Chapter 19: Feelings

981 27 6
                                    

Lagi akong tinatabihan ni Eser sa classroom, kinikilig ako pero naiilang syempre. May feeling ako na ginagawa niya lang 'yon para pagselosin si Sheen. 

"Oh, wala na si Sheen, pwede ka nang lumayo sa akin." sabi ko na may kasamang ngiti.

"Sino ba kasing may sabi na lumalapit lang ako dahil sakanya? I like you Jane." Napalunok lang ako at kinalma ang puso ko. "Nililigawan na kita."

 

"A-ah? Ah, g-ganon ba?"

 

"Yes, pwede ba?" Pwede ba? OO, I mean, yes why not? 

"Pero, kung may balak kang ligawan ako, kailangan mong kausapin 'yong parents ko." 

"Pfft, ha?!" tumawa siya. "Uso pa ba ngayon 'yon? Bakit kailangan pa natin ng permission nila?" Wow, hindi ko inaasahan na ganon ang magiging response niya. 

"Hindi ba kayo legal ni Sheen?"

"Hinde, mas maganda 'yon kasi ayaw ng family ko sa family niya."

"Ha? Why?"

"Because they're not that rich, ang labo ng mundo natin no? Pinaglaban ko siya, pero hindi niya ako kayang ipaglaban. " Tumahimik nalang ako, halata namang may gusto pa siya kay Sheen eh at ginagamit niya lang ako. "Pero, bakit ba nating to pinag-uusapan? Kung gusto mo, okay sige, kakausapin ko parents mo."

"Okay, great, when?"

"Uh-, sometime, kung magiging free schedule ko, may practices kasi kami para sa competition na sasalihan namin." Tumango nalang ako. Bumalik siya sa upuan niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang napunta ang isip ko sa graduation, three to four months nalang at graduate na ako ng highschool. Mga tatlong buwan pala mula ngayon, sa Mayo na.  Sa panahong 'yon, malakas pa kaya ako? 

Nagulo ako nang kumakanta si Eroll palapit sa akin ng 'Dance with my Father' , with feelings kahit wala naman sa tono. 

"Nakaka touch talaga 'yong kantang 'yon, lalo na nung si bonnet singer na ang kumanta. Ang haba ng pangalan niya, gusto ko sanang ishort sa BS kaso parang hindi naman ata maganda kung parang mura." BS, Ah.. Bul- Nevermind.

"Okay." Sagot ko lang. 

"Konti nalang malapit na ako sakanya." Sabi ni Eroll, tumingin ako sakanya at ngumiti siya na parang super confident. Tignan lang natin kung mahahanap mo kung sino talaga siya. 

"At paano mo naman nasabi?"

"Nararamdaman ko lang, kailangan ko lang ng marami pa niyang videos."

"Baka hindi na'yon mag post."

"Eh di mag papatrending din ako ng video para lang kumanta uli siya. Magpapanggap akong mamamatay na para pagbigyan niya ako." sabi niya tapos tumawa.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon