It started when...

3.8K 60 12
                                    

Lahat tayo may itinatagong identity. Sa likod ng ngiti, simangot, mabuti o hindi mabuting gawain, may isang parte sa atin na masasabi nating totoong tayo. Walang pagpapanggap, walang effort, walang paghihirap. Ang tanging pagsubok lang eh kung handa ka bang ilabas ito? Ipakita na hindi ka talaga malakas o ipamukha sa iba na hindi ka mahina o ilabas ang totoong tapang na matagal mong itinatago kasi natatakot ka sa mga mangyayari.  Handa ka ba sa mga maaaring magbago kapag nawala na lahat ng pagpapanggap mo sa mata ng ibang tao?  

It all started when someone reposted my video on youtube. 

Shutangers, ang ganda ng boses niya! 

Ohmygosh. Who is this girl? I almost cried.

Yung pinaka nakakaapekto talaga sa boses ng isang singer eh yung feeling. Namnam na namnam niya yung kanta kaya nakakadala. 

Ipa trending natin to! 

Wow, pinarinig ko yung boses niya kay papa. My dad is a vocal coach and her voice is kinda rare daw. Kahit na normal phone camera ang gamit niya eh maganda parin at clear ang quality ng voice. Hindi raw kasi lahat maganda ang boses kahit sa mga low quality video. Baka raw kapag sa radio siya kumanta eh parang hindi ka sa radyo nakikinig.

Shet, nakakaiyak. Ang galing. 

Poser 

May cover ba siya na hindi naka bonnet at naka sunglasses at naka nose mask?

Baka kasi hindi maganda kaya naka ganyan. HAHAHAHAHA!

Cover ko yun ng Dance with my father. Pinost yun ng kapatid ko sa blog niya . At ngayong kumakalat na eh saka ko lang nalaman. Buti nalang talaga eh naka bonnet ako na may tatak na "Baguio City" noon at naka sunglasses, at naka nose mask.  Yun ang nag-iisang video ko sa buong buhay ko maliban dun sa baby video na kinuhanan nila mama noon. 

Hi, my name's Jane, just like my name, I'm plain ordinary. Just, Plain Jane. But then, I became the Bonnet singer... Things were going pretty well at first but people became desperate... they wanna know the name and the face beyond the disguise. The thing is, except dun sa blog ng sister ko... wala ng kahit anong bagay na pwede nilang malink sa akin. (And, the blog of my sister is just about KPOP, and no personal infos. )

So, Good Luck... 

And Let the search for the bonnet singer, begin. 

-MIYURI-

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin