ko ba lulubayan niya na ako?

'Nasa lamay ng lola ko, babalik nadin ako sa isang bukas.'

 

'Ahy sorry, condolence.' 

 

'K thanks.' ang nireplay ko lang, babalik na sana ako sa pagbibigay ng biskwit nang nag vibrate ang phone ko. 

"Ako nalang muna dito." pag-alok ni Kuya, ibinigay ko naman 'yon sakanya at binasa ang text.

'Kasama ka sa group namin sa project, magv-video na kami ng scenes at ic-compile nalang namin 'yon, since wala ka eh SD card nalang ang mai-cocontribute mo.' SD card? Mayroon lang 'yong sa video camera.

"Ayla, dinelete mo ba 'yong mga video sa SD card ng video camera?" 

 

"Oo, binura ko lahat ng nandoon pagkatapos kong i-upload 'yung last video. "

 

"Sure ka?"

 

"Yes." tinexan ko si Eroll at sinabing kunin niya nalang sa bahay at ipapasabi ko kay ate Rina sa bahay. Ilang oras ang lumipas at nagtext siya na nakuha niya na at magv-video na sila. 

Nagring ang phone ko at sinagot ko iyon. "Hello ate Aira?"

"I really have to talk to your parents, nakita ko na ang results and base din sa mga sinasabi mong sintomas, you have dilated cardiomyopathy." Parang tumigil ang mundo ko noong nalaman ko iyon. "Hello Jane? I'm sorry, but I have to tell your parents the truth." 

 

"Wait, can't it wait till the day after tomorrow, konting araw lang po, please?"

 

"No."

 

"Please ate." Naluluha na ako at nanginginig ang boses ko. Kagabi, inisip ko, kung may sakit nga talaga ako katulad nung kay Lola, at mamamatay din ako balang araw, hindi ako natatakot. Mas natatakot ako para sa mga taong maiiwan ko, ayokong malungkot sila. Pero teka, sino ba kasing may sabing mamamatay ako?! 

"Okay, but after tomorrow, tayong dalawa ang magsasabi."

 

"Yes, okay ate, thank you." Binaba niya ang phone at ako nama'y pinunasan ang luha ko at tahimik na pumasok sa kwarto namin. Natulog uli ako. 

Ginising ako ni mama, napakahaba ng tulog ko dahil umaga na nang paggising ko, maghahanda na para sa libing. Nag-ayos ako at sumakay na kami sa sasakyan papunta sa sementeryo. Kaharap namin ang sasakyan kung saan nakasakay ang ataul ni lola sabay ng musikang dinig sa bawat daraanan namin. 

Kung sakali, kung sakali lang naman, at hindi ko ito hinahangad ha, ganito rin kaya kalungkot kapag ililibing na ako? Ay nako, hindi ka pa mamamatay. Inilabas ko ang phone ko at nag internet, patago kong hinanap sa google ang sakit na 'dilated cardiomyopathy" Hindi ko masyado naiintindihan ang mga malalalim na salita. Tinignan ko ang symptoms at karamihan doon ay nararanasan ko na.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon