Chapter 14: Heart

1K 25 6
                                    

I never knew that something's wrong with me, I thought it was just a mere effect of normal physical changes. 

"Anak, uuwi muna sila kuya mo para kumuha ng damit, kunin mo narin 'yong x-ray results mo." umo-o ako at sumakay na kami sa sasakyan na minaneho ni kuya. Nagpaiwan muna si mama  at sinamahan naman siya ni papa. 

"Napapansin namin madalas na 'yong panghihina mo ngayon, may sakit ka ba?" tanong ni kuya Adam. "Kinukwento kagabi ni mama, sabihin mo kaagad sa amin kung anong resulta ng chest x-ray ha?"

 

"Yes kuya." Ibinaba ako ni Kuya sa harap ng clinic at pumasok na ako. "Jane Abanza po." Umalis saglit 'yong babae atsaka bumalik kasama 'yong xray ko. "Thank you po."

 

"Siya nga pala, nag out of town si doc pero mahigpit niyang sabi sa akin na magpatingin ka raw sa cardiologist." Ha? Bakit ako magpapatingin sa cardiologist? Binuksan ko ang malaking envelope at nakita ko kung bakit. 

Hindi normal ang laki ng puso ko. 

"Ano pong ibig sabihin nito?"

 

"Enlarged ang heart mo at maari itong cause ng isang sakit, kaya you have to seek help from a cardiologist. " napatango lamang ako ng dahan-dahan, baka naman nagkapalit ang results? Sasabihin ko ba 'to kila mama? Baka mas lalong ma depress 'yon, kamamatay palang ni lola eh. Nag detour ako at nakita ang isang sari-sari store. 

"Hello ate, ako po si Jane, may ipapaiwan lang po sana ako?" iniabot ko ang envelope. "Heto po, pwede niyo pong tignan 'yan. Eh hindi ko po kasi pwedeng dalhin 'yan sa pupuntahan ko. Pwede po bang dito muna 'yan?" 

 

"Oo naman, kailan mo ba babalikan?"

 

"Hindi ko pa po alam eh, pero kung hindi ko pa po yan binalikan ng isang buwan eh pwede niyo na po yang itapon." sabi ko na may kasamang pilit at matamis na ngiti, medyo napakunot siya ng noo pero ngumiti at tinago niya din naman. Bumalik ako sa kotse.

"Oh? Asan na?"

 

"H-ha? Eh wala kasi 'yong nagx-ray sa akin tsaka hindi alam nung nagbabantay 'yong results pero sabi naman sa written records eh wala namang mali sa akin." 

 

"Oh, okay, good." Napaniwala ko sila sa lame excuse na 'yon? Umuwi kami at kumuha ng mga damit si kuya, nagsama narin ako ng kaunting damit ko dahil doon kami matutulog ng ilang gabi hanggat sa malibing si lola. 

"Uh kuya, may kailangan lang pala akong daanan sa school, pwede niyo ba akong hintayin?" 

 

"Okay sige." I took the taxi and went to the hospital, pinuntahan ko si Ate Aira, isang katulong noon sa bahay na pinag-aral nila papa. Siya ang tumayong tagapag-alaga ko noong bata palang ako.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now